Chapter One: Ides

79 1 1
                                    

Chapter One: Ides

+++++

Notes: This is primarily a romance story

+++++

Princess Joanne Felipe

(Official: Her Royal Highness The Luzon Princess)
Born: March 15 1997 (Age 22)

+++++

March 15, 2019
Palace of Felipe

Hindi kinamumuhian ni Joanne ang Palasyo ng Felipe. Sa totoo lamang ay hindi na siya makapag-hintay na maging opisyal na tahanan na niya ang palasyo. Ang kinamumuhian niya ay ang makita ulit si Haring Alfonso at ang kaniyang ikalawang asawang si Reyna Olivia.

Sa tuwing nakikita siya ng mag-asawa ay nagiging nakalalason ang mga tingin nila. Naiintindihan naman ni Joanne ang galit sa kanilang mga mata. Ang pagiging Prinsesa ng Luzon ni Joanne ay patunay na hindi matutuloy sa salinlahi nina Alfonso at Olivia ang kinabukasan ng monarkiya.

Kaya laking gulat ni Joanne nang igiit ng hari na idaos ang twenty-second birthday niya sa Palasyo.

Noong una ay naghinala si Joanne na may plano ang dalawa na ipahiya siya sa harap ng maraming tao, ngunit makakagawa iyon ng malaking eskandalo. Maliban kay Joanne, sa mga kapatid niya at lalong-lalo na sa Papa niya, allergic na si Haring Alfonso sa eskandalo.

Hindi kaya lalasunin siya ni Reyna Olivia?

Hindi. Malaking tsismi na sa buong mundo ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Joanne at Olivia. Kung nagkataong may tangka silang patayin si Joanne ay madadawit panigurado ang reyna.

Ano pa ba ang ibang pwedeng maging motibo nila?

Sabagay ay malaking PR move ang pagdaos ng kaarawan ni Joanne sa Palasyo ng Felipe. Ipapakita nito sa mundo na hindi totoo ang mga tsismis without directly acknowledging them. Para itong malaking karatula na nagsasabing matatag ang samahan ng pamilya Felipe, kahit na alam ng bawat miyembro nito na hindi iyon totoo.

Karating na karating ng partido nina Joanne sa main gate ng Palasyo ay halos iuntog na ng mga journalist ang mga camera nila sa salamin ng kanilang sasakyan. Wala naman silang magawa kundi ngumiti na lang sa kanila at kumaway.

"Your Royal Highness, tumingin ka rito!"

"Joanne! Joanne!"

"Happy Birthday, Princess Joanne!"

Lalo lang nainis si Joanne nang makitang mas marami pang journalist ang nakakumpol sa entrance papasok ng Palasyo.

Ang ama ni Joanne na si Vincent ang nag-escort kay Joanne pababa ng sasakyan. "Happy Birthday, sweetheart. Pagpalain ka ng Diyos." Saka siya hinalikan ng ama sa pisngi. Nabigla ng kaunti si Joanne sa pagta-Tagalog ni Vincent.

May dugong Pilioino si Vincent galing sa kanyang ina, pero dahil lumaki siya sa Inglatera ay dumating siya sa Pilipinas na walang alam na salitang Filipino. Ngayon ay nakakaintindi na siya pero madalang siyang magsalita ng Tagalog. Kaya nagulat si Joanne sa may kalalimang pananagalog ng ama.

Aureate Throne (Queen of the Philippines)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon