Vina's POV
"What? No Dad! bakit ako pa ang kailangan umattend sa party na iyon alam mo namang hindi ako mahilig magpunta sa mga sosyaling lugar!" Bakit ba kasi ako ang kinukulit nya na pumunta sa party na'yon?
"Please baby, hindi pwedeng wala man lang makapunta sa pamilya natin naimbitahan ako ng mga MONTEVERDE hindi basta basta ang mga iyon dahil nangunguna ito sa larangan ng negosyo." paliwanag nito sa akin wala naman na akong magagawa dahil nasa labas rin sila ng bansa at may ibang inaasikaso tungkol sa nesgosyo.
"Okay fine just this one Dad!"Hindi talaga ako mahilig pumunta sa mga party lalo na pagdating sa mga negosyo dahil para sa akin ay nagpapalastikan lang ang lahat ng tao dun para sa business partner na inaasam nila.
"Kailan kayo uuwi?" Sa totoo lang halos dalawang buwan na silang hindi umuwi dahil sa negosyo.
"Soon baby, sige na at aalis pa kami ng Mommy mo. I love you anak mag iingat ka parati dyan." Pagkatapos nyang mag paalam ay ibinaba na niya ang telepono.
Naisip ko na pumunta kila Crys kaya naman naghanda na ako at nagmamadaling umalis sobrang miss ko na si Chase medyo matagal narin akong hindi nakakadalaw dahil simula ng pag uusap namin ni Crys ay naging busy na ito sa trabaho.
---------------
"Titaaaaaaaa!"Malayo palang ako ay rinig ko na ang sigaw ng makulit na batang yun napansin kasi ako nito pagbaba ko ng sasakyan dahil naglalaro lang ito sa balkonahe ng kanilang bahay.
Tumakbo ito papalapit sa akin at yumakap sa mga binti ko.
"Hmmm kamusta na ang baby boy ko?" Paglalambing ko dito.
"Malapit na ang birthday ko ganito nalang po." sabay pakita ng kamay niya na nakabukas ang tatlong daliri.Malapit na siyang mag anim na taon, at kung umasta ay akala mong matanda na dahil marunong na itong umintindi ng mga bagay bagay, gaya nalang kung bakit hindi magkasama sa iisang bahay ang Mommy at Daddy nya.Hindi ito nagtatanong tungkol doon siguro ay naipaliwanag na ni Crys ang bagay na'yon.
"Iyong regalo ni Tita secret muna para surprise." Tumango lang ito at bumalik sa ulit sa kanyang paglalaro.
Maya maya pa ay nakitang kong palabas si Crys na may dalang pagkain para Chase.
"Heyyy! Kanina kapa ba? Bakit hindi ka pumasok sa loob?"Nakangiting bati nito sa akin.
"Kakarating ko lang, nakita ko si Chase na naglalaro kaya hindi muna ako pumasok."
"Ah ganun ba ? Tara pasok na tayo sa loob dahil mamaya pa matatapos sa paglalaro yang si Chase."Natawa nalang ako dahil totoo naman may sariling mundo si Chase kahit ako'y hindi na ulit pinansin dahil sa paglalaro nito kaya naman sumama na ako sa pagpasok niya sya loob ng bahay.
Habang nakaupo, ay bigla itong nagtanong.
"So bakit ka napadalaw?"Nakataas kilay na tanong nito sa akin.
"Wag mo akong tinataasan ng kilay at baka ahitin ko iyan! Namiss ko si Chase masama na bang bumisita ? Kuwari'y pagalit ko ring sabi sa kanya.
"Ito naman HAHAHAHA napaka init ng ulo mo may nangyari ba?." Pag iiba nito sa usapan.
"Sa totoo lang ay pumunta rin ako dito para magpatulong sayo, dahil ako ang pinapapunta ni Daddy sa gaganaping pagdiriwang ng mga MONTEVERDE.Walang ganang sabi ko dito.
"Oh my god Vin! Damn! MONTEVERDE ang dadaluhan mo pero bakit ganyan ang reaction mo?Kung ako ang dadalo ay baka ngayon palang nagpapaganda na ako!" Parang baliw na sigaw nito sa akin, may kasama pang paghampas akala mo'y walang anak kung magsalita ang babaeng to.
BINABASA MO ANG
This Time
OverigUna sa lahat ang kwentong ito ay gawa lamang ng malikot kung isipan.Kaya kung may pagkakatulad man ito sa iba ay hindi iyon sinasadya. At sana ay maunawaan nyo kung marami ang maling spelling Or grammar pasenya na dahil ito ang unang pagkakataon na...