Epilogue

24 1 0
                                    

"Tulungan mo ko, pakiusap! Kailangan kong mabuhay".

Kailangan kong mailigtas ang bata, kailangan kong mabuhay para mailigtas ang anak ko.

"Miss! Miss! sandali lang tumawag na ako ng ambulansya"

Dahil sa sobrang sakit ng ulo ko hindi ko na makilala kung sino ang tumulong sa akin. Ang naaalala ko lang ay boses ito ng lalaki.

Naramdaman ko na nasa loob na ako ng sasakyan at yon na ang huling naalala ko bago ako mawalan ng malay.

Sobrang sakit ng ulo ko pero pinilit kong bumangon para malaman kung nasan na ako. At kung ligtas ba ang anak ko.

Ang tanging nakikita ko na lang ngayon ay ang puting cieling. Lahat ng nasa paligid ay puti. Hindi ko alam kung bakit sobra sobra ang kaba ko ngayon. Pinilit ko ang sarili kong huwag mag-isip ng kung ano ano.

Nakita ko ang nurse sa tabi ko na ginagawa ang kanyang trabaho.

"Kamusta ang anak ko? Maayos ba sya? Iningatan ko sya kaya sigurado akong maayos sya." kinakabahan kong tanong habang nanginginig ang nga kamay.

Dali-dali akong napahawak sa aking tiyan upang makita kung ano ang lagay ng bata.

"Ikinalulungkot ko ngunit hindi nakayanan ng bata ang aksidenteng nangyari dahil hindi pa makapit ang bata. Tibayan mo ang loob mo." sa unang buka pa lamang ng kanyang bibig ay napahagulhol na ako. Bakit? anong kasalanan ang nagawa ko noong unang buhay ko at bakit nangyayari ito sa akin ngayon?

Siya na lang ang meron ako! Siya na lang! Bakit kailangang kuhanin kaagad siya sakin? Bakit!?

Isinusumpa ko na hangga't nabubuhay ako ay gagawin ko ang lahat upang maipaghiganti ang anak ko sa ama nya. Mali, hindi ko sya kailanman tatawaging ama ng anak ko.

Tyler Lucas Flores, ang pangalan ng lalaking nanloko sa akin at pumatay sa anak ko.

Kung hindi pa ako pumunta sa bar na yon hindi ko makikita na nakikipaghalikan sya sa ibang babae. Kung hindi sana nya ginawa yon hindi ako maaaksidente, hindi sana nawala ang anak ko.

Ipinapangako kong ipaghihiganti kita anak ko. Fly high my dear Rosie Sky. Mahal kita.

Palm Of SorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon