"Anong tinitunganga mo dyan Stella? Aba pinapakain ka ng maayos tapos tatamad-tamad ka dyan! Umayos-ayos ka kung ayaw mong malintikan sa akin ha. Tsk"
Umaga pa lang pero kumpleto na ng inis ang maghapon ko. Hindi na yata ako nagising ng may payapang kalooban.
"Opo Tita Amy, maglilinis na po" sya ang step-mom ko pero mas nagmumuka syang amo ko dahil sa pagtrato nya sakin.
Simula nung umalis ang mama ko ay nagtrabaho na sa ibang bansa si daddy. Kaya si Tita Amy na lang ang lagi kong kasama dito sa bahay.
Kung sana andito si mommy edi sana hindi ako inaalila sa sarili kong bahay. Kung hindi sana tarantado tong ama ko edi andito pa sana si mommy.
Buti na lang malapit nang magpasukan, makakawala na rin ako sa mga gawaing bahay.
Hindi naman kami ganon kahirap para hindi makakuha ng taga-linis sadyang pinapahirapan lang ako ni Tita Amy.Pagtapos kong maglinis at magluto ng pagkain namin ay umakyat na ako sa kwarto ko para makaligo dahil may usapan kami ni Lucas ngayon na magkikita kami sa plaza.
Sa tuwing hindi ko nagagawa ng mabuti ang pinapagawa sa akin ni Tita ay pinaparusahan nya ako. Minsan hindi nya ako binibigyan ng pagkain, minsan naman ay pinapalo nya ako ng walis o kaya ng hanger at pagkatapos ay ikinukulong sa kwarto. Kinukuha nya rin yung cellphone ko para siguraduhing hindi ako magsusumbong kay daddy.
Sa totoo lang ayoko ring magsumbong kasi noong nagsumbong ako kay daddy ay ako pa ang naging masama kaya hinahayaan ko na lang sila.
Buti na lang laging nandyan si Lucas sa twing kailangan ko ng makakausap. Patago nya akong binibigyan ng pagkain at binilhan nya rin ako ng isang maliit ng cellphone upang magamit kong pantawag sa kanya kapag may problema.
Simula bata ako ay lagi ko ng kasama si Lucas. Madalas kasi akong mabully noon dahil masyado daw akong maputi. Tinatawag nila akong "white lady". At si Lucas lang ang nagtanggol sa akin sa dinami-dami ng kaibigan ko noon.
Naging advantage din naman para sa akin ang pagiging maputi ngayong malaki na ako dahil halos araw-araw ay may gustong magpa-endorse sa akin ng kanilang mga beauty products or whitening products kaya nakakaipon ako ngayon galing sa sariling hirap ko.
At lahat ng nambubully sa akin noon ay manliligaw ko na ngayon HAHHAAHAH.
Sa tuwing magkasama kami ni Lucas ay yellow ang suot ko at sya naman ay black. Why? Because I am the star and star can't shine without darkness. He's willing to be my darkness just to let me shine.
So ayon dahil nandito kami sa plaza ay napakaraming pwedeng gawin. I always want to go here quietly without being called "not enough" for Lucas.
"Hi Tyler" tawag ni Mandy na may palagay pa ng buhok sa likod ng tenga na akala mo nahihiya, kasama ang mga asungot nya, sabay pulupot sa braso ni Lucas, knowing that I'm here huh.
Dali-dali niya namang tinanggal ang kamay ni Mandy sa braso nya.
"Hello Mandy, actually may lakad pa kami kaya kung pwede mauuna na kami" sabay hila sa akin paalis doon sa grupo nila Mandy.
Nakita ko nanamang umuusok na ang ilong ni Mandy sa sobrang inis sakin kahit wala pa naman akong sinasabi. Bago pa lang kami makaalis ay nagsalita na siya.
"Bakit ba mas gusto mo yang babaeng yan ha!? Eh hindi naman maganda yan, maputi lang! Sa tingin mo ba kapag umitim yan may papansin pa sa kanya ha!?" Omg andito nanaman tayo sa line na puti lang ang nagdala jusmiyo hindi pa ba sila nagsasawa dyan.
"Actually kahit umitim sya maganda pa rin,eh ikaw, ngayong maputi ka eh pangit ka na pano pa kaya pag umitim ka pa. Actually, wala namang kaso kung maputi o maitim dahil lahat ng babae ay maganda para sa akin. Pero alam mo ang kaibahan mo sa mga babae? Maganda sila kasi maganda ang kalooban nila, hindi kagaya mo. Sinasabi mong hindi sya maganda pero sobrang insecure mo naman. Love yourself first and then someday you'll know the reason what I see on her." Hinila ko na agad sya dahil pinagtitinginan na kami ng tao sa court.
Ngayon ko lang sya narinig magsalita ng ganon karami dahil madalas ay isang tanong isang sagot lang sya sa ibang tao. Siguro napuno na rin sya kasi sa tuwing lumalabas kami ay paulit-ulit na lang ang sinasabi nila Mandy kaya hindi ko rin sya masisi sa ipinakita nya sa kanila. Pero kailangan ko pa rin syang pagsabihan kasi babae pa rin si Mandy at masakit yung mga sinabi nya.
"Parang sumobra naman yata yung nga sinabi mo kay Mandy" sabi ko habang naglalakad kami papunta sa bilihan ng mga fishball.
"Nakakasawa kasi na araw-araw na lang sa tuwing nakikita ko sya lagi nyang sinasabi na hindi tayo bagay kasi hindi ka maganda. Sa ugali nyang yon nakakapagtaka na marami-rami pa ring nagkakagusto sa kanya."
"Pero dapat di mo na pinatulan kagaya ng ginagawa mo noon" hindi na rin naman ako nasasaktan sa mga sinasabi nila sakin kasi sanay na sanay na ako. Kabisado ko na nga rin yung nga line nila eh HAHAHA
"Kung hindi ko yon sinabi sa tingin mo tatahimik yon? Okay na rin yon kaysa naman lagi ka nyang sasaktan sa mga salita nya. Tandaan mo, hindi ko hahayaang may manakit sayo sa kahit anong paraan." Sabay hawak sa buhok ko.
Ito ang dahilan kung bakit hindi ko nararamdamang mag-isa lang ako sa buhay. Buhay nga ang daddy ko puro trabaho lang naman ang ginagawa. Sa twing kailangan ko sya ay ako pa ang nagiging mali. Buti na lang andito si Lucas.
Minsan kung sino pa yung inaakala mong magtatanggol sayo ay sya pa mismo ang makakasakit sayo ng todo. Kung sino yung hindi mo ineexpect na papahalagahan ka ay sya pa ang naging karamay mo sa lahat ng trahedya.
BINABASA MO ANG
Palm Of Sorrow
RomanceWhy do people get hurt because of someone? Actually, I'm no longer hurting, I'm now the wreck version of myself. Tyler Lucas Flores, how I wish that you could just hurt me instead of wrecking me. Because now, I lost my last hope, my last chance of...