Ang hirap talaga maging masaya no? Isang saya, sampong lungkot ang kapalit.
Kaya minsan natatakot na rin akong sumaya kasi alam kong ilang sandali na lang ay kabaligtarang emosyon naman ang mararamdaman ko.
Habang naglalakad kami papasok ng school ay biglang humarap sa akin si Lucas, hinawakan ako sa balikat at tinignan ako sa aking mga mata na punong-puno ng kalungkutan. Na akala mo ay ito na ang huling beses na makikita namin ang isa't isa.
"Stell, sasamahan kitang magpa-enroll pero hindi na kita masasahan sa pagpasok araw-araw" Nahihimigan ang lungkot at pagsisisi sa kanyang tinig.
Naguguluhan ako sa kanyang sinasabi, hindi ako makapag-isip ng mabuti. Tama ba yung narinig ko o dahil maingay dito sa kinatatayuan namin?
"Bakit naman HAHAH?" Tanong ko na idinaan ko sa tawa upang mabawasan ang aking nararamdamang kaba.
"Nangako kasi ako kay mama na pupunta ako sa kanya kapag grade 11 na ako" bigla na lang nablangko ang isip ko. Ganito rin ang pakiramdam ko noong iniwan na kami ni mama. Sa sobrang lungkot ay parang wala ka ng maramdaman.
You know the feeling of emptiness?
Tandang-tanda ko pa kung paano ako nagmakaawa kay mama noon.
"Ma, please isama mo na lang ako, ayoko dito, hindi ko pwedeng makasama yung babaeng yon ma" hinihila ko ang kamay ni mama habang humahagulgol para lamang hindi nya ako iwanan.
Sa murang edad ay nasaktan na ako ng unang taong minahal ko.
"Magpapakabait po ako. Hindi ako magiging sakit ng ulo basta wag mo lang po akong iwan dito" ginawa ko ang lahat ng pagmamakaawa. Lumuhod ako sa harapan nya, naka-impake na nga rin ang mga gamit ko kaso hindi man lang ako binigyan ng chance na makasama sya ng matagal. Habang nakaluhod ako sa labas ng bahay ay iniwanan nya ako na parang wala syang pakealam kung anong nararamdaman ko.
Hindi nya alam ang pakiramdam ng maiwanan. At nararamdaman ko nanaman yon ngayon.
Ilang ulit ko ba kailangang maramdaman yon?
"So, maiiwan nanaman ako hahhah?" pinilit kong tumawa pero sa huli ay mapait na ngiti pa rin ang nangibabaw. Eto nanaman tayo, ang kaibahan lang ay hindi na ako magmamakawa dahil alam ko namang hindi rin ako papakinggan.
"Babalik din naman ako kapag tapos na ako mag-aral, promise pagtapos pa lang ng graduation ko sa college babalikan kaagad kita" dahil sa sinabi nya ay nabuhayan ako ng loob. Kumapit ako sa pangako nya pero hindi ko kayang takpan ang kalungkutan ko.
Kaya naman ay tinitigan ko lang sya at walang ibang salitang lumabas sa aking bibig. Tila ba itinatatak ko sa aking memorya kung ano ang itsura ng unang lalaking nagmahal sa akin, ang itsura ng taong nagpahalaga sa akin. Ang itsura ng taong pinrotektahan ako simula pagkabata ko.
Ang mga matang tila laging nakamasid, itim na itim na mga mata na lalong pinapatingkad ng makapal at perpekto nitong nga kilay. Pulang mga labi na akala mo'y laging may kolorete. Ang napakatangos na ilong na maski ang lamok ay pwedeng mag-slide.
Hinding-hindi ko ata makakalimutan ang itsura ng lalaking ito kahit gaano pa ako katagal maghintay.
Nakakapanghina.
Paano na ako ngayon? Kakayanin ko ba mag-isa? Makakausad pa kaya ako?
Napakaraming tanong ang rumagasa sa isipan ko. Pero isa lang ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko, maiiwan nanaman ako.
Yon na ang huling pag-uusap namin. Umalis na ako dahil ayokong makita nya akong umiiyak.
Ayokong makita ng mga tao na mahina ako kasi laging ako yung nakakaawa sa dulo.
Unang araw ng klase ay nakatulala ako. Punong-puno ng kalungkutan ang puso ko. Hindi ako makapag-isip ng tama. Hindi ako makapag-concentrate sa sinasabi ng professor sa harapan. Ilang ulit na akong nakatanggap ng special mention ngayong umaga.
"Okay ka lang ba? Kanina ka pa kasi nakatulala baka mapalabas ka ni sir Thor, ang alam ko strikto yan eh" sabi ng kakikilala ko lang kanina na si Faye. Transferee sya dito sa LS High School. Morena sya at tingkad na tingkad ang ganda nya dahil matangkad sya at sobrang ganda ng ngiti nya. Ang tangos din ng ilong nya at wala kang makikitang mali sa kanya. Para syang perfect representation ng word na perfect. Kaso lang sobrang daldal nya.
Hindi pa ako tapos magdrama ay dinadaldal nya na ko. Pero hindi ko maialis sa sistema ko yung pag-iisip ng mga mangyayari sa mga susunod na araw.
"Ms. Ramos, are you not going to focus on my class? If you can't listen to my discussion, you may leave" masyado nang mahinahon ang pagkakasabi ni Prof. Thor, na punong-puno ng pagtitimpi kaya napatayo na lang ako sa sobrang kaba. Pakiramdam ko ay isang pagkakamali ko lang ay babatuhin nya ako ng upuan. Pero alam ko namang hindi nya yon gagawin pero kinakabahan pa rin ako."Sorry sir, marami lang po talaga akong iniisip" nakayuko kong paumanhin.
"Listen and focus on my class if you're truly sorry" saka nya itinuloy ang pagtuturo nya at nakahinga naman ako ng maluwag dahil akala ko ay mapapalabas na talaga ako sa unang araw ng klase.
At ganon lang ang takbo ng maghapon ko. May Faye na madaldal sa tabi ko at mga teacher na napapagalitan ako sa pagiging tulala.
Sana bumilis ang oras para makasama ko na sya ulit.
BINABASA MO ANG
Palm Of Sorrow
RomanceWhy do people get hurt because of someone? Actually, I'm no longer hurting, I'm now the wreck version of myself. Tyler Lucas Flores, how I wish that you could just hurt me instead of wrecking me. Because now, I lost my last hope, my last chance of...