Andito ako ngayon sa Boracay para sa isang pageant. Isa na akong model ngayon, kinuha ako ng Trnd Clothing para magmodelo ng mga damit nila.
Marami akong projects ngayon dahil summer, karamihan ay sa beach ang mga photoshoot kaya istrikto ako pagdating sa diet ko ngayon. Kailangan maganda ang hubog ng katawan ko upang lalong maenhance ang ganda ng isinusuot ko.
Mamayang gabi pa ang pageant na sinalihan ko kaya may oras pa akong makapag-photoshoot. Mabilis lang lagi natatapos ang mga photoshoot ko dahil laging satisfied ang mga boss sa resulta ng mga pictorials ko.
Simula nung second year college ako ay marami ng scout na lumalapit sa akin upang gawin akong model. Pero hindi ko muna inisip yon dahil priority ko ang makapagtapos para makita ko na agad si Lucas. Pero habang tumatagal ay nakikita ko na lang ang sarili kong lumalakad sa entablado at pinapalakpakan ng maraming tao nang may paghanga sa kanilang mga mata.
Nung una ay kinakabahan pa ako dahil iniisip kong baka mapahiya lang ako dahil kumpara sa mga babaeng andito sa loob ng kwartong ito ay wala akong ibubuga.
Pero nung nasubukan kong lumakad gamit ang napakataas na heels. Makipagpaligsahan sa pagrampa kasabay ng pakikipag-kaibigan ay natutunan kong mahalin ang modeling.
Lumalaban ako ng pageant, sumasali sa runway, at nag-eendorse ng mga damit. Dahil sa mga ito ay nakabili na ako ng sarili kong condo.
At dahil dito ay nakaalis ako sa bahay ng ama ko. Hindi ko na sya itinuring na tahanan simula nung umalis si mama. Mas muka pang bilangguan yon para sakin.
Napakaraming nagbago sa buhay ko simula ng pinili kong mag modelo.
Kasabay ng unti-unting pagkawala ng itsura ni Lucas sa memorya ko ay sya ring unti-unting pagkawala ng pag-asa kong makikita siyang muli.
Para bang habang tumatagal ay nagiging alaala na lang yung pangako niyang babalik siya, baka sinabi niya lang yon para hindi ako malungkot.
Siguro naawa lang siya sakin kasi nakita niya mismo kung paano ako nagmakaawa sa mommy ko nung panahong iniwan nya ko.
Pero kasabay nito ay meron pa ring katiting na pag-asang itinatago ko sa kailaliman ng puso ko. Baka naman tutuparin nya talaga, baka naman hindi lang ako makapag-hintay, baka naman hindi lang yon dahil sa awa.
At the end of the day, umaasa pa din ako, na sana tuparin nya yung pangako nya.
BINABASA MO ANG
Palm Of Sorrow
RomanceWhy do people get hurt because of someone? Actually, I'm no longer hurting, I'm now the wreck version of myself. Tyler Lucas Flores, how I wish that you could just hurt me instead of wrecking me. Because now, I lost my last hope, my last chance of...