Chapter 3: Lantern
Sa tagal nang pananatili ko sa loob ng silid-aklatan ng aming angkan, hindi kailanman sumagi sa akin ang ideyang magbasa ng tungkol sa mga nilalang mula sa ibang mundo.
Our kind is known for being the most powerful. Bakit kailangan ko pang higit na pag-aralan ang mas mababa sa amin? But seeing this impostor in front of me, ito ba ang sinasabi nilang mababang nilalang sa katulad naming Attero?
A w-what? A vampire?
I tried to whack my brain and remember if I happened to stumble upon a word or creatures named vampire, but no matter how I tried to squeeze my brain and memories of those endless pages, I can't remember any glint of it.
Bakit kailangan niya ang dugo ko?
Ang bampira ba'y mga kalaban ng aming panginoon at ito ang paraan ng paniningil nila sa isang ritwal? The blood of the offering?
But he is not my god!
Mas idinikit ko ang katawan ko sa capiz na pintuan at pilit kong ipinaling ang aking ulo, dahilan kung bakit mas naramdaman ko ang mainit niyang paghinga sa akin.
Mariin akong napapikit. Kung sana'y isa akong Attero na may kapangyarihan, nagawa ko nang protektahan ang sarili ko sa mga katulad niya, ngunit ito ako at naghihintay na lang ng katapusan.
I am so helpless. Nararapat nga lang na ako ang ialay at maging sakripisyo sa pagkakamaling ito.
Ngunit ang inaakala kong atake'y tila hindi natuloy. Unti-unti akong nagbukas ng aking mga mata, muli nang bumalik ang liwanag ng mga lampara at kasalukuyan nang nakatalikod ang impostor sa akin.
Inaayos na niya ang kanyang kasuotan.
"Read. Read something about me, my world, ability, even my weakness. You can have my neck if you can't trust me. If you don't have a power, find at least a weapon to protect yourself. You may go. Think about my offer."
Kung kanina'y mapaglaro pa ang boses niya, tila nanlamig iyon. Hindi na ako muli hinarap ng impostor hanggang sa makalabas na ako ng kanyang silid.
Mabilis ang tibok ng puso ko at halos kapusin ako sa aking paghinga nang makabalik ako sa aming tahanan. Halos hindi makapaniwala ang aking pamilya nang makitang naroon ako.
"T-The Earth god allowed you to—" tumango na lamang ako kay ina. Hindi ko na nais pang makipag-usap. Nais ko na munang mapag-isa at pakaisipin ang lahat nang pangyayari na halos hindi ko mapaniwalaan.
Akala ko'y magagawa kong matulog at ipahinga ang isipan ko nang sandaling ihiga ko ang sarili ko sa kama, ngunit higit lamang akong nabagabag lalo na nang maalala ko ang huli niyang mga salita.
"He'll help me... and in return, I'll help him."
When I discovered that he's a fake, he could have killed me. Pero sa halip ay hinayaan niya akong makalabas ng silid na maari kong gawin ang lahat para maisiwalat siya.
Marahas akong napabangon. Alam ko sa sarili kong hindi na ako makakatulog nang mahimbing sa kaalamang nalaman ko, kaya pinili kong magtungo sa lugar na magdadala sa akin ng mga kasagutan.
Silid-aklatan.
Marahan ang mga hakbang ng mga paa ko hanggang sa makarating ako sa pintuan ng aking silid, umangat ang isa kong kamay upang abutin ang maliit na lampara ng siyang maliit na liwanag na gagamitin ko sa aklatan.
I shouldn't open the lanterns of the library to avoid attention. Hindi ko na piniling magpalit ng aking kasuotan, kaya nanatili iyong manipis na puting saya. Hindi ko na rin itinali ang aking mahabang buhok dahil sa pagmamadali.
BINABASA MO ANG
Glistening Lantern (Gazellian Series #7)
VampireAnna Merliz Callista is a wizard from Fevia Attero. To be born into a prominent wizarding clan should have made her happy, but as someone who was born without magic, she sees it as a curse. *** Anna already accepts her life as a secret that her fami...