Chapter 16

33.5K 3K 1.2K
                                    

Chapter 16: Poison

Ilang beses akong napahilamos sa harap ng salamin at tinapik magkabila ang pisngi, ngunit kahit ang lamig ng tubig ay hindi magawang tanggalin sa aking mga alaala ang nangyari ng gabing iyon.

Everything that happened that night was real.

His bite, those red glowing eyes, his touch, the steam around us, hunger, passion, and possessiveness.

Nagkagat ko ang pang-ibabang labi ko nang maalala kung paano pumungay ang kanyang mga mata, kung paano siyang lumuhod sa harapan ko at sambahin ako na tila ako ang siyang babaeng kanyang kinikilala bilang sa kanya.

How could he have those eyes and desires on me if there's another woman in his mind... heart?

Muli kong hinilamusan ang sarili ko. Hinayaan kong damhin ng mga pisngi ko ang lamig ng tubig at hindi man lang punasan iyon nang sandaling muli akong tumitig sa salamin.

I let the small beads of water on my face linger and rolled down slowly as a stared at myself desperately. I want to curse at myself. I want to put the blame on someone else.

Ayokong aminin sa sarili na nagawa ko ang mga bagay na iyon. Mga bagay na hindi ko akalain na malaya kong ilalabas at ipadadama sa kanya. I am a witch who trained for her whole life to restrain herself. Even though my family wasn't proud of me, as a Callista even without mana, they never faltered on reminding me on how to control our emotions.

But what made me so aggressive that night? Anong nangyari sa akin at nagkaroon ako ng ganoong klase ng lakas ng loob para aminin sa sarili ko ang bagay na pilit kong itinatago?

Huminga ako nang malalim.

Caleb, the idiot vampire made me this way! He's the reason why the witch I'd hide for years started to come out from her shell. The witch that I'd thought would forever look down and allow her family to create her own path.

A weak witch— a puppet.

Dati ay kuntento na ako sa paraan ng pamumuhay ko. It was dull and no challenge at all.

"But you've made the best decision that night, Anna. You should follow your inner desires."

Muntik na akong mabuwal sa aking kinatatayuan nang bigla akong makarinig ng boses sa tagiliran ko. Ilang beses akong humakbang paatras habang pilit kinakapa ang bulsa ng kasuotan ko, ngunit mariin din akong napapikit nang maalala na nakamanipis na pantulog lang ako at nakapatong sa lamesa malapit sa kama ang mga talisman ko.

A pixie!

Ano ang ginagawa niya sa loob ng silid ko?

A pixie wearing a dark glittering dress was fluttering in front of me, and pecks of silver dust at the end of her every movement.

Habang panay ang paglipad niya papalapit sa akin na may nakakrus na mga braso ay unti-unti naman akong umaatras.

"But she's bothered right now. She's not even comfortable! Sa tingin mo ba'y tama ang ginawa niyang iyon?" panibagong boses ang siyang narinig ko.

At natigil ako sa pag-atras nang makitang may panibagong maliit na diwata sa likuran ko. Kumpara sa una kong nakita'y ang isang ito naman ay nakasuot ng puti.

A white and black pixie!

Pilit kong kinalma ang sarili ko at dahan-dahang nagbago ng direksyon habang umaatras. Nanatili akong nakaharap sa kanila na kapwa na rin mabagal na lumilipad papalapit sa akin.

"A-Ano ang kailangan ninyo sa akin?"

I'm familiar about the pixies' abilities. At hindi lang sa kapangyarihan at kakayahang mayroon sila, kundi pati na rin sa kanilang pagkakakilanlan. They're known for being nosy, annoying, wicked, and bullies.

Glistening Lantern (Gazellian Series #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon