Hi, angels! I know this year might be my slow pace update, and it's also a bit frustrating for me. Part of me wants to write more, every day as if it is like breathing, but my life is not all about ventrecanard in front of her laptop. Gusto ko man magsulat araw-araw, pero super busy talaga. This is not me complaining how my readers ask for more updates, but my own frustration. I am happiest when I am sharing my thoughts, stories, and words. It makes me feel quite sad to write a little, with my little time as an adult. Hays.
Writing is my safe haven, my readers' love and support are my rest in this exhausting world. Soon, when everything is alright. I'll come back at my usual pace. Sana huwag n'yong iwan ang story ko. Huhu! Thank you po!
Dedicated to: Lady Santos
Chapter 28: The visitors
When we witnessed how Howl's shoulders vulnerably trembled without any hesitations, how his knees bent in surrender, and his tears drifted like waterfalls, suddenly Caleb and Tavion's eyes turned into their black color again.
Kapwa sila nag-iwas ng tingin kay Howl, ramdam ko ang hawak ni Caleb sa aking baywang upang igiya ako palayo kay Howl habang ganoon din ang ginawa ni Tavion kay Iris.
We gave him privacy to mourn.
Pinili namin tumigil hindi kalayuan kay Howl, ngunit hindi namin siya makikita. But I can hear his sobs, ang ilang beses niyang pagsuntok sa sahig at ilang mura na hindi ko aakalain na maririnig sa eleganteng nilalang na katulad niya.
Bahagyang nakasandal si Caleb sa pader habang nakatuon ang isang paa nito, nakakrus ang kanyang mga braso at nanatiling nakatuon ang kanyang mga mata sa sahig.
We could still hear Howl and his pain.
Sa ngayon ay halos wala na rin tumakbo sa isipan ko. Kung wala na ang babaeng siyang dahilan ng misyon na ito, ibig sabihin ba nito'y maaari na naming hindi ipagpatuloy ang paglalakbay sa lugar na ito?
But Howl's entrance ruined everything. Ligtas man kami ngayon sa loob ng lugar na ito dahil sa kaalamang hindi maaaring manatili ang isang Attero rito, ano naman ang kahihinatnan namin sa sandaling piliin na naming lumabas?
Nasisiguro kong isang batalyon na ang naghihintay sa amin sa labas.
Tahimik lang din nakatindig si Iris at ilang beses nagtatama ang aming mga mata. Si Tavion naman ay katulad rin ni Caleb na piniling sumandal sa isa sa mga poste at hindi na rin nagkukumento.
Howl might be rude, manipulative, and a traitor, but now that he's inside this ruin, we're all in the same boat. Hindi namin maaaring ituring siyang kalaban sa mga oras na ito dahil ngayon ay iisa na ang tingin sa amin ng mga nilalang na nasa labas.
"She's his mate, right?"
Akala ko ay ako ang kinakausap ni Caleb pero nang lumingon ako sa kanya ay nakatitig siya kay Tavion.
"Of course, would he risk everything even his title for a fling?"
"Should we help him?" tanong muli ni Caleb.
Nanatili lang kaming nakikinig ni Iris sa usapan ng magpinsan.
"We can," saglit sumilip si Tavion sa posisyon ni Howl.
"We can end his agony. He'll thank us."
When I heard how Caleb cracked his knuckles, my eyes immediately widened. Agad akong humarang sa kanya nang itinuwid niya ang kanyang pagkakatayo. Si Iris ay iritadong itinulak pabalik si Tavion sa poste.
"And what are you going to do?" tanong ni Iris.
"We will kill him. Tapos na ang paghihirap niya," Caleb casually said.
BINABASA MO ANG
Glistening Lantern (Gazellian Series #7)
VampireAnna Merliz Callista is a wizard from Fevia Attero. To be born into a prominent wizarding clan should have made her happy, but as someone who was born without magic, she sees it as a curse. *** Anna already accepts her life as a secret that her fami...