"Prom" 2nd Chapter

55 1 0
                                    

Lumabas na akong bahay, at bigla kong nakita yung rose garden ng mama ko.

Kapag bumibisita si Tess, gustong-gusto niyang tumambay doon.

Dahil gustong-gusto niya ang mga rose.

Red rose nga yung binigay ko sa kanya nung niyaya ko siyasa prom…

Hapon na yon, sa campus namin.

Inaabangan kosiya at nang dumating siya, sinigaw ko sa kanya,

“Tess, tingin ka sa taas.” tumingin naman siya.

At nakita niya yung tarpaulin na nakasabit na may nakausulat na

“Will you be my Prom?”.

Lumapit ako sa kanya at aking sinabi, “Will you be my prom?” sabay bigay nung rose.

Hindi pa siya sumasagot,

kaya kinabahan na ako.

Bakai-turn down niya ako,

sayang naman tong effort ko.

Ang bilis ng kabog ng dibdib ko habang nakatingin sa kanya,

parang bumabagal ang mundo sa sobrang kaba ko.

Sana pumayag siyang maging date ko.

Sa gitna ng pag-iisip ko ng kung anu-ano, may narinig ako,

“Oo.” sabi ni Tess.

Kasama ko si Tess sa prom! At bigla ko siyang niyakap…

At galing sa itaas may mga rose petals na nahuhulog.

Pinapahulog ko yon sa tropa ko kung sakaling pumayag siya.

At nung oras nang pinakahihintay kong gabi ng buhay ko, sinundo ko si Tess sa bahay nila.

Kumatok ako at nanay niya ang nag-bukas ng pinto,

“Magandang gabi po.” Sabi ko.

“Magandang gabi rin Charlie.”  Sagot ng nanay ni Tess.

Halos isang oras din akong naghintay sa kanya…

Pero nung bumaba siya galing sa kwarto niya, sulit yung oras na hinintay ko para sa kanya.

Naka-coral blue na cocktail dress siya at heels, konting make-up at nakataas ang buhok niya…

Siya yung pinaka maganda para sa akin nung gabing iyon

At nang dumating na kami doon sa venue ng prom namin, bumaba na ako sa kotse at binuksan yung pinto para kay Tess.

Hawak ko ang kamay niya hanggang sa loob.

Inupo ko na siya sa uupuan namin. Nag-umpisa na yung party noon.

Lahat ng kasama namin sa table nagsayawan na…

Kami na lang ni Tess yung natira.

Nahihiya-hiya pa akong yayain siya noon, pero nag lakas loob ako…

“Tess, may I have this dance?”

Tanong ko sa kanya, naka-abang pa kamayko.

“Yes you may.”

Sagot ni Tess, sabay hawak din sa mga kamay ko.

 Pumunta na kami sa dance floot at di namin napansin na nasa gitna pala kami nito…

Hawak ko yung bewang niya, habang dahan-dahan kaming sumasayaw…

Hindi ko rin inaasahan yung pagpatong ng ulo niya sa dibdib ko…

Nang tumingala siya para tignan ako, ang mga mukha namin sobrang lapit sa isa’tisa…

Ang ganda ng mga mata ni Tess…

Para itong mga bituin sa langit kung kumislap.

Hinalikan ko siya sa pisngi nung mga oras na iyon,

At binulong ko sa kanya…

“Ang ganda mo. Sobra.” Sabi ko

Yumuko si Tess nung sinabi ko yun…

“Bakit? Ayaw mong maniwala?” Tanong ko

“Paano naman ako magiging maganda, tignan mo nga silang lahat…”Sabi niya

Tinignan ko yung lahat ng tao sa paligid sabay sinabi ko sa kanya…

“Wag sila ang tignan mo. Tignan mo sarili mo. Maganda ka Tess.”

“Salamat Char ah…” Sabi niya sa akin sabay hinalikan niya ako sa pisngi.

“Hindi Tess, salamat.” Sabi ko pabalik sa kanya.

At tumuloy lang kami sa pag-sayaw pagkatapos noon.

Pero mas hinigpitan ko pa ang hawak ko sa kanya.

Naglalakad na ako sa kalsada ng makasalubong ko yung best friend ni Tess na si Denise.

“Char, pupuntahan mo siya?” Tanong ni Denise.

“Oo. Anniversary namin ngayon eh.” Sagot ko sa kanya.

“Ayos ka na ba?” Tanong niya ulit

“Oo, ayos lang ako.” Sagot ko sabay lakad papalayo kay Denise.

Bago ako dumeretso papunta kay Tess,

pumunta muna ako sa isang flower shop.

Bumili ako ng tatlong white rose para sa kanya.

Nung palabas na ako nung flower shop

biglang bumuhos yung ulan, buti na lang may dala akong payong…

"Paano na Kaya?"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon