Grabe yun yung araw na pinakamasaya siya sa buong buhay niya, at nagpapasalamat na lang ako na dahil iyon sa akin.
Ayan na malapit na ako sa pupuntahan ko, konting lakad na lang makikita ko na si Tess.
At sa may bandang kanto ng kalsada, may isang basketball court…
Lumakad ako papalapit sa court, tapos doon ko nakita yung tropa kong si Harvey. Doon kasi kami madalas mag-laro.
“Hoy, pare!” Sigaw ni Harvey habang lumalapit sa akin.
“Pare…” Sabi ko sa kanya
“Pupuntahan mo si Tess?” Tanong niya sa akin
“Oo, pare.” Sagot ko
“Di mo talaga siya makakalimutan no, may parose-rose ka pang nalalaman.” Sabi niya sabay tapik sa balikat ko.
“Oo naman pare. Hindi talaga.” Sagot ko habang naglalakad papalayo kay Harvey.
Naalala ko tuloy bigla, isang varsity game noon sa school. Nag-laro yung team namin, yun din nga yung araw na sinagot ako ni Tess eh…
“2 minutes left!” sigaw ng commentator. 2 minutes nalang, 4th quarter na. 97-100 ang score, 3 points ang lamang ng kalaban…
Nasa akin yung bola, dribble lang ako ng dribble palipat-lipat, naghahanap ng tiyempo.
Sa sobrang pag-iisip ko kung paano makakashoot, napatingin nalang ako sa inuupuan ni Tess.
Nang biglang nalang akong natumba at nagulat sa sinabi ng referee, “Foul!”
Nagulat ako, di ko napansin yun ah. Pero ayos narin kapag na shoot ko ito, 1 puntos na lang lamang…
Pumwesto na ako, konting dribble ng bola, bugtong hininga
at tingin sa pinakamamahal kong si Tess.
Sabay shoot…
Ayon! Pasok!
Isa pa… Pasok pa rin!
Isa nalang, kailangan naming manalo…
Nasa kalaban ang bola, tumatak bo ako nung nakita ko magsho-shoot yung isang player…
Wala supalpal. Naagaw ng kateam- mate ko yung bola, tumatak bo ako papunta sa court namin…
1 minute nalang…
Sabay pinasa sa akin yung bola…
Nasa three point line ako…
20 seconds nalang…
Tinaas ko na yung bola, shinoot ko na…
Bigla kong narinig yung buzzer, at biglang naghiyawan yung mgatao. Na-shoot yung bola!
Yes! Panalo kami!
Nagtayuan yung mga tao, pero sa dami ng tao doon si Tess lang ang nakita ko.
Kaya pinuntahan ko siya agad. At nung nasa harap ko na siya…
“Congrats.” Sabi niya sa akin
“Tess…” Sabi ko
“Will you be my girlfriend?” Tanong ko sa kanya kasama noon yung pag hawak ko sa kamay niya…
Naka ngiti lang siya habang naghihintay ako ng sagot niya
tapos bigla niya akong niyakap at binulong sa tenga ko…
“Oo, Char.”
Kaya mas nayakap ko pa siya ng mahigpit.
At dahandahan ko siyang hinalikan sa kanyang mga labi…

BINABASA MO ANG
"Paano na Kaya?"
RomanceSabi nila swerte ka na daw kapag nahanap mo na ang iyong “The One”… As in, yung taong nagpapasaya sayo lagi, yung tipong dadalhin mo sa harap ng altar at sasabihan ng “I Do.” Yung taong gusto mong tawaging mama ng mga magiging anak mo. At yung taong...