"Concert" 3rd Chapter

42 1 0
                                    

Linggo noon, inutusan akong mama ko na pumunta sa grocery.

At nung pauwi na ako biglang bumuhos ang ulan “ Hala! Ang lakas ng ulan, buti may payong ako.”

Naglalakad ako pauwi nung may nakita akong isang babae na nakaupo sa isang bench sa park. Nilapitan ko siya at sinilong ko siya sa dala kong payong…

“Bakit ka naman nagpapa-ulan? Magkakasakit ka niyan eh.” Tanong ko sa kanya

“Okay lang. At least walang makakahalatang umiiyak ako kapag nagpa-ulan ako .” Sagot niya

“Ako, nahalata kong umiiyak ka.” Sabi ko sa kanya

Bigla siyang napatingin sa akin…

“Tess?” “Charlie?” Sabay naming sinabi na may gulat.

“Ikaw pala yan. Akala ko kung sino .” Sabi ni Tess.

 “Bakit?” Tanong ko sa kanya

“Anong bakit?” Tanong niya pabalik

“Anong problema? Sabihin mo na. Andito lang ako.” Sabi ko 

“Kasi masakit lang isipin na…” Sabi ni Tess

“Na?” Tanong ko

“Na ubos na yung ticket para sa concert ni Taylor Swift. Hindi ko tuloy siya mapapanuod at makikita.” Hagulgol na sinabi ni Tess sa harapan ko.

Nagulat ako nung sinabi niya iyon, muntik pa nga akong matawa eh.

“Oh! Bakit mo ko pinagtatawanan?” Sabi sa akin ni Tess sabay hampas sa balikat ko

“Hindi ako tumatawa…” Pigil kong sinabi

“Alam mo bang once in a lifetime lang yung oppurtunity na makita si Taylor! Tapos pagtatawanan mo lang ako , I hate you!” Pasigaw na sinabi ni Tess, hampas pa rin ng hampas.

Dahil sa sobrang hampas niya sa akin na patakbo tuloy ako sa ulan, hinabol naman niya ako.

Tumatakbo si Tess papunta sa akin, nang bigla akong napatigil at niyakap ko na lang siya at paikot-ikot  kami saulan. At nadulas pakami, kaya bumagsak kami.

At sabay kaming humagulogol sa tawa sa sobrang tuwa.

Kinabukasan ng araw na iyon hinahanap kosi Tess dahil may ibibigay ako sa kanya.

Pumuntana ako sa bahay nila pero wala siya doon. Kaya pumunta na ako doon sa park na pinuntahan niya kahapon at doon ko nga siya nakita…

“Umiiyak ka pa rin ba?” Tanongko sa kanya habang papaupo sa tabi niya .

“Hindi. Pero malungkot pa rin.” Sagot niya sa akin.

“Wag ka nangmalungkot…” Sabi ko habang hinihimas koyung balikat niya.

“Ito oh.” Sabay inabot ko sa kanya yung dalawang VIP Tickets parasaconcert ni Taylor Swift. 

“Oh my gosh! Totoo ba to?” Sabi niya, sabay kuha nung tickets

 “Salamat Char! Salamat talaga!” Sabay niyakap niya ako ng mahigpit.

“Tayong dalawa manunuod ah.”Sabi ko.

“Oonaman!” Sobrang saya niyang sinagot sa akin.

Ayan na. Araw na ng concert. Sa sobrang excitement siguro ni Tess kaya siya na yung pumunta sa bahay.

“Tao po! Charlie?”Sabi niya habang kumakatok sa gate namin. Lumabas ako ,tapos binukasan ko yung gate.

“Tess, anong ginagawa mo dito?” Tanong ko.

“Akala ko ba ikaw yung kasama kong manuod nung concert?” Tanong niya sa akin na parang naiinis.

“Di ba mamayang 8:00 ng gabi pa yun? Tess alas quatro palang ng hapon…” Sabi ko sa kanya.

“Mabuti na rin yun, yung iba nga isang araw bago yung concert nandoon na. Kaya tara na!” Sabi niya sa akin habang hinihila yung braso ko .

Kaya nagbihis na ako. Dinala ko yung camera ko , at umalis na kami. Nung dumating na kami sa venue, ang dami na ngang tao. Nakapila kami ni Tess at naghihintay makapasok . Di niya napapansin pinipicturan ko siya... 

Bawat kuha ko ng stolen shots niya, ang ganda niya…

 Parang effortless yung pagiging maganda niya.

At nung oras na nakapasok na kami, doon kami sapinakamalapitsa stage. Nakita namin si Taylor Swift ng malapitan, Lahat ng tao naghihiyawan kasama na doon si Tess.

Nahawakan pa nga ni  Tess yung kamay niya eh. “Char! Hinawakan niya yung kamay ko! Hinawakan niya !” Sabi niya sa akin, grabe ang saya niya

¨

"Paano na Kaya?"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon