"Card" 5th Chapter

33 1 0
                                    

At last, nakarating na ako.

Mga magba-bandang alas quatro na rin ako nakarating. Kaunti lang tao nung araw na iyon, tumigil na rin yung ulan…

Pumasok na ako, dahil doon pa sa bandang loob ko makikita si Tess…

Habang naglalakad ako papaloob ang tahimik ng lugar…

Naalala ko tuloy yung nangyari kay Tess, hindi ko mapigilang tumulo  yung luha ko…

October 14, 2011. Araw na hindi ko inaasahan.

Hindi ko kasama si Tess nung araw na iyon. Dahil mag babakasyon sila ng pamilya nila sa Palawan.

Niyayaya nga niya ako, pero hindi ako sumama…

“Sumama ka na kasi, please…” Pakiusap niya.

“Wag na. Baka sabihin pa ng parents mo na inaagaw ko ikaw sa kanila. Kayo na lang…” Sagot ko

“Okay…” Sagot niya habang nakasimangot

“Wag ka ng malungkot, babawi nalang ako pagbalik mo.” Sabi ko sabay halik sa noo niya.

Sumakay na siya ng van nila. Nag-wave siya, nag-wave din ako…

Nag-flying kiss siya sa akin, sinalo ko yun…

At nung umandar na yung kotse nila…

 ¨

Hindi koakalaingyunnapalayunghuling wave niyasa akin…

Yunnayunghuling flying kiss niyasa akin…

Di ko akalaing yun na yung huling gabi na makikita ko ang pinakamamahal ko…

Nakauwi na ako sa bahay noon, nung tumawag yung kuya ni Tess…

“Charlie! Pumunta ka sa ospital ngayon dali!” Sabi niya

“Bakit?” Tanong ko

“Basta pumunta ka nalang…” Sabi sa akin

Pumunta ako sa ospital mga alas diyes na nung mga oras na iyon…

Nakita ko yung daddy ni Tess nakahiga sa kama at may doktor at mga nurse naumaasikaso sa kanya. Ganun din siTita, na nakaupo sa wheel chair

“Charlie!” Sigaw na narinig ko sa bandang loob ng ospital, kuya ni Tess.

“Anong nangyari sa inyo?” Tanong ko sa sugatang kuya ni Tess na nakaupo rin sa wheel chair. Wala siyang sinabi pero may tinurosiya…

Yung kama kung saan nakahiga si Tess…

Nung gabing iyon, nagkaroon ng car accident yung pamilya ni Tess.

Siya at yung daddy niya ang mas napuruhan dahil silang dalawa yung nasa harapan ng sasakyan,

nawalan daw kasing preno yung sasakyan kaya hindi nanapigilan yung pagdausdos nito at nabangga pa sila sa poste.

Lalo akong napaiyak habang naglalakad.

Hanggang dumating na ako sa kailangan kong puntahan…

Umupo na ako sa damuhan,

Tinanggal ko yung bulok na bulaklak na nakalapag at yung mga dahon hinawi ko rin…

Masakit mang isipin pero nasa puntod ako ni Tess.

Siya lang kasi yung hindi nakaligtas sa aksidenteng nangyari sa kanilang mag–anak.

Kinakain ako ng katahimikan…

“Hi, Tess…

Happy 3rd anniversary sa atin…” Sinasa biko habang pinapawi ang mga luha sa aking mata.

“Kaninang umaga ang, naaalala ko yung mga masasayang memories natin…

Hinding hindi kita malilimutan.

Mahal na mahal kita Tess…” Sabay nilapag ko yung tatlong white rose na binili ko sa puntod niya…

Kung buhay lang si Tess, magugustuhan niya yung mga rose…

At bubuksan niya yung card na nandoon, at babasahin yung nakasulat na,

“I will love you until the last rose dies…”

Hindi nga lang niya alam, fake yung isa sa mga rose…

Sabi nila swerte ka na daw kapag nahanap mo na ang iyong “The One”…

As in, yung taong nag papasaya sayo lagi,

yung tipong dadalhin mo sa harap ng altar at sasabihan ng “I Do.”

Yung taong gusto mong tawaging mama ng mga magiging anak mo.

At yung taong kasama mong tatanda.

Paano nalang kaya kung…

Saglit mo lang siya makakasama?

Saglit lang ang kasiyahang madadama mo habang kasama mo siya?

Paano nalang kaya…

Kung wala na siya.

"Paano na Kaya?"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon