chapter 25 my baby alien

261 6 2
                                        

Yanna's pov.

Nasa labas na ako ng room at hinihintay si Chloe. Pauwi na eh. Ang tagal na namin di nag uusap. Walang vacant kanina kaya di ko siya nakausap bawal naman kase mag usap sa loob ng room. At kung tatanungin niyo si Ace kung pumasok. Hindi eh -.- hindi niya rin ako tinetext friday pa man din ngayon. Haayysss bahala siya.

"Yana!" -chloe. Humarap ako sakanya. Tumatakbo siyang papunta sa kin.

"Tagal mo naman." -sabi ko.

"Eh pano cleaners ako. Tara na." -siya. At nagsimula na kami maglakad. Habang naglalakad nagkukwentuhan kami.

"Oh si ace bat hindi pumasok?" -siya.

"Hindi ko din alam eh." -ako.

Ramdam kong nag vi-vibrate phone ko kaya kinuha ko to.

"Calling.... ate" in'answer ko to agad.

"Hello?" -ako

"Yana! Asan kana?" -ate

"School baket? May problema?" -ako

"Bigla kaseng nag text si dok eh. About sa baby mo." -siya

"Ha? Ano sabi?" -ako

"Puntahan daw natin siya. Mas maganda daw kung sa personal niya sabihin." -ate

"Oh sige. Malapit na ako bye." Malapit lang kase bahay namin dito sa school. Katapos nun inend call ko na. Humarap naman ako kay Chloe.

"Bes, mauna na ako ha. Emergency eh." -ako.

"Osige." -siya. Tapos nag smile siya. Ang ganda niya talaga hayss. Katapos nun tumakbo ako ng medyo mabilis.

-bahay.

"Ate! Tara na! Nandito na ako!" Sigaw ko nasa labas na ako ng bahay. Ayoko ng pumasok lalabas din naman agad eh. Katapos nun lumabas si ate at nilock ang mga pinto.

Kung tatanungin niyo si mama. Hanggang ngayon nasa hospital pa siya bukas na daw ang labas niya nakakamiss na sila. Tagal ko ng di dumadalaw. At yung sobra sa pera binangko namin. Nambabalak kase sina ate na gawin nalang pang negosyo. Still di pa nila alam nina mama. Kami palang ni ate ang nakakaalam kung ano nangyayare saakin.

"Tara na." -ate. Nasa labas na pala siya.

-hospital.

Kung saan nila ako dinala noon. Ang naalala ko nung galing ako dun. Nahospital ako ng 4hours tapos pinauwi din ako agad.

Nasa loob kami sa isang room kung saan nagpapacheck up si dok. Kanina pa kami naghihintay may 30mins. na siguro ang sabi nung assistant nag oopera daw siy kaya pinaupo muna niya kami. Bigla bumukas ang pinto at tinignan namin ito ni ate.

"Sorry I'm late." -si dok. Kapasok niya sinara niya ang pinto.

"Oobserbahin natin ang bata. Sumunod kayo." Naglakad si dok papunta sa isa pang room dito mismo sa loob. Sinundan namin ito ni ate. Kapasok namin pinagmasdan namin may isang parang kama at isang parang computer sa tabi katulad sa mga buntis kung saan makikita na kung ano gender nung baby mo.

Pinahiga niya ako dito at pinataas niya ang uniform ko hanggang sa ilalim ng suso ko. At naka labas ang malabundok kong tiyan oo malaki na ang tiyan ko. At may linagay siya dito parang lotion at sinimulan ng obserbahin may itinutok siya na parang remote at tumingin siya sa monitor at si ate naman nasa may paa ko. Nanonoud lang.

"Oh my God. What kind of baby is this." -dok

"Ha? Baket po?" -ako

"Anong kakaiba dok?" -ate

"I cant imagine, pwede ka ng manganak sa susunod na linggo." -dok

"Ha? Ang bilis naman." -ako

"Pwede itong tawagin na alien. Pero normal ang baby mo. Sobrang bilis lang ang pag develop niya. Parang monggo lang, kapag tinanim mo kahapon lilitaw na siya bukas." -dok. Gusto kong umiyak dahil magiging mommy na ako alam kong maaga pa pero sino ba naman ako para pigilin ang mga plano ng Diyos? Sobrang saya ko ngayon. Hindi ako natatakot sa mangyayare, kahit tawagin man niyo akong malandi dahil ginawa ko yun para kay mama hindi sa kagustuhan ko.

"Ano po gender ng baby ko?" -ako

"Its a ...."

************

An: itutuloy XD lovesloves you guys! :D Ang dami na bumabasa :)) ano gender baby ni Yana? Ano magiging pangalan niya? Abangan ;)

Boyfriend o Pera?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon