chapter 38 utos ni angelo

98 4 0
                                    

Ace's pov

Namiss niyo ba ako? Ako miss na miss ko na kayo T.T si author kase eh napaka tamad. Haysss.

So eto nga nasa trabaho ako.

Flashback...

"Hoy! Tara na." -ako

"Ang sabi ko tara na!!!" -ako

Galit na ako ha? Pero tulala pa rin itong kausap ko.

"Pre, may problema-" -lance. Problema? Uhm wait. Nag riring phone ko e. Tumatawag tong angelong bakulaw na to.

"Hello?" -ako

"Punta ka ngayon dito dalian mo." Siya

"Ha? As in ngayon na?" Ako

"Oo ngayon na. Gawin mo tong papagawa ko." Siya

"Akala ko ba sa-" ako

"Aba sasagot ka pa ha? Dalian mo." Siya

"Osige papunta na." -ako. Inend ang call habang naka simangot.

"Oh pre. May kailangan pa akong gawin. Mamayang gabi mo nalang ako tulungan." -ako. Sabay kuha sa bag.

"On time ka dre." -siya.

"Huh?" -ako. Sabay kunot sa noo.

"Wala." -siya.

End of flashback...

At eto nga ako nasa loob na ako ng office niya sa FAAK building dito sa room 69 faak building? May meaning daw yan pero di pa sinabi saken eh. Chika ko nalang sainyo kung ano.

Bumukas ang pinto at pumasok siya. Nakaupo lang naman ako sa tabi ng lamesa at siya naman eh umupo sa upuan niya.

"Ano mo si Yana?" -angelo

"Huh?" -ako.

Bakit niya tinatanong? Pinalo niya ang lamesa at galit na galit.

"Sagutin mo!!!" -angelo

Nako galit na galit. Ano sasabihin ko? Girlfriend? Eh liniligawan ko palang.

"Liniligawan ko po." -ako

"Huwag mo ng ituloy yang binabalak mo. At yung gagawin mo mamayang gabi." -siya.

Bakit alam mo? Baket? Bakit mo papatigilin ang panliligaw ko? Paninindigan ko pa ang magiging anak niya.

"Basta tigilin mo na! At kapag di mo ginawa mapipilitan akong alisin ka sa trabaho! At yang mga magulang mo sinisigurado akong matatambakan sa utang! At kayong lahat sa pamilya. Sinisigurado ko din na magugutom at magugutom kayo!!!" -siya.

"Bakita ba?! Ano bang ginagawa kong masama?! Wala na ba akong karapatan na mag mahal?! Bakit kapag nagmamahal ako lahat kayo pinapaiwasan niyo! Ang sakit sakit! Pangatlong beses na ito! Noong una si Malinarian, hindi niya naman ako mahal at yung daddy niya pinapaiwasan din ako! Pangalawa si Margarette di rin naman ako mahal, inagawan pa ako ni Marion Matsuoka! Tapos si Yana? Papaiwasan mo ako?! Bakit ba? Wala na ba akong karapatan sumaya? Magmahal? baket?!!!!!" -ako.

Mukhang gulat na gulat siya sa narinig niya nalalaki ang mga mata niya. Kumunot ang noo ko. Nag tataka ako bakit ganyan reaction niya?

"Basta iwasan mo nalang. Pasensya na ha. Itataas ko nalang lalo ang sweldo mo. Kung susundin mo ako. Sisiguraduhin kong i-a-ahon ko kayo sa kahirapan. Huwag na si Yana please lang. Ibahin mo nalang. Nag mamaka awa ako."-siya.

Tumayo ako at umalis na. Ang sakit sa pakiramdam. Forever na ba akong mag isa? Teka wala pala'ng forever. So sad naman :((((

************

An: sino daw pwedeng ligawan sabi ni ace? Sinooo?! Woy woy gwapo si ace nu ba. Hahaha. Fafa pa. Sino ba si Marion Matsuoka? Abangan ;)

Boyfriend o Pera?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon