chapter 30 effort

203 3 3
                                        

Ace's pov

(Kinabukasan)

- saturday. 6:00 am.

Ramdam kong bumukas ang pinto ng kwarto ko. Kaya napagising ako. Dahil sa tinatamad pa ako di ko na tinignan kung sino to. At nagpapanggap ako na natutulog p rin ako.

Papalapit siya sakin. Gigisingin kaya ako neto?

Nakapikit pa rin ako at nakahiga. At yakap yakap ang malambot kong unan.

Rinig ko na inislide niya ang kurtina dahilan para mainitan ako. Yung mapapagising ka talaga sa sinag ng araw.

Dinig ko na pinatay niya na rin ang aircon. Sino kaya to?

Naglalakad na siya palabas. Pero... tumigil siya.

"Gising na anak." Si mama pala -___-

Katapos nun lumabas na siya.

Hinanap ko agad ang phone ko. Hmm. San ko kaya nalagay yun kagabe?

Flash back...

(Friday)

Nasa resort ako ngayon. Hindi na nga ako pumasok ngayon eh. Hinahanda ko na to para bukas. Para kay yana. Effort ko.

Simula kaninang 10am at hanggang ngayon 10pm. Grabe ha 12hours nako dito -___- pero kumakaen naman ako. Kapagod kaya. Eh pano di ako tatagal dito. Ako lang mag isa.

Si lance naman ayaw akong tulungan. May bago nanaman kase siyang ka-flirt. Wait lang isipin ko kung sino. First letter k eh. Ka- ka- ka- eh. Wag na nga sayang pa oras.

Haaay sawakas ready na. Anong resulta? Sa entrance may mga balloon. Papalibot sa dulo nung gate. At sa baba/gitna nun may ibat ibang uri ng mga flowers. Oh diba gate palang bongga na.

Tapos nun. May mga puno sa side as in both side. Left and right. Sa mga puno naman katabi nila flowers, artificial. Yung gawa sa papel tapos pag humahangin umiikot.

At sa hallway naman yung papunta sa table, kung saan kami kakain. May ibat ibang uri ng mga petals nag sisilbing directions. Na nakalapag sa daanan.

Katapos ng mga yun. Makikita mo na ang pool at yung pool na yun. May ibat ibang kulay ng mga candles. Yung lumulutang. Oh diba ang ganda. Tapos sisindiin nalang bukas.

At sa gitna nung pool may table at upuan. Dun kami kakain. Paano makapunta dun? Mag babangka :D oo may bangka sa gilid. Bahala na kung mahulog siya. Hahaha sama eh no? Pero joke lang yun.

Sa table naman simple lang kulay red, at yung mga dalawang upuan yung isa blue at yung isa pink. Yung parang punda. Yung nakabalot kaya may kulay.

Maganda ba? Osha uuwi na ko. Pagod na pagod na ako T.T ako lang yung gumawa.

-@babay

Dumaretso na ako sa kwarto. Wala akong kotse dito kaya nag taxi nalang ako. Di naman ako mayaman eh. Hanggang 2nd floor lang bahay namin. Simple lang.

Lahat na ng tao dito tulog na. Hindi na ko kumain. Kumain na ako kanina eh.

Humiga na ako agad at tinanggal ang mga damit ko hanggang sa boxer nalang ang matira. Ang init eh. Kahit na naka bukas na yung aircon.

Kahiga ko kinuha ko ang favorite kong unan yung malaki at malambot.

Pero bago ko ipikit ang mga mata ko...

"Grriiiing! Griiiing! Griiing!" -ringtone.

Pagod na ako eh T.T

Haaays. Sino kaya to? Tumayo ako at kinuha to. Nasa upuan eh. Hinagis ko kase kanina doon.

Habang naglalakad ako para akong zombie kung maglakad eh pano pagod nga eh. Kaya ang bagal kong maglakad.

At heto na nga nasa upuan na ako. Actually medyo maliit na sofa dito sa kwarto ko.

Kahawak ko rito tinignan ko.

"Calling..... "

Hindi ko na nakita kung sino. Tumigil na sa kakaring eh -___-

Haysss.

Matutulog na akooo. *sabay balibag sa baba ng kama* le nakatrip ako.

End of flashback...

Grave buhat na rin siguro sa pagod ko kagabi. -_-

Tumayo ako at hinanap na sa ilalim ng kama. At ayun nakita ko na rin.

Umupo ako sa kama at tinignan ito.

"1 missed call from Yana <3"

Shit! Bat di ko kase naabot kagabe.

Imbes na magtetext/call ako sakanya. Tatawagin ko nalang si Lance.

"Hey! San ka?." Ako

"Bahay pa. Aga mo?" Siya

"Wow ha. Yung lakad po natin." Ako

"Lakad?" Siya

"Yung sa resort gago." Ako

"Ah yun ba." Siya

"Oo. Kaya sunduin moko!" Ako

"Aba. Ikaw na nga may kailangan papasundo ka pa?" Siya

"Gusto mong chix?" Ako

"Sabi ko nga par papunta na ako." Siya.

**********

An: sorry po ngayon lang ako nag update XD inlab po kase si author kaya busy siya. Omygi. Hahaha. Babawi po ako.

Boyfriend o Pera?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon