Prologue

260 4 0
                                    

Maaliwalas ang umaga. Masarap sa pakiramdam ang pagtama ng sariwang hangin ng probinsya sa aking balat. Nakakaginhawa. Nakalulugod. Nakakawala ng problema.

Marahan kong hinimas ang nakaumbok na aking tiyan sa manipis kong bestida. Bahagya ding nililipad-lipad ang medyo kulot kong buhok, wari'y sumasabay sa pag-indayog ng hangin. Ang mata kong itim na may bahid ng kulay asul ay tulalang nakatingin sa hampas ng alon at makinang na dagat, dulot ng liwanag ng papalubog na araw mula sa kanluran.

"Matatapos din ang mga problema, hindi ba anak?" Marahan kong bulong sa hangin habang nagsisirko ang kamay ko sa aking tiyan.

Nagdadalang-tao ako. Ganap ng siyam na buwan at malapit nang magsilang. Marahas kong pinunasan sa aking pisngi ang pagbalong ng sariwang luha. Napakahirap, pero binuno ko ang siyam na buwan ng walang kikilalaning ama ang aking dinadala. Hayop ang lalaking iyon, wala siyang puso. Matatapos ang mga mabibigat na araw sa buhay ko, magsisikap ako, at liligaya ang buhay ko.

Pinagsisisihan ko ang mga panahong nagpakalulong ako sa pag-ibig. Ngayon, sinisiguro kong hindi na ako muling iibig sa mga lalaking walang inatupag kundi ang magparami ng alagang babae. Walanghiya sila. Hindi sila dapat minamahal. Nilalahat ko sila dahil pare-pareho sila ng pag-uugali. Mga manloloko, mga sinungaling, at mga babaero.

Ako si Fatima Rodriguez.....

At ito ang buhay ko....

A Rainbow After the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon