Kabanata 1

297 10 4
                                    

"Stupid!"

"Slut!"

"A whore!"

"Ayan! Ayan ang nababagay sayo! Malandi ka kasi!" Napamura ako nang mahina nang duraan pa ako ng isang babae habang ako nakangudngod na halos sa lupa. Buwisit namang buhay to!

"What? Are you ashamed now? Pero nang nakipagrelasyon ka sa teacher dito hindi ka nahiya?! Wow! As in wow! Sobrang kapal ng mukha mo!"

Sige lang magsalita pa kayo... sige lang! Sabi ko na lang sa isip ko. Diyos ko nagtitimpi lang ako dahil baka kapag pumatol ako ay malaglag ang sanggol na dinadala ko. Mga bwisit.

Nagpatuloy ang buhay ko ng ganon lang. Sagaran ang panglalait nila sa pagkatao ko, ano nga ba naman ang magagawa ko hindi ba? Isa lang naman daw ako hamak na malandi. Putsang buhay to! hindi na ako pinatawad, ako talaga ang nilansi. Kabwisit! Hindi na ako nanlalaban tuwing ginaganyan nila ako. Nagpatuloy ang araw ko nang ganon, halos ingudngod na ang pagmumukha ko sa lupa ng mga buwisit na taong to.

Bumabangon lang ako, maglalakad uli nang nakataas ang noo. Iyan lang ang maipapakita ko sa kanila. Tapang. Tapang nga ba? Oh nagtatapang-tapangan? Siguro nga. Yung totoo pagod na pagod na ako, kailan ko ba matitiis ito para lang sa pag-aaral ko? Pag-aaral na nga lang ang sasalba sa patapon ko nang buhay eh, bakit pa pati ito malapit na ring mawala?

Ganon ba talaga? Ito na nga eh, nag-aaral ako. Ito na ang kailangan ko. Ito nga ba talaga ang mabuhay? Nagsimula ang lahat, matatapos rin ang lahat ng ganon-ganon lang. Buhay ng tao, sabi nga nila parang gulong lang. Ikot-ikot lang. Itaas ibaba, ibaba itaas. Magsisimula ang lahat sa pagsilang sayo ng magulang mo, mag-aaral kang maglakad, matututo kang tumayo sa sarili mong paa. Simula anim na taon hangga't kolehiyo nag-aaral ka. Pagkatapos mong humarap sa hirap ng araw na nasa paaralan ka, maghahanap ka ng trabaho, minsan pahirapan pa. Aabutin ka ng milyong taon bago ka pa makahanap ng trabaho. Kapag nasa trabaho ka naman, panibagong pahirap na naman. Mag-aasawa, mag-iipon, magkakaanak, tatayong magulang, tatanda, tapos kalilimutan ka din ng mga magiging mga anak mo at ihahatid ka na lang sa home for the aged tapos ayun na, parang wala lang na nabuhay ka, bigla ka na lang malalagutan ng hininga, suwerte na lang kapag namatay ka ng walang pahirap galing sa kaniya.

Sa kaso ko, nandito pa lang ako sa pag-aaral. Suwerte mo na kapag nakapagtapos ka nang sampung taon sa pag-aaral ng walang malas. Walang aberya. Walang nakakasusulasok na karanasan. Badtrip di ba? Kasi ako? Sa lagay na to, wala na akong pag-asa. Ubos na ubos na.

Ang nag-iisang pag-asa ko para mabuhay ng matiwasay, ang pag-asa kong makaahon, mukhang mawawala pa. Laking probinsya ako pero dahil nakakuha ako ng scholarship dito sa Maynila, dito ako napunta. Ngayon ano na? Wala na.

Ilang araw ko pang tiniis ang panlalait nila. HIndi ko na rin siya makita dahil pinaalis na siya dito sa university. HIndi na siya nagp[akita simula nang mabunyag kaming dalawa. Iniwan niya ako. Alam mo ang pakiramdam ng maiwanan? Sobrang hirap. Tiwalang-tiwala ka noong una, itinaas ng sobra ang mga pangarap mo pero bigla ka lang pala ibabagsak mula sa pagkakalipad. Lumipad ako eh. Pero dahil sa ginawa niya, sobrang sama ng tama ko sa lupa.

Ngayon, may naiwan sa akin. Dalawang buwan na akong buntis, halos duguin ako dahil sa pang-aalipusta ng mga kaschoolmates ko. Sobrang pasasalamat ko lang na hindi kami napahamak. Nagpaalam ako sa tinitirhan ko isang araw, nakapagpaalam na din ako sa University na pinag-aaralan ko.

Habang nasa byahe pauwi ng Bicol, hindi ko pa din maiwasang isipin ang lahat ng nangyari sa pakikipagsapalaran ko sa Maynila. Malupit sila. Kung sino lang ang kapantay nila, doon sila. Ano na lang ba mangyayari sa lipunang ginagalawan natin kung ganito ang pag--iisip ng mga tao? Kung sino ang naiiba, sila ang inaapi. Nerd, o kung ano pa man, iyon ang turing nila. Nakakabanas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Rainbow After the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon