Sino si Jena?
Sabi nila ang buhay ay hiram lang natin sa may likha. At ang tunay na buhay ay nasasaktan at nadadapa. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay puro kasiyahan bagkus ang totoong buhay ay puno ng pait, sakit, galit, at takot.
Ito ang kuwento ng buhay ni Jena. Isang babaeng lumaki sa hirap ngunit may malaking pangarap. Pangarap para sa pamilya, sa lipunan, at pangarap na lubos na makapagpapasaya sa kaniya---ang makabuo ng sariling pamilya.
~~~
Naninirahan siya sa probinsya ng Laguna, sa siyudad ng Los Baños. Siya ay anak ng isang lalaking tubong Zamboanga Mindanao at babaeng tubong Laguna kung saan siya naninirahan ngayon.Ang kaniyang ina ay mabuting maybahay samantalang ang kaniyang ama ay isang landscaper. Pang lima siya sa anim na magkakapatid. Ang dami di'ba?
Masaya ang marami kayo sa pamilya, higit kung magkakasabay kayong kumakain sa hapagkainan, nanonood ng mga paborito ninyong mga teleserye at pelikula, nagtatawanan, at nagkukulitan. Simple ngunit puno ng kasiyahan at pagmamahal.
~~~
Si Jena ay isang simpleng dalagang nangangarap mabuhay ng mapayapa at masagana. Hangad niyang maging masaya at maging dahilan ng saya ng kaniyang pamilya, kaibigan, at lahat ng taong kaniyang nakakahalubilo.
Simula kaniyang pagkabata ay may mabuting loob na siya sa kapwa at madalas siyang magbigay ng tulong sa kahit na sinong nangangailangan hanggang sa abot ng kaniyang makakakaya.
Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay kabaitan ang kaniyang taglay. Marunong din siyang magalit, magtanim ng sama ng loob, mainggit, at manlait. Normal lang naman di'ba?
~~~
Namulat sa hirap ng buhay ngunit hindi ito naging dahilan upang mawalan siya ng pag-asang mabuhay at makamit ang pangarap.
Ika nga, libre ang mangarap. Ito ang kaniyang palaging isinasaisip. Dagdag pa dito ang kumilos para sa pangarap.
Hindi pupuwedeng panay pangarap tayo ngunit walang kilos o determinasyon sa buhay. Kailangan mong gumalaw at i'plano ang iyong buhay.
Magkaroon man ng mga hadlang, gamitin itong instrumento upang mas lalong magpursigi at magpatuloy na maglakbay sa mabato at lubak na daan patungong tagumpay.
Ngunit lahat ba nang laban ay kailangang ipagpatuloy? Kung sakaling mapagod ka, lalaban pa ba? sasapat ba ang magpahinga o minsan kailangan din nating matutong sumuko na lang?
~~~
Kahit ano pa man ang mangyari, nananatili siyang matatag. Hirap siyang ipakita sa mga tao ang tunay niyang nararamdaman. Madalas ay nagtitiis siya sa hirap at sakit.
Ngunit kaya niya bang patagalin at huwag ilabas ang lahat ng kaniyang dinidibdib?
Sa lahat ng kaniyang isinasagawa at binibigkas, ito ay puno ng pagmamahal. Pagmamahal ang kaniyang pundasyon para sa lahat ng kaniyang aksyon sa buhay.
Minsan din siyang nangarap ng buhay na malayo sa dinanas ng batang siya.
Magtatagumpay ba siya sa kaniyang buhay? Makakamit niya ba ang kaniyang mga nais? Ano ang mga pagsubok niya sa buhay?
Ano ang kwento ni Jena?
Sana magustuhan ninyo itong story na'to. Ang kwentong ito ay malapit sa aking puso.
Please do vote and comment. Thank you for reading!
#BuhayNiJena
#BNJ
BINABASA MO ANG
Buhay ni Jena
RandomSabi nila ang buhay ay hiram lang natin sa may likha. At ang tunay na buhay ay nasasaktan at nadadapa. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay puro kasiyahan bagkus ang totoong buhay ay puno ng pait, sakit, galit, at takot. Ito ang kuwento ng buhay ni Jen...