Bola
Niyaya ako ni Bridget sa Angel's Garden ng aming school upang doon kami makapag-usap. Mabuti na din yon dahil tahimik doon at paniguradong makakapag-usap kami nang maayos.
Habang naglalakad kami papunta sa garden ay walang umiimik sa amin. Malapit lang naman yung garden sa canteen. Siguro, bago mag isang minuto ay makakarating na kami. Pero, hindi ko na matiis ang mapanisan ng laway. Nabibingi na ako sa katahimikan.
"Ahh...Bridget" napahinto ako sa aming paglalakad at humarap sa kaniya. "Ano ba yung sasabihin mo? Anong pag-uusapan natin?" hindi na nakapagigil ang aking dila.
Kanina ko pa rin kasi siya nakikita na para bang kinakabahan, natatakot, o nahihiya. Ewan ko! Nakikita ko sa kilos niya kanina sa canteen at nitong naglalakad kami ay patingin-tingin siya sa akin. Para bang gusto niyang magsalita ngunit may kung anong pumipigil sa kaniya.
Napahinto lang din siya sa paglalakad at tumingin lamang sa mata kong nakatitig sa kaniya.
Napapakamot siya sa kaniyang batok at tumitingin sa aming paligid.
Para bang may inaantay? May iniiwasan na makakita sa amin?
Medyo naiinis na rin ako dahil sa kung anong tapang ang pinakita niya sa akin kanina ay ngayo'y biglang umurong ang kaniyang dila. Hinawakan ako ang kaniyang kamay at hinila papalapit sa kahoy na upuan sa gilid ng Garden.
"Bridget, Ano ba? Kailangan ko pang i-review yung report ko! Sinasayang mo yung minuto ng araw ko." naiinis kong sambit ng makaupo kami sa kahoy na upuan.
Tumitingin pa rin siya sa kaniyang paligid
"Bridget, Ano ba?!" tumaas ang aking boses dahilan upang bigla siyang mapaharap sa akin sa gulat. "Wala ng ibang tao rito, tayo lang. Kaya, sabihin mo na." pagpapatuloy ko
"A-ahh...kasi" bakas sa kaniyang mata ang lungkot, hiya, at takot. At hindi ko alam kung bakit.
Magkasalubong ang aking kilay na nag-iintay ng kaniyang sasabihin.
"Sorry" mahina niyang bigkas
Agad naman akong nagbigay ng mukhang nagtataka. Saan?
"Sorry sa asal ko kanina sa room, nung nagkukuwento ka about your family." napahinga ako nang malalim sa kaniyang sinabi
"Akala ko naman kung bakit. Magsosorry ka lang pala, pinatagal mo pa! Nagpunta pa tayo dito sa Garden" nahampas ko ang kaniyang braso at napatawa sa kaniya.
Ang kaninang magkasalubong kong kilay ay kumalma at magkasundo na.
Ngunit napawi ang pagngiti at tawa ko nang makita ko ang seryoso niyang mukha.
"Sorry din, natarayan din kita. E kasi naman ang attitude mo magtanong" sambit ko ngunit seryoso pa rin ang kaniyang mukha.
"Bridget! Baka mamaya kung ano isipin ng makakakita sa'tin dito. Okay ka lang ba?" paghimas ko sa kaniyang balikat at pilit tinitignan ang nakatungo niyang ulo.
"Nagawa ko yun kanina kasi...." tumunghay siya ng may luha sa pisngi
Anong ginawa ko? Sis, kabigla ka naman.
"Gusto kong malaman kung ginawan niyo ba ng paraan para makalaya yung papa mo. Kasi kami ni mommy hindi. Kung nagalit ba kayo sa kaniya... kasi ako oo. Naiingit akong makita ka na nagagawa mong ikwento yung ganong bagay sa iba. Kasi ako hindi... hindi ko kayang ikwento sa kahit kanino na yung tatay ko nakulong. Nakakulong dahil sa drugs! Ikaw ang tapang mo! Parang ang dali lang sayo ng lahat."
BINABASA MO ANG
Buhay ni Jena
RandomSabi nila ang buhay ay hiram lang natin sa may likha. At ang tunay na buhay ay nasasaktan at nadadapa. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay puro kasiyahan bagkus ang totoong buhay ay puno ng pait, sakit, galit, at takot. Ito ang kuwento ng buhay ni Jen...