BNJ: Kabanata 2

1 1 0
                                    

Attitude ka ghorl?

Jena

Hindi ko namalayang naluluha na pala ako. Ewan ko ba, pagdating sa kwentong pamilya hindi ko maiwasang maluha. Kung hindi nga lang para sa grades ay hindi ko gagawin ang pumunta dito sa unahan para magsalaysay ng pangyayaring hinding-hindi ko malilimutan.

"Nasaksikahan mo ang lahat ng iyon, Jena?" pagtatanong ng aking kaklase

Tumango lamang ako. Nangangawit na ang aking paa nang kanina pa ako nakatayo dito sa unahan. Lahat nang aking kaklase ay nakatitig sa akin at dama ko sa tingin ng kanilang mata ang lungkot.

"So, Jena, bakit sa lahat ng nangyari sa nakaraan ay ayan ang iyong 'di malimutan?" pagtatakang tanong ng aking guro na ngayon ay nakatayo sa likuran ng klase ngunit nakaharap sa akin.

"Ahmm... siguro po kasi..." malalim akong nag-isip at napatingin sa itaas

Bakit nga ba?

"Siguro po kasi simula ng pangyayaring iyon ay nawalan po kami ng ama. Opo, alam namin na buhay siya, nakakulong siya, pero... hindi naman po namin siya nakikita. Siguro po dahil na rin sa tumatanda ho ako pero 'diko pa nararamdaman kung paano magmahal ang isang ama." pagbibigay liwanag ko habang umuugoy ang aking katawan sa kaba. Lumungkot ang aking mukha nang maramdaman ko sa aking tuhod at pananalita ang nginig.

Parang may hiya akong biglang naramdaman

Totoo naman, alam niyo yung inggit? Inggit kapag may nakikita akong kumpletong pamilya sa Park, 'pag  mga tatay ng kaklase ko yung kumukuha ng card nila, o di kaya'y umaattend sa mga PTA meeting.

E ako? Hanggang sa pagtanda ko ata ay hindi ko na makakasama ang papa ko. Ang lungkot at nakakaiyak yon di'ba? Yung sa lahat ng okasyon, wala siya.

"Fourteen kana ngayon di'ba? So, 11 years nang nasa loob ang papa mo?" malungkot na sambit ni Jaia, ang Vice President sa aming klase

"Ahmm oo, ang tagal na no?" tumulis ang aking nguso at nilaro ko ito sa pamamagitan ng pagkagat.

May mga tanong pa ba? Gusto ko nang umupo!

"As in, since nung araw na iyon, hindi na kayo nagkita?" kumunot ang noo ni Cess sa kaniyang pagtatanong. Habang si Ms. Casimiro ay sumusunod lang ang tingin sa bawat isa sa aming nagsasalita.

Pilit akong ngumiti ng labas aking ngipin kahit pa ang totoo ay ayoko na magsalita. Nangangalay na ako, aber!

"Nagkita naman kami, pero yun nga. Habang tumatagal lumalayo siya sa amin. Inililipat siya ng kulungan. So, dahil wala naman kaming pera hindi na naman siya nadalaw" mabilis kong sinagot ito upang makaupo na ako.

"Ma'am, pwede na po ba ako umupo?" ngumiti ako sa kaniya at pinakitang nangangalay na'ko nang sinabayan ko ito ng mahinang  mga pagpadyak ng aking kanang paa.

"Wait lang, last na po Ma'am. Last na Jena!" tinaas niya ang kaniyang kamay na nagbigay atensyon sa lahat

"Jena, is it okay kung magtanong pa siya sayo?"

Tumango lamang ako.

Ayoko namang sabihan nila akong ginusto kong magshare ng kwento ko tapos magiging kj ako sa mga questions nila no!

"Sigurado ba kayo na may nakuha talagang drugs dun sa papa mo?" tanong niya

"Oo nga!"
"Meron ba?"
"Oo, meron nasabi niya sa kwento niya kanina"

Hindi pa man ako nakakasagot ay nagkasabay-sabay nang magsalita ang aking mga kaklase.

"May ginawa ba kayong paraan para mailabas yung papa mo dun?" matapang ang pananalita ni Bridget ng itanong niya ito. Natahimik ang buong klase at nakita kong may pagkailang sa mukha ni Ms. Casimiro.

Buhay ni JenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon