Chapter 6 Hello California ^____^

73 1 0
                                    

**YEHEY! May update ulit after 1 week. Haha. Busy much talaga. Pasensya na. Pag may time talaga mag U-UD ako. Promise.

Enjoy! =) **

CHAPTER 6

JAM"S POV

Nang makalanding na ang kami nag announce na ang Flight Attendant na pwede na naming tanggalin ang seatbelt. Agad agad kong tinanggal ang seatbelt ko at kinuha ang backpack ko sa taas.

Thank God! Tapos na din ang biyahe. Umupo ka ba naman ng humigit kumulang na 24 hours di ba. Ang sakit kaya sa pwet. Try niyo. Actually hindi naman ako the whole time na naka upo. May time din naman na tumatayo ako para mag C.R. kaso hello naman napaka saglit lang nun para mawala ang ngalay mo sa pag upo.

"Thank you for choosing our airlines blah! Blah! Blah." Hindi ko na inintindi pa ang mga sinabi ng FA. Dahil for sure puro about na lang sa airlines nila ang sasabihin niya.

Tatayo na ko nang bigla akong ma-out of balance.

Sakto naman na tumayo si Kuyang cute. At na hawakan ako bago tuluyang matumba.

"Hey miss, are you alright?"

"Yeah. Im okay."

"You sure?"

"Yes. By the way thanks!" Duh kunyari lang na okay ako. Dahil nakakahiya. Pero sa totoo lang nahihilo talaga ako. Arrg! Binawi ko na ang pagkakahawak niya sa kamay ko. At kinuha naman niya ang mga gamit niya. Aba NR si kuya sa thank you ko ah. Tss! Di man lang nag welcome or tanungin yung name ko? Mabait na masungit! Tsk!

Okay snob na lang.

Nang ma-check out ko na ang ibang bagahe ko lumabas na ako para hanapin kung sino ang sumundo sakin. Nang mapalingon ako sa kanan may nakita akong banner na nakasulat ang 'Jam Sanchez'. Lumapit na ko para makaalis na sa Airport.

"JAM!! HERE!" Sigaw ni Mommy Len.

Pagkadating ko sa harap nila. Niyakap niya ako agad. "Akala ko di mo kami makikita."

"Haha! Mommy Len nagpapatawa nanaman. Sa laki ba naman ng banner mo, napaka imposibleng hindi ka makita ni Jam." Asar ni Kuya Michael kay Mommy Len.

"Magtigil ka nga Angelo! Epal ka nanaman!" Eehhh! Si Mommy Len alam ang epal?

"Haha! Okay okay." Bumaling naman si Kuya Michael sa akin. "Hi Honey! I missed you!" Kiniss niya ako sa cheeks at hinug ko naman sya. "So, kamusta ang byahe?"

"Uhmm. Okay lang naman. Medyo nakakapagod lang at nakakahilo."

"Nako ayan na ang jetlag mo."

"Mabuti pa tara na. Mag early dinner na lang tayo dito sa labas para makapagpahinga ka na rin Jam."

Kinuha na ni Kuya Michael ang stroller nang maleta at box na dala ko. Sinakay niya na 'to sa likod nang sasakyan at pupunta na kami sa isang resto .

Pagkadating namin. Kumuha si Mommy nang table for three. "Jam, what do you want?"

"Pasta na lang Mommy."

"Ikaw Michael Angelo?"

" Mommy Len, stop that 'Michael Angelo' ang haba masyado. Michael na nga lang."

"Okay okay. So ano ngang order mo?"

"Sweet and Sour na lang."

After nang kalahating oras ay bumayahe na kmi papunta kila mommy. Pumikit na lang ako at sumandal. Hindi ko na naenjoy ang view sa dinadaanan namin dahil sa sobrang pagod ko.

Hindi ko na rin namalayan na naka park na pala si Kuya Michael.

"Hey! Honey we're here." Bata pa lang ako honey na ang tawag sa akin ni Kuya Michael. Sobrang close kami. Kaso nung 7 years old ako. Dito na sila sa Amerika tumira. Umuuwi naman sila pag may okasyon. Pero madalang lang mangyari iyon.

"Jam, 2nd floor turn right ang kwarto mo." Sabi ni Mommy pagkapasok namin.

“ Cge po.”

“Cge na mag pahinga ka na. Mukang babaksak na yang katawan mo eh.”

"Katabi ko lang ang room mo. Katok ka lang pag may kailangan ka. " sabi ni Kuya Michael.

"Okay Kuya. Thanks!"

Nag beso at nag good night na ako kay Kuya at Mommy Len.

Pumasok na ko  sa kwarto at nahiga agad. Tinitigan ko ang buong kwarto. Simple lang ang ayos pero maaliwalas sa tingin. Meron ding balkonaheng maliit at may C.R na din dito sa loob. Kinuha ko ang bagpack ko at kumuha ng pamalit. Buti nag ready na ko nang pamalit nung nasa Pilipinas pa ko, di ko na kelangan pang mag halungkat sa luggage bag ko. Bumangon na ako at pumunta sa C.R. Nagshower ako saglit para medyo guminhawa at mawala ang hilo ko.

After kong mag shower. Chineck ko ang oras. 8pm na dito and 12pm naman na sa Pilipinas. Tinawagan ko si Mama para sabihing nandito na ako sa California. Binilin niya din na tawagan ko si Daine. Kaya bago ako tuluyang dalawin nang antok tinawagan ko muna sandali si Daine para ipaalam din na safe akong nakarating.

Imperfect to a Perfect LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon