Chapter 11
LESTER's POV
(Same day nung hinatid nila si Jam sa Airport. Connected siya sa Chapter 9, POV ni Daine. So wag malito, okay.)
Kate: Ang bagal mo daw magdrive Les sabi ni Terrence.
Ako: Psh. Kung ikaw ba naman ang may sakay at katabing maganda babagalan mo din magdrive eh.
Tumingin ako saglit kay Daine at kinindatan ko siya.
Daine: Ewww! Magtigil ka nga dyan. Nakakadiri ka! Magdrive ka na nga lang diyan at gutom na ako!
Patay. Galit na. Bakit ba kasi mas gumaganda ang mga babae the more na naiinis sila? Kaya ang sarap asarin ni Daine eh.
Kate: Asus! Kunyaring masungit pa si ate. Pero deep in side kinikilig yan.
Daine: Heh! Magtigil ka nga. (Blush).
Bago siya tumalikod samin at tumingin sa bintana, nakita kong ngumiti muna siya ng pasimple at kinabit ang kanyang earphone.
--
Hanggang makarating kami sa Mcdo siya pa rin ang nasa hotseat ng barkada kaya halatang halata mo sakanya na inis na inis na siya. :)
Nanahimik lang ang mundo niya ng mapunta ang topic kay Terrence at Jam. Si Terrence naman ngayon ang kinulit at nilagay sa hotseat ng barkada.
Terrence: Haha! Sabi na nga ba malakas ang radar niyo eh. As I was saying, katulad pa din ng dati. It's better daw kung friends lang kami.
Paksyet mheeen! Basted nanaman si Terrence. Bakit ba kasi kahit ilang ulit na 'tong sinabi ni Jam sa kanya hindi pa rin siya tumitigil.
Daine: Anong sinagot mo?
Terrence: I said okay. Kung mas magiging okay kami sa ganung sitwasyon.
Jean: Sure ka ba sa sinagot mo?
T: Haha! Hey stop it guys. Bakit ba sakin napunta ang hotseat. Di ba na kay Daine at Lester tayo?
Isang Glare ang natanggap ni Terrence mula kay Daine.
Daine: Walang hiya ka talagang lalaki ka! Wala na nga sakin pinaALALA mo pa! Kainis!
Hahaha! Natawa ang buong barkada sa reaction niya sa sobrang inis at binato pa ng mga empty sachet ng ketchup si Terrence.
--
After ng breakfast, as usual hinatid ko sa kanya kanyang bahay ang barkada.
"Hey! Bakit ako ang hinuli mo! Eh nasa i-isang village lang naman kami nila Jam at Kate. Samantalang pangalawa sa hinatid si Kate kanina." Reklamo ni Daine nang nahalata niya na siya na lang ang natitira.
"So galit ka na n'yan?" Sabi ko para lalo siyang asarin. Sinadya ko talagang hindi ihatid si Daine para makasama ko siya.
"Hindi. Hindi ako galit. Tuwang tuwa nga ako eh." Sarcastic na sagot ni Daine.
"Hahaha! Umiral nanaman yang pagkasarcastic mo."
"Natuwa ka pa ha! Pwes, stop the car at magco-commute na lang ako." Sabi niya at tinanggal ang kanyang seatbelt.
Agad kong hininto ang van. "Hey, wag mo ngang tanggalin yang seatbelt ko. Baka mauntog ka." Hinawakan ko ang kamay niya na nagtatanggal sa seatbelt at binalik ang pagkakakabit nito.
Natahimik siya at napansin kong nakatitig siya sa kamay niya na hawak ko."S-sorry, ikaw kasi eh. Kung ano anong ginagawa mo. Ihahatid naman kita eh. Gusto ko lang na may kasama papunta kila Terrence para kunin yung sasakyan ko at isauli itong van."
BINABASA MO ANG
Imperfect to a Perfect Lovers
Teen Fiction“Isang dakilang NBSB ikakasal sa isang iglap? What a Life?!”