WAVES TWENTY ONE
Hindi ako mabuting tao at never akong naging mabuti sa mga tao sa paligid ko at alam ko 'yun. Pero bakit kailangan na ganito kasakit ang ipaparusa sakin ng mundo. Hindi ako ganun kalakas para makayanan ang sakit na 'to.
Bakit sakin? ganun na lang ba ako kasamang tao sa paningin ng mundo? Sinusubukan kong baguhin ang sarili kahit hindi na para sakin kahit para na sa mga taong mahal ko. Araw-araw kong sinusubukan ang lahat ng makakaya ko kahit mahirap kahit hindi ako sanay kahit hindi ko gusto.
Sobrang sakit at hindi ko na kinakaya ang sakit ng dibdib ko. Wala akong ibang maramdaman kundi ang bigat at pasan-pasan kong problema. Bumibigay na ang katawan ko, sumusuko na ako. Hindi pa ba aalisin ang sakit na 'to? hindi ko na kasi kaya. Wala na akong lakas, ubos na ubos na. Wala nang natitira pa, wala na akong ibubuga pa. Suko na ako sa lahat, tama na 'to. Nakakamatay ang sakit.
Naka-upo ako sa ibaba at naka-sandal sa kama ko habang umiiyak ng tahimik.
"Ang sakit sakit.." umiiyak na bulong ko. "Mommy, ang sakit sakit na. Mommy tulong, parang-awa mona." nananatiling bulong ang pag-hingi ko ng tulong dahil ayaw kong marinig nila ang pag-iyak ko mag-isa.
Sinusuntok ko ang dibdib ko sa sobrang sakit. "Mahina ako, sobrang hina ko bakit sakin binigay 'to. Hindi ko 'to kaya, paki-bawi lahat ng sakit, I don't deserve this pain, please."
Sinanubutan ko ang sarili ko. Tinatanong ko ang masamang ginawa ko, hindi ko matanggap kung bakit ako ang dapat mag-hirap, bakit hindi sila? bakit hindi ang mga taong nanakit sakin? bakit kailangan ako? bakit hindi patas? Hindi ko matatanggap 'to!
"God, I'm not a bad person..but why me?"
Wala akong kasalanan sa kanila. Sila ang may kasalanan sakin pero bakit ako ang sumasalo ng sakit na dapat nilang nararamdaman. Bakit parang hindi sila nasasaktan? bakit ako ang nag-hihirap?
"Please erase this pain..I beg you, erase it. I don't deserve this kind of pain. Wala akong ibang ginawang mali, nag-mahal lang ako, nag-pakatanga lang ako, nagbulag-bulagan lang ako, hindi ako masamang tao. Minahal ko lang ng sobrang 'yung tao pero bakit sakit ang naging kapalit..ganon ba talaga?"
Bumaba ang kamay ko para haplusin ang tiyan ko, doon mas bumuhos ang labis na iyak ng isipin kong wala na akong batang aalagaan sa sinapupunan ko. Wala na siya, kinuha na siya, wala na ang baby ko.
"Bakit pati ikaw kailangan kunin?"
Umi-iling ako dahil walang kasalanan ang bata sa kung ano mang meron ako. Bakit kailangan niya akong iwan? bakit kailangan kunin siya agad? Hindi ko pa siya nahahawakan, hindi ko pa nakikita ang mukha niya, hindi ko pa nararamdaman ang unang sipa niya. Hindi ko pa nasasabi kung gaano ko siya kamahal kinuha na agad siya nang ganun kabilis.
"Bakit iniwan mo si mommy.."
Lahat ng bagay na natutunan ko lahat ng bagay na inaral ko binaliwala ko kinalimutan ko noong minahal ko si Aarav, nakalimutan kong protektahan ang sarili ko, binaliwala ko ang sarili ko para lang sa kaniya pero sa huli wala akong nakuha kundi tanging sakit.
BINABASA MO ANG
IHS #1 : BETWEEN SERENE WAVES
RomanceFaydeline Eve Crisostomo is a spoiled brat and the last child, ang bunsong tagapag-mana ng Crisostomo, pero dahil sa ugali na meron siya ay nag-dadalawang isip ang magulang niya kung siya ba ang tamang tao para sa Company nila. When her parents deci...