CHAPTER 31

8.6K 169 12
                                    

WAVES THIRTY ONE


"Time to wake up, sleepy head."


Nagising ako sa mga halik niya sa aking mukha. Nanatiling pikit ang mga mata ko, bumubulong siya sa akin.


"Get up, breakfast is ready."


Dahan-dahan akong gumising at kinusot ang mata. Nakita ko ang naka handang pagkain ngayon sa harapan ko, nilapit niya ang tray sa akin.


Napangiwi ako nang sandaling maamoy ko ang pagkain. "Why..smells fucking bad." para akong masusuka.


Nagtaka siya. "Bagong luto lang 'yan, ang bango kaya, try mo."


Nang ilapit niya sakin ang pagkain ay dali-dali akong tumakbo sa banyo, parang may tumusok sa sikmura ko nang ilapit niya sakin 'yun. Lumuhod ako sa toilet bowl at nagsuka. I haven't eat yet but parang aapaw na ang laman ng tiyan ko, Gosh!


"Are you okay?"


"Don't touch me, Aarav!"


Nagulat siya at napa-atras, alalang-alala ang mukha niya habang nakatitig sa akin. Nanghina ang katawan ko at napa-upo sa floor, panay pa rin ang pagsusuka ko kahit wala nang ilalabas.


"Anong nangyari?"


"I don't know, just don't go here, please!"


Umatras siya lalo at pigil na pigil ang kamay na hawakan ako. Nagulo ang buhok ko, naluluha na ang mga mata ko at namumula ang leeg ko sa pilit na pagsusuka. Tinulak ko lang siya papalabas ng banyo, I locked the door and washed my face tumingin ako sa mirror, I feel like I'm a mess! Nakakainis.


"Okay ka na ba?" pagbukas ko palang ay nagtatanong na agad siya. "Fayd, nagtatanong ako sumagot ka naman."


"Pwede bang huwag kang magtanong!" sigaw ko.


Natahimik siya, pumunta ako sa closet at kumuha ng towel para punasan ang mukha ko. Pagbalik ko ay nakita ko siyang inaayos ang pagkain sa kama.


"Hindi mo ba kakainin ang niluto ko?"


"Are you fucking serious!?" tumaas ang kilay ko. "Hindi ko nga gusto ang amoy tapos papakain mo sa akin, nananadya ka ba talaga?"


"Ano ba kasing mabaho, tinikman ko naman 'to bago ko ihanda sayo at hindi naman masama ang lasa."


"So sinasabi mong ako ang mali dito at nagsisinungaling ako, ganun?"


Napalunok siya at umiling agad. "S-sabi ko nga ako 'yung mali."


"Oo, talaga!"


Nakanguso siya nang tumalikod ako. Ako ang nag-luto ng breakfast ko at nauna siyang magshower, nakanguso pa rin siyang inaayos ang damit niya. Nagpapapansin at hinihintay akong ayusin ang necktie niya. Obvious naman na sinasadyang niyang maliin ang pagsuot nun.

IHS #1 : BETWEEN SERENE WAVES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon