Yeah tulad nga nang nasabi ko kay mom ay gusto ko munang mag sariling mabuhay, alam mo yung kahit bata ka pa gusto mo na mag mature, yung ikinikilos ang sariling buhay mo, yun bang magka bahay na muna ako and then mag ta-trabaho ako para matuto, kaya pumayag rin si mom na mabuhay ako mag isa, ano ba 'yan parang walang manners yung mabuhay mag isa, gusto nya rin raw iyon para sakin.
Isa kasing Doctor ang Mommy ko, ang Daddy ko naman ngayon ay nasa ibang bansa at ayun nga doctor din siya ewan ko ba't gusto nila mag doctor anong meron sa doctor? Well alam ko naman ibig sabihin non, meron din akong kapatid and sister ko siya, Siya si Kira Zil Limblalo may may boyfriend na yun so taken na guys, nasa ibang bansa rin at doon rin nag ta-trabaho, hay gusto ko rin sa ibang bansa nalang rin tumira pero ayaw ni mom kasi nga wala siyang kasama sa bahay syempre mas gusto kong makasama sya noh kaysa mag maka-sarilikasalukuyan akong nag aayos ng mga gamit ko ng kumatok si mom sa pinto ng kwarto ko
"Knock! Knock!"
"Come in mom"
"Hi anak, oh naka pag ayos kana ba? kasi mamaya paparating na ang mag susundo sayo---" sabi ni mom pero bigla akong nag salita
"Mom, kaya ko na po ang sarili ko at saka ako pa nga po mismo pumili ng bahay diba mom? kaya alam ko na po ang papunta don" my mom looked at me seriously kaya naman itinigil ko ang pag-aayos ng gamit at tumayo ng maayos at hinawakan ang magkabila niyang balikat
"Mom ok na ok lang po ako, naihatid ko nga si ate doon sa airport ng mag isa eh, sa bahay ko pa kaya, at huwag po kayong mag-alala mom, lagi ko po kayong kaka-mustahin kaya don't worry na mom, sige ka 'di na ako aalis kung ganyan ka" sabi ko na may halong biroGanyan talaga kami mag biro-an ni mom, parang mag kaibigan lang kami pero may galang
"Edi huwag ka nalang talaga umalis dahil---" tutol ni mom
"Mom, kaya ko nga po ang sarili ko, at saka pinayagan nyo na naman po ako" hindi naman nakasagot si mom at nakatingin lang sa akin ng seryoso
"Sige na nga basta wag mong kalimutan tumawag ah, basta pag may time na si mommy pupuntahan kita doon at yung sa school mo pala 'di ba na ayos mo na 'yon? kasi sabado na ngayon, oh sa lunes na ang start ng klase nyo" aniya at ngumiti naman ako ng todo at tumango bilang pag sang-ayon
"Sige mom bababa nalang po ako maya maya" habang nakangiti at yumakap kay mom at hinalikan ito sa pisngi
"Oh sige na, mag aayos pa ako ng schedule ko" sabi ni mom
Kaya naman agad akong kumawalas sa yakap at ngumiti at tumango
Nang matapos ko na ayusin ang gamit ko ay bumaba na rin agad ako
"Oh hija" sabi ni manang lily maid namin
"hali kana't kumain"At saka pumunta sa hapag kainan
"Wow manang lily masarap ata ang makakain ko ngayon ah at ito rin ang last, just kidding manang,
Bibisita naman po ako dito pag may time rin ako" nginitian ko si manang at ganoon rin sya lang, senenyasan ko naman itong makikain na rin sa'kin, lagi din kasi kaming nag sasabay ni manang na kumain nakasanayan na rin"tapos na ako kumain at ang mommy mo" sabi ni manang
Tumango nalang ako bilang ganti sa sinabi
Walang kibo kami habang kumakain ng bigla kong kinausap si manang dahil parang may mali kay mom sa inaasta niya
'Manang may problema po ba?'tanong ko kay manang
'O__O<---ako ng biglang na ubo si manang sa iniinom nyang kape at inabutan agad siya ng malamig na tubig wews sabi ko na meron eh, ganyan na asta nila alam kong may itinatago sila,
pero hindi pa si manang nakaka pag salita ay may nag busina sa labas at alam kong ayun yung mag susundo sana sa akin, biglang lumabas si manang at kinausap niya nalang ang driver na'yon