002

2 0 0
                                    

essia's pov

hi guys welcome to my life yiee kiligin nga kayo dali. ang hindi kikiligin di mag kakajowa chz ½. andito kami ngayon sa field kasi nag-aayos kami nasama kasi kami sa student council eh dinamay lang kami ni ate suyeon, diba apaka bait na kaibigan.

ako nag kakabit nung banner, wag nyo na itanong bakit ako nagkakabit dahil hindi ko din alam napag utusan lang ako.

"paki bilis foe mga lodi nangangawit na ako para akong cheerleader dito." pag rereklamo ko dahil apaka init ng panahon, sumandal naman ako sa may pole ng bigla akong ma out of balance haha katapusan ko na ba to Lord.

napa pikit na lamang ako inantay na lang ang aking kapalaran ng maramdaman ko na may sumalo sakin kaya napa dilat ako at nanlaki ang aking mga mata.

"SANHA?!" gulat na tanong ko at nag-pababa agad. "ok ka lang ba?" ang hinhin nya mga marekicks nakakapang hina ng tuhod.

"ah o-oo sa-salamat." bakit ako nauutal haha pinapahiya mo sarili mo essia.

"ingat ka sa susunod baka mahulog ka ulit."

"nahulog na nga eh." napa sapo na lamang ako sa noo ko ng nasabi ko ang dapat nasa utak ko lang. antanga self.

"huh?" ayun buti di nya naintindihan.
"wala wala lods salamat ulit ah." sabi ko at tumungtong na ulit sa upuan, pano nga ba itakwil ang sarili? send tips.

happy pill | yoon sanha Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon