004

1 0 0
                                    

essia's pov

apaka sama mg pakiramdam ko, lord hindi pa ako nakaka amin kay sanha wag po muna ngayon please. mahal ko pa po yung buhay ko.

"sabi ko kasi sayo mag-stay ka lang sa may dorm tignan mo itsura mo ngayon para kang lantang gulay." panenermon ni ate suyeon pero umiling lang ako.

"may quiz kami ngayon eh kailangan ko pumasok, tsaka masama akong damo kaya ko to no." napa-buntong hininga na lang si ate kasi alam nyang di naman ako susunod. hinatid naman nila ako sa room at umupo na ako sa upuan ko at napa takip ng muka.

sanha's pov

nandito na ako sa room at inaantay ko si essia, siya kasi usually yung pinaka maaga pumasok kaya ang weird na late siya ngayon. "chill ka lang baka hinatid nya lang mga tropa nya o kaya may pinuntahan lang." pag reassure ni kuya minhyuk sakin kaya tumango na lang ako.

maya-maya naman ay dumating na siya kasama nila ate suyeon, namumutla siya tsaka ang tamlay ng itsura niya. pupuntahan ko sana siya ng biglang pumasok na si prof.

wrong timing ka naman prof eh.

30 minutes later

naka pila na kami sa tapat ng table ni prof at nasa unahan ko si essia na naka hawak sa ulo niya ng bigla na lamang siya hinimatay.

third pov

bigla na lamang nawalan ng malay ang dalaga kaya't nasalo agad ito ng binata na nasa likod niya at dali dali siyang binuhat nito. "KUYA PABUKAS NG PINTO!!" nag-mamadaling sabi ni sanha kaya binuksan agad ito ni minhyuk.

dali-dali nilang dinala ang dalaga sa clinic, inasikaso na din agad ito ng nurse habang ang binata naman ay naka tingin na may pag aalala sa kanyang muka.

"sana maging okay ka agad."

isang oras na ang naka lipas at ang binatang naka-upo sa tabi ng higaan ng dalaga ay unti unti nang nakatulog.

essia's pov

dahan dahan ko dinilat ang mata ko at tumingin sa may paligid. "teka bakit ako nandito?" bulong ko sa sarili ko habang tinitignan ang kwarto, napa tingin naman ako sa gilid ko at nadatnan ko si sanha na natutulog habang hawak ang kamay ko.

bigla na lamang siya naalimpungatan at tumingin agad sakin. "ok ka na ba? may masakit pa ba sayo?" bakas sa boses nya yung pag aalala...

tumango naman ako bilang sagot. "ano pala nangyari kanina? ang alam ko naka pila lang ako nun eh." pag tatanong ko.

"nung naka pila ka bigla kang nawalan ng malay buti na lang nasalo kita kaya dinala kita agad dito, inexcuse na din pla tayo ni prof sa mga subj teacher natin kaya wag ka mag alala." pag sagot miya sa tanong ko.

"sige thank you at sorry na din sa abala bawi ako sayo next time." ngumiti naman siya at chineck na din ako ni nurse ulit at sinabing medyo ok na ako at kailangan lang ng pahinga. hinatid na din ako ni sanha pauwi dahil delikado daw akya di na ako umangal.



happy pill | yoon sanha Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon