“Distance/Distansya”
****
Napakalayo mo,
Kung dati ay distansya lamang, ngayon ay ikaw na mismo.
Naalala mo pa ba ang mga panahong ika’y naguguluhan?
Ako’y napapatanong kung mayroon pa bang patutunguhan.
Gusto man kitang samahan,
Ngunit hindi maari dahil batid kong ikaw ang may kakulangan.No’ng una mahal, distansya lamang ang ating kalaban.
Ngunit wala saatin iyon dahil pareho tayong lumalaban.
Ngayon, pakiramdam ko hindi distansya ang makapaghihiwalay saatin.
Kung ikaw na mismo ang dumidistansya saakin.****
YOU ARE READING
The Pain Will Gradually Diminish Through This Poem
PoésieUnsaid thoughts that became a poem ahead. Cover is not mine, credits to the owner.