01

18 8 2
                                    

"Lazera! Pwede bang lumayo ka kay buxy ko? You're so irritating kasi e." Sabi nito na may halong taray pa.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo Cara na kapatid ko siya, tsaka stop calling me Lazera, its Lezella. "

"Kahit na he's your brother kailangan mo parin lumayo! And I don't care about your name." nag dabog-dabog pa ito sa harap ko, akala siguro nito ang cute niyang tignan e mukha siyang ewan.

"Alam mo hindi ko alam kung bakit ka nagustuhan ng kuya ko, ang alam ko kasi hindi siya pumapatol sa mga bata."

"Duhh... I'm not a bata anymore." Humawak ito sa beywang niya sabay titig ng masama sakin.

"Oo nga hindi na, pero isip bata ka parin." Aalis na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko.

"What the hell did you just say?!" Ang diin ng pagkakahawak nito sa akin.

"Hey baby!" Binitawan agad ako nito sabay takbo sa kuya ko.

"Baby? Ew."

"Buxyy! Si Lazera inaaway na naman ako, sinabihan niya ako ng isip bata!" Sumbong nito kay kuya habang nag papacute pa.

Tumawa lang si kuya dahil alam niyang totoo naman.

"Kayo na naman? Lagi nalang kayong nag-aaway e. " nakangiting sabi ni kuya.

"Siya lagi ang nangunguna. " itinuro pa ako nito na akala mo talaga bata.

"Ikaw na bahala sa jowa mo, may klase pa ako. " wala ako sa mood ngayon makipag-away sa bata.

Narinig ko pang tinawag ni kuya at Cara ang pangalan ko pero hindi na ako lumingon at nagpatuloy lang sa lakad papunta sa science club.

"Okay, so how was the ball yesterday night? Did you guys enjoy? "

Ball...

Lahat sila ay sumagot ng oo maliban sa'kin, hindi maganda ang nangyari kagabi.

"At dahil malapit na ang valentines magkakaroon tayo ng unti at madaling experiment. " excited na sabi ng teacher namin.

Oo nga pala malapit na mag valentines kaya madami na namang events ang mangyayari, hayss... Nakakapagod.

Lahat sila ay excited na nakikinig sa teacher about sa gagawing experiment bukas habang ako ay inaantok. Wala talaga ako sa mood ngayon dang it!

Humikab ako sabay tingin sa bintana--

Si Draze na natutulog sa kabilang room ang nakita ko. Nag simula na namang kumirot ang puso ko, siguro nga wala ako sa katinuan kagabi at hanggang ngayon kaya ko siguro 'to nararamdaman. Tama! Ganun yun!

Tumingin ulit ako sa bintana then---nagkatinginan kami ni Draze.

Umiwas agad ako ng tingin at yumuko ako para maharangan ng buhok ko yung mukha ko para hindi niya makita.

Teka, bakit ako nag tatago? Nvm.

Natapos ang klase at dali-dali akong lumabas para pumunta sa library, hindi ako magbabasa matutulog lang.

Kinuha ko ang bag ko sabay takip nito sa mukha ko, at maya-maya pa ay nakatulog ako.

(Someone's pov)

Pumunta ako ng library para kumuha sana ng libro na gagamitin ko para mag review sa quiz namin mamaya, nang makita ko si Lezella na natutulog habang may takip na bag sa mukha.

She always does that.

Umupo ako sa harap niya, "Lagi ka bang pagod? Lagi kana lang natutulog dito."

Forbidden Love (Book1:Falling On-going)Where stories live. Discover now