03

12 6 1
                                    

"Saan na kaya napunta yun? " tatanungin ko pa sana yung lalaki ng pag lingon ko ay wala na ito.

"Saan nagpunta yun? Ay ewan nawawala na nga notebook ko tapos iisipin ko pa kung saan yun nag punta? " irita kong sabi.

Dahil hindi ko talaga mahanap yung notebook ko sa rooftop ay pumunta naman ako sa court kaso madaming nag lalaro kaya hindi na ako tumuloy, ayoko sa madaming tao tapos puro babae na nanonood sa mga crush pa nila ang nandoon.

"Sayang yun, di bale hihiram nalang ako ng notes sa mga kaklase ko"

"Sayang ang ano? "

"Ay naknamputa! "

"HAHAHA sorry nagulat ata kita" nakangisi pa niyang sabi.

"Hindi, hindi mo ako nagulat Teive hinding-hindi bwiset ka! "

"Cutee" pinisil niya ang pisnge ko, lagi niya yang ginagawa sa'kin dahil ang cute ko raw kahit hindi naman.

"Tse!"

Tumawa ulit siya dahil siguro naiinis niya ako, wow ang galing Teive sobrang galing.

"So ano ang sayang? "

"Ah yung notebook ko sa Math nawala kasi tapos hindi ko na mahanap, hindi ko alam kung saan ko nailagay o nahulog basta ang alam ko nasa bag ko yun"

"Baka naman may kumuha sa bag mo? Chineck mo ba kung may iba pang nawawala sa bag mo?

"Hindi pa" bumalik ako ng room para tignan yung bag ko kung may nawala pang ibang gamit, nag paalam na rin si Teive na aalis daw muna siya dahil may kailangan siyang ayusin.

"Leze anong hinahanap mo?"

"Ah wala naman tinitignan ko lang kung may nawala ba sa gamit ko"

"Ah sige, btw hinahanap ka sa'kin kanina ni Mess may sasabihin daw siya sayo" may iniabot na papel sa'kin si Lea. "Pinabibigay niya rin pala, don't worry hindi ko 'yan binasa" umalis na siya pag tapos niyang ibigay ang papel sa'kin.

Leze...
Pumunta ka mamaya sa meeting may sasabihin ako sayo na importante.
2:30 sa office of grade 12 officers.

-Messi

Anong sasabihin nun? O baka gumagawa lang yun ng paraan para makapunta ako sa meeting? Tss.

Nakatingin ako sa bintana habang iniisip ang sasabihin sa'kin ni Mess, bwiset na babaeng to binabaliw ako.

"Leze... " sinisiko-siko ako ni Lea ng palihim at mahina ang boses niya.

"Hmm? " tumingin ako sakaniya.

Hindi ako nito pinansin, aba bastos 'to "Baliw ka ba? Tatawagin mo ako at sisikuhin tapos hindi mo ako papansinin?"

"Ms. Xorzion!" Nagulat ako sa biglang sumigaw.

"Mr... Frazier, sorry po" natauhan ako bigla, kaya pala ako sinisiko at tinatawag ng palihim ay kanina pa pala sa'kin nakatingin ang teacher ko sa history.

"Kanina ka pa nakatulala riyan, nasaan ang isip mo?! " galit na sabi nito sa'kin, lahat ng kaklase ko ay nakatingin sa'kin at walang nag-iingay.

"S-sorry po... " yumuko na ako dahil sa kahihiyan.

"After this class sumama ka sa'kin sa room ko! " nag patuloy na siya sa pagsusulat ng nilelesson niya sa blackboard.

Umupo na ako at kumuha ng notebook para isulat din ang sinusulat ni sir. Hayss... Ang malas nga naman ngayon arghh!!

Pag tapos ng klase ay sumunod ako kay Mr. Frazier sa room niya. Habang nag lalakad kami papunta sa room niya ay naalala ko bigla na studyante niya sila Messi!!!

Forbidden Love (Book1:Falling On-going)Where stories live. Discover now