05

18 6 1
                                    

"Hoy leze! "

Aga-aga sino ba yung maingay?!! Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi dahil sa mga projects dahil malapit na ang deadline.

"Hmm? "

"Hoy!!! Binge ka baaa?!!!!! "

Napabangon ako ng may biglang sumigaw sa tapat pa mismo ng tainga ko. "Ano ba?! "

"Wala ka bang balak na pumasok? 10am na, kanina pa sa'kin tumatawag si Messi"

"10? Sige lang" hayss 10 palang naman e tsaka yung mga projects mamaya pa ipapasa mg---

"Kuyaaaa!! "

"Ano? Bwiset ka" pinalo ako nito sa balikat ko dahil nagulat siya.

"Late na akooo!! " nag dali-dali na akong maligo bwisettt late na late na akooo 10 ko ipapasa yung mga projectss

Sumakay nalang ako ng taxi para mas mabilis, kukunin ko na sana yung suklay sa bag ko pero nakalimutan ko dahil nilinis ko pala yung bag ko kagabi kaya tinanggal ko yung suklay.

Wahhh! Lagot ako nito, sinuklay ko nalang yung buhok ko gamit ang kamay ko kaysa naman pumasok ako sa school na magulo ang buhok ko.

"Ah manong dito nalang po hehe salamat po, keep the change manong have a nice day! " tumakbo na ako papasok sa school at pag dating ko sa room ay nandoon ang mga officers sa harapan habang yung mga kaklase at teacher ko ay nakikinig sakanila.

"D*mn paano ako nito papasok? " argghh kakastresss naman e

"Ms. Xorzion? " lah? Nakita akooo ni ma'am helpp

"Anong ginagawa mo riyan? Pumasok kana rito at makinig sa sasabihin ng mga officers" eh? Himala ang bait ni ma'am ngayon.

"Ah opo, sige po hehe" yumuko ako habang papunta sa upuan ko.

Bakante ang katabi kong upuan, "Psst! " humarap naman sakin ang kaklase ko na nasa harapan.

"Bakit? "

"Nasaan si Lea? Bakit wala rito? "

"Hindi pumasok may sakit daw"

"Ah...sige thankyou" hindi ako makatingin sa harapan dahil nandun nga sila Messi, nakakahiya late na nga ako tapos ito pa maabutan ko pamalas nang pamalas ang buhay ko.

Sumilip ako ng unti at lalong malas dahil nagkatinginan kami ni Draze, seryoso ang tingin niya sa'kin na parang papatayin niya ako.

Dati nakakapag-usap pa kami pero after that night hindi na kami nag papansinan, well iniiwasan ko siya kasi...

Bakit ko nga ba siya iniiwasan? Baka mag taka siya at si Messi kung bakit di ko na siya kinakausap, sige sige ganito nalang papansinin ko siya mamaya sa meeting oo tama! Dadalo ako sa meeting.

Umiwas na ako ng tingin sakaniya at nakinig nalang sa sinasabi nila Messi.

"So ang balak namin ay kailangan bawat sections ay mag-iisip ng idedecorate sa classroom para sa valentines, pero may twist! " excited at energetic na sabi ni Mess.

"Leze? "

"Yes ma'am? "

"Diba secretary ka? Bakit hindi ka nila kasama? "

"Ah... Late po kasi ako hehe"

"Ow okay" ngumiti pa siya sa'kin, ang bait niya talaga ngayon di ako makapaniwala.

"Ang twist ay kung sino ang may pinakamagandang decorations sa room ay mananalo ng 5k"

"Uhmm... May tanong po ako" sabi ng isa kong kaklase.

Forbidden Love (Book1:Falling On-going)Where stories live. Discover now