Parehas kaming pumasok sa trabaho dahil hindi din ako sanay na walang ginagawa sa isang araw
Namimiss kona ding makipagdaldalan sa mga pasyente ko habang nagchecheck up ako
Inihatid ako ni Miko at hindi hinayaang magdrive papunta sa trabaho ko
Mukha tuloy kaming mag-asawa dahil sa ginagawa niya
Binalaan niya din akong huwag akong uuwi nang hindi niya ako nasusundo
Kinamusta naman kaagad ako ng assistant ko kung okay na ako
Nakarating din kasi sa clinic ang nangyari sa'kin kaya banned ngayon si Nathan na makapunta dito para na din sa kaligtasan ko
Maging sa village na tinitirhan ko ay banned siya kaya panatag na din ang loob naming lahat
ALAS-DOSE ng tanghali ay nagcut-off muna kami dahil lunch time na
Bibisita din kasi ako sa ospital kung saan nakaconfined ang isa sa mga pasyente ko dahil sa dengue
Magoorder na sana ako ng lunch nang dumating si Miko kaya nagulat ako maging ang mga kasama ko sa trabaho
"Uyyy Si Doktora"
Pang-aasar nilaNakagat ko naman yung labi ko dahil sa hiya
"bakit nandito ka?"
Tanong ko kaagadItinaas naman niya yung bag na may lamang lunch kaya ngumiti nalang ako
"niluto mo 'yan?"
Tanong ko"Of course"
"Bakit?"
"Gusto ko luto ko kinakain mo"
Tipid na sagot niya tsaka ako hinila paupo sa bakanteng lamesaInilabas naman na niya mula sa bag yung mga Tupperware na may lamang pagkain
At dahil gutom na din ako
Kumain na kaagad ako kaya tinawanan niya ako
Sinabayan na din niya akong kumain kaya nagtanong ako
"Bakit pala nag-abala kapang magdala ng Lunch?"
"Ayokong maglunch sa trabaho, mas gusto kong kasabay ka"
"Sayang naman sa Gas"
Nanghihinayang na saad ko"Madami akong pera Frayna, maliit na halaga lang ang Gas, mas Mahalaga kapa kaysa doon"
Sagot nito habang nakatitig sa'kinAt dahil naiilang ako sa mga tingin niya
Kumain nalang ako ng kumain hanggang sa mabusog ako
1PM naman ay umalis na siya
Nagpalipas din siya ng kabusugan sa Office ko bago bumalik sa trabaho niya
Wala siyang ginawa kanina kung hindi ay bwisitin ako habang nasa opisina ko siya
Tuwang-tuwa pa siya kapag napipikon na ako at mas lalo akong naaasar sa ginagawa niya
Pumasok naman ang Assistant ko para ipaalam na malapit na ulit kaming magsimulang magcheck up
Nang-asar pa siya bago lumabas ng opisina ko
YOU ARE READING
My Internet Love (Campus Series#4)
RomanceHave you ever been inlove through internet? Without knowing his/her identity, no voice calls, no video calls even sending pictures with each other... But suddenly, the both of you planned to meet up already and then changes had come. Do you consider...