Chapter 38

65 3 0
                                    

May mga Bakla namang pumasok sa kwarto

Tatakas sana ako pero may tatlong lalaki na humarang sa pinto kaya napabalik kaagad ako papasok sa loob

Nakilala ko naman yung mga bakla dahil sila din yung nag-ayos kay Ck doon sa Engagement day nila ni Rome

Itinago ko naman yung ring finger ko para hindi nila mapansing yung singsing na inilagay ni Miko sa daliri ko noong nakaraang araw

Makatakas lang talaga ako dito hinding-hindi na ako magpapakipot pa kay Miko

"Bakit naman ganern ang Face mo Madam? Ganiyan ba ang expression kapag ikekesel ne?"
Pang-aasar nung isang bakla habang inaasikaso yung buhok ko

"magkaibigan nga kayo ni Miss Ck, ganiyan na ganiyan din pagmumukha niya nung inaayusan namin siya"
Sulsol nung isa pa na tinititigan yung wedding gown na ipinasok sa kwarto

Honestly, maganda yung gown
Eto ata yung Dream gown ko na nasa Sketchpad ng Future Gowns naming magkakaibigan

"Hindi kaba masaya na si Sir Nathan ang Groom mo? Ang hotty kaya niya"
Malanding saad nung nag-aayos ulit sa buhok ko

"ay nako, kung ako si Miss Frayna, lafang agad for Pilot Nathan, mumukbangin ko talaga si Papi Nathan sa honeymoon"

Para naman akong nandidiri sa sinasabi ng nagmemake up sa'kin

TINULUNGAN naman akong magbihis ng gown ni mommy

Labag man sa loob ko wala din akong magagawa dahil mismong parents ko masaya sa nangyayari

Si mommy na din ang naglagay ng garter sa Legs ko dahil hindi na ako makayuko

"napakaganda mo talaga anak"
Saad ni mommy kaya ngumiti nalang ako

"i want you to be happy with the man you really love, i wish you a happy life,sweetheart"
She said then kissed my cheeks

She left me alone again before she enter the car that will took care of her to the Church

Dumating naman na yung kotse na maghahatid sa'kin sa simbahan

Tatakas pa sana ako nang dumami yung bantay ko kaya wala akong nagawa

Ang gara naman pala ng kasal ng isang piloto

Madaming tagahatid sa simbahan

Letse!

Inis naman akong sumakay sa loob ng wedding car at nakabusangot ang mukhang tinignan ang dalawang bakla na iayos ang gown ko para hindi maipit sa kotse

NANG makarating naman sa Simbahan ay tinamaan ako ng matinding kaba

May kaunting kirot din sa puso ko habang inaalalayan nila akong ayusin ang gown ko pagkababa sa kotse

Ang kasal ay isang sagradong desisyon ng dalawang nagmamahalan sa harapan ng diyos

Sa oras na um-oo ka marapat lamang na panindigan... 'pagkat ito'y wala ng bawian

Ang dalawang nagmamahalan ay parehas na sumusumpa sa ngalan ng diyos, na sila ay magsasama panghabang-buhay

Sa hirap o ginhawa ng kanilang buhay

Mag-away 'man ay marapat lamang na manitili para sa isa't-isa...

Pumasok sa utak ko lahat ng katagang nabasa ko sa internet nung high school palang ako

Paano ako magiging masaya kung hindi ko naman mahal ang pakakasalan ko?

Nakasara na ang pintuan ng simbahan
Hudyat na nagsisimula ng maglakad ang mga abay

Panigurado akong pauulanan ako ng mga salita ng mga kaibigan ko kapag nalaman nilang ikinasal ako ng wala silang alam

Na hindi sila imbitado...

My Internet Love (Campus Series#4)Where stories live. Discover now