Ikatlong Kabanata

128 3 1
                                    

Hulyo 16, 1999 (10:01 p.m.)

CHRISTINA: Wala na sigurong tutumal pa dito sa Sauna Sensui kapag ganitong maaga pa ang gabi. Ang pangkaraniwan kasing dagsaan ng mga parokyano ay ala-una hanggang alas-tres ng umaga. Ganito kasi ang mga tipo ng oras na mahimbing nang natutulog ang mga inuuwian nilang asawa at walang nakakahalata sa kanila. Sa mga oras na iyon, mahina na sa aming mga sauna attendant ang makalimang libo, kasama na doon ang tip ng customer. Paminsan-minsan, dinadagdagan pa nila iyon para sa ‘extra service’.

Kapag ganitong alas diyes pa lang ng gabi, madalang ang pasok ng mga kostumer sa amin, na madalas ay mga first-timer dito sa Sauna Sensui, o kaya’y mga burgis na estudyanteng gusto lang yatang ma-experience ang ‘extra service’ namin. Kung susuwertehin, may customer na foreigner. Siyempre, pag-aagawan namin iyon. Aba, sayang din ang dolyares na tip. Malalaki pa naman silang magbigay. Ang suwerte nga ni Kath, co-attendant ko, noong dalawang buwan na ang nakakaraan. May customer siyang Amerikano at natipuhan siya. Ayun, binigyan siya ng $50,000. Ilang araw pagkatapos noon, nag-resign na siya dito sa Sauna Sensui at nagbuhay-mayaman doon sa kanilang probinsiya. Hindi rin namin alam kung ano ang nakain ng Amerikanong iyon at nag-tip ng ganoon kalaking halaga. Hindi naman kagandahan itong si Kath. Bangag siguro sa droga. Pero at least, natupad na ang mga pangarap niya.

Lahat naman kami dito, ganoon ang pangarap. Makapag-asawa ng mayaman, magkaroon ng sariling bahay at lupa, makabuo ng masayang pamilya. Kaya nga malaki ang pasasalamat ko kay Tobby. Pangako niya kasi sa akin, ipasusunod niya ako sa Saudi kapag naroon na siya at may sapat nang perang naipon.

Pero minsan, hindi mo talaga maiiwasang may mainggit sa iyo dahil sa mga biyayang natatanggap mo. Tulad na lamang ngayon.

Kani-kanila lang ay may nagpuntang customer na German. Ayon sa mga naririnig ko sa kanila, guwapo daw ito, makisig at malinis tingnan. Siyempre, hindi kami magkandaugaga sa pag-alok sa aming mga sarili. “Ser! Come here! I massage you!” tapos may pahabol pang bulong, “I have extra service if you like!” sabay kindat. Kanya-kanyang paraan at pagpapa-cute para makabenta sa ganitong matumal na oras.

Matapos ang mahaba at tila masusi yatang pagsusuri, napagpasyahan ng customer na magpamasahe kay Marilou. Oo, ang putang inang si Marilou na isa sa pinaka-kinaiinisan ng lahat ng attendants dito sa Sauna Sensui! Masyadong inggitera, akala mo kung sinong maganda, amoy putok naman! Pero wala kaming nagawa dahil siya ang trip ng German na ewan ko kung anong klaseng taste ang meron. O baka ganoon ang tipo ng babae na gusto ng mga German?

Ang sagot: Hindi. Dahil mukhang natauhan ang lokong German. Malamang, naamoy niya si Marilou kaya’t bigla itong napaatras. At sa halip, naghanap siya ng ibang attendant. At sino pa nga ba ang pipiliin niya kung hindi ako? Iba kasi ang kamandag ko, pang-German lang naman!

Pero eto at umatake na naman ang hayop na si Marilou. Siniraan ako sa harap mismo ng customer.

“Ser! Don’t let her massage you!” sabi ng hayop. “She is blind! She cannot see you! She might hurt you! She also has sweaty hands! She is so gross! Yuck! Ser, come here! I will massage you!”

Magpapatalo ba ako? Siyempre hindi!

“Ser! Do not listen to that woman! She is the gross one!” sigaw ko. “She take a bath long time ago! She is also bad breath! Ser, come here!”

Sa inis, umalis na lang ang naturang German. Naiwan kaming nakatunganga. Pera na, naging bato pa. Putaragis!

“Masyado ka kasing kupal ka eh!!!” sigaw sa akin ni Marilou. “Palibhasa manang mana ka sa nanay mong siraulo!!! Kaya ka binenta eh! Kupal!!!”

“Hoy!!! Kahit na pinagbili ako ng nanay ko, mabenta naman ako! Hindi tulad mong inaamag na sa sobrang baho ng puke mo hayop ka!!!”

“Ang putang inang ‘to, akala mo kung sino’ng magsalita!!! Para sabihin ko sa ‘yo, ikaw ang mabaho!!! Hindi ka naghuhugas ng puke kasi hindi mo nakikita!!! Hayop ka!!! Kupal!!!”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 05, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A City of Sleeping HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon