PART 3

6 0 0
                                    

CHAPTER 12
Makalipas ang mga araw ay naghihinala na si Leonora na may babae si Rodrigo. Hindi na nakikipagtalik ang lalaki sa kanya. Ilang beses ding kinakalabit ng babae ang lalaki ngunit nagkukunwari itong pagod sa maghapong trabaho.
Maagang gumigising si Rodrigo para tumulong sa palaisdaan ni Mang Domingo at ng kanyang kambal na kapatid na si Ramon. Lumalago na ito at nangangailangan ng mga tauhan. Bago mag-alas otso ay uuwi na ang lalaki para mag-almusal at maghahanda na rin pagpasok sa baranggay hall. Minsan din sa hapon ay bumabalik ito sa palaisdaan para tulungan na uli si Mang Domingo at Ramon.
Kaya mainit ang ulo ni Leonora. Wala nang panahon si Rodrigo sa kanya. Kaya nakipagrelasyon si Leonora sa isang contractor at tuluyan nang nagsama ang dalawa sa Davao.
Hindi naman nalungkot si Rodrigo sa pagkawala ng asawa. Malalaki na rin ang kanyang kambal na anak at mas inaalagaan sila ng ina ni Rodrigo na si Aling Minda.
Nagsimulang mag file ng annulment si Rodrigo. Pagkakataon na niyang tuluyang mahiwalay sa asawa. Sa tagal ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa ay hindi pa rin niya matutunang mahalin si Leonora. Nakikisama lang si Rodrigo dahil mayroon na silang mga anak.
Domingo: Paano yan Rodrigo tuluyan na ngang nakisama ang babaeng yun sa ibang lalaki.
Rodrigo: Wala na akong magagawa. Ginusto niya yan. Ayoko na ring makipagbalikan pa dun.
Domingo: Ano naman ang plano mo sa buhay?
Rodrigo: Nag file na ako ng annulment. Ibinigay ko kay Antonio.

Si Antonio ay isang abogado na may mataas ang panunungkulan sa piskalya. Pinsan niya ito. Malapit sa isa't isa sina Rodrigo at Antonio dahil si Aling Minda ang tumulong sa pagpapaaral dito.
Domingo: Mag-aasawa kana uli?
Rodrigo: Wala akong planong ganyan. Sakit sa ulo lang yan. Tutulungan nalang kita sa trabaho.
Domingo: Salamat naman anak. Mabuti yang naisip mo kesa naman magpaloko kana uli sa mga babae.

Ganun nga ang ginawa ni Rodrigo. Isinubsob ang sarili sa trabaho. Minsan pa ay sinasamahan niya si Marian sa pagbibiyahe kung wala si Carlos. Gustong-gusto niyang laging nakikita ang babae. Lalo na't kasama niya ito sa biyahe. Kuntento na siya sa ganitong sitwasyon. Naipangako kasi nila sa isa't isa bago maghiwalay sa hotel sa Cebu na wala nang magaganap sa kanila. Tinupad naman ito ni Rodrigo.
          Rodrigo: Wala na kami ni Leonora.
          Marian: Ano? Bakit naman?
          Rodrigo: Sumama siya sa ibang lalaki.
          Marian: Paano mo nasisigurong lalaki nga ang dahilan ng pag-alis niya?
          Rodrigo: Alam ko. Matagal na.
          Marian: Matagal mo na palang alam bakit hinayaan mo?
          Rodrigo: Mapipilit ko ba siya kung hindi siya makuntento sa piling ko?
          Marian: Tawagan mo siya. Kausapin mo. Itanong mo kung ano talaga ang nangyayari?
          Rodrigo: Ano?! Ako tatawag sa kanya? Hindi na. Pinalaya ko na siya. Nagpa-annul na nga ako eh.
          Marian: So ganito na pala talaga ang nangyari kaya ka tumungo sa hotel.
          Rodrigo: Hindi yan ang pakay ko saiyo. Pumunta ako doon dahil matagal na kitang mahal.
          Marian: Maniwala ako sayo. Pareho pareho lang kayong mga lalaki.
          Rodrigo: Huwag mo akong itulad sa ibang lalaki. Kahit noon pa man ay wala akong minahal kundi ikaw lang. Alam nina Tatay at Nanay yan na wala akong nararamdaman kay Leonora.
          Marian: Tama na Digs. Ayusin niyo ang relasyon niyo alang-alang sa mga anak mo.
          Rodrigo: At ikaw, bakit hanggang ngayon nagpapaloko ka parin kay Caloy at di mo siya iwanan eh wala naman kayong anak.

Marian. Bakit nga ba? Tinawagan ni Marian ang Vice Mayor ng La Paz para alamin kung may ikakabahala ba siya sa kanyang asawa. Hindi man masyadong isinalaysay ni Vernon ang lahat pero natitiyak niyang may nagyari nga kay Carlos at sa Vice Mayor ng Mahaplag. Nang umuwi si Carlos sa bahay ay tila iniiwasan siya nito. Tinanong niya ang tungkol sa kanilang dalawa ni Victoria pero hindi ito umimik.

Wild HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon