CHAPTER 20
May tumawag kay Marian galing sa USA. Ang kaibigan nito sa America na si Dr. Mike Salazar. Dating amo ni Marian si Mike nung magtungo sila sa States. Pansamantalang nagtrabaho siya sa Doctor's office nito habang nagbabakasyon noong kasagsagan ng kanilang hiwalayan ni Rodrigo. Binata si Mike. Nais daw nitong makita si Marian sa pag-uwi nito sa Pilipinas pati na ang magkambal.
Sinabi ito ni Marian kay Rodrigo. Pero nagalit ang lalaki. Nagselos. Naalala nito ang pangibang bansa ng babae at para sa kanya ay pinagtaksilan siya nito.
Rodrigo: Ano?! Pumayag ka na magkita kayo ng lalaking yun? Ano mo ba siya? Kalaguyo mo sa America?
Marian: Diyos ko naman Rodrigo, hindi naman ganun. Kaibigan ko lang yun, amo ko siya dati. Malaking tulong ang gjnawa niya sa akin. Nakakahiya namang hindi ko i- entertain manlang kahit sa maikling panahon.
Rodrigo: Ayoko. Malay ko ba kung may namagitan sa inyo nung sobrang isang taon kang namalagi sa America. Tapos isasama mo pa ang mga anak ko?! Hindi mangyayari yan.
Marian: Wala nga!
Rodrigo: Huwag mo na ngang bilugin ang ulo ko. Nagde deny kapa eh kitang kita kong mga picture niyo halos magkadikit na ang mga katawan niyo. Naka swimsuit kapa! Buwesit! Pag gjnawa mo yan ay talagang lalayas ako dito.Naging mainit ang usapin nila sa umagang yun. Umalis si Marian at sinalubong niya si Mike sa airport. May kasama naman itong mga kaibigan at nagtungo sa isang resort at doon nagpalipas ng ilang araw.
Nang makaalis ang kaibigan ay umuwi na rin si Marian. Pero nang
papasok palang siya sa bahay ay nagimbal siya at daladala na ni Rodrigo ang mga gamit ng mga anak at inilipat sa kabilang bahay.
Marian: Rodrigo, anong ibig sabihin nito?
Rodrigo: Aalis kami ng mga anak ko. Bahala kang mag-isa mo total ipinagpalit mo na ako sa doctor na iyon.
Marian: Rodrigo, huwag ka namang ganyan. Maghunos-dili ka naman. Wala naman kaming relasyon nun. Kaibigan lang talaga kami.
Rodrigo: Akala mo mapapaniwala mo ako agad-agad sa lahat ng kasinungalingan mo? Hindi na. Mabuti na itong umalis muna kami para mapag-isa ka.Hindi nagpapigil si Rodrigo. Kahit pa niyayakap na ito ni Marian para pigilan ang lalaki ay umalis pa rin.
Rodrigo: Huwag na huwag mong kukunin ang mga anak ko sa bahay kundi talagang hindi mo na sila makikita!Umiyak na lamang si Marian. Naisip niya kaya pala bumili ng bahay si Rodrigo para sa paghahanda sa pakikipaghiwalay nito sa kanya. Pinuntahan ni Marian sa bahay ni Rodrigo ang mga anak. Pero wala ang mga ito. Dinala sa labas para mamasyal. Si Aling Minda lang ang kanyang nadatnan.
Minda: Ano ba kasi itong ikinikuwento ni Rodrigo tungkol sa dati mo daw nobyo sa America, totoo ba ito?
Marian: Nay, huwag kang maniwala sa kuwentong yan dahil hindi talaga totoo yan. Siya lang ang nag-iisip ng ganyan. Dati kong amo si Dr. Mike Salazar. Nagtrabaho ako sa office niya nung magtungo kami sa States ng mga bata. Yun lang yun. Nagkataon lang na nagbakasyon at nagpapasundo sa airport. Pagkatapos noon may pinuntahan silang resort ng mga kasamahan niya. Hindi nga ako sumama dahil galit na nga si Rodrigo. Ang plano ko talaga dun eh kami ni Rodrigo ang sasalubong sa kanila. Pero ayan nagalit agad at nag-alsa balutan.
Minda: Ewan ko ba kung anong naisipan ng batang yan at bigla ka nalang nilayasan. Baka siguro naalala niya pangyayari sa inyo noon. Halos kasi mabaliw yun ng mawala ka.
Marian: Nagbago na Nay ang lahat. Akala ko napatawad na niya ako. Tapos ngayon nga ito siya bigla na lang akong iniwan.
Minda: Hayaan mo muna. Total andito lang naman malapit pa rin kayo sa isa't isa. Kaya siguro kampante siya na kahit umalis ay narito lang naman sa kabilang bahay.Dumating sina Rodrigo at ang magkambal.
Rodrigo: Ba't ka naparito? Pwede ba umalis kana sa pamamahay ko. Hindi ka welcome dito. Doon ang bahay mo sa kabila!
Minda: Rodrigo umayos ka nga! Ayusin mong mabuti ang pagsasama niyo.
Rodrigo: Anong ayusin? Ginusto niya ito. Kaya hayaan mo siyang mag-isip mag-isa. Anne, Belle, maligo na kayo.
BINABASA MO ANG
Wild Heaven
RomanceNR-17. Marian. Kahali-halina ang ganda. Nakakaakit ang hubog nitong katawan. May malasutla, makinis at kutis porcelana. Kaya naman maraming lalaki ang nahuhumaling dito. Kahit nasa kalagitnaang trenta anyos ay para pa ring nasa edad bente anyos ito...