CHAPTER 5

4 0 0
                                    

CHAPTER 5

*Flashback

Kadarating ko lang galing sa school nang madatnan kong may katawagan si Mama at nasa tabi nya si Dad. Lalampasan ko lang sana sila ng mapansin kong umiiyak si Mama. Matapos nyang ibaba ang telepono, umiyak sya habang nakayakap kay Dad. Nagtataka parin ako kung anong nangyayari at nakatayo lang ako sa likod ng aming christmas tree habang pinagmamasdan ko sila. Napatigil ako at napakapit sa slingbag ko sa narinig kong sinabi ni mama.

"She left us. Kailangan natin syang puntahan sa ospital... Harold.. Ang anak natin.." Sabi nya habang umiiyak parin.

Matapos sabihin yun ni mama ay agad silang umalis ng bahay.

Nanginginig akong lumabas sa likod ng christmas tree at umakyat sa kwarto namin. Agad kong linabas ang phone ko and I dialed her number.

Ilang ring bago sinagot.

"Hello"

kinakabahan kong sabi sa kabilang linya. Nagbabakasakaling si Nika ang nakasagot at mali ang natanggap na balita nina mama.

"Yes?" pumatak ang mga luha ko ng ibang boses ang sumagot.

"W-where is the owner of this n-number?" nanginginig kong sabi.

"Im sorry ma'am but she's already passed away a few minutes ago, she faced an accident and she is dead on arrival. But her family is on their way to get her. Are you one of her relatives?"

Nabitawan ko ang phone ko. "Ma'am, hello? Are you still there?"

Rinig kong sabi ng nasa kabilang linya kahit nasa sahig na ang phone ko.

Napaupo ako sa sahig at napasandal sa gilid ng kama. Matagal na oras akong nakatulala at umiiyak ng may marinig akong sasakyan sa baba. Dali-dali akong tumayo at tumakbo pababa ng bahay. Binuksan ni manang ang main door at napatakip ako sa bibig ko sa linuwa ng pintong iyon.

Nakahiga sya at natatakpan ng puting tela. Agad syang pinasok sa bahay at tanging iyak ang maririnig sa buong kabahayan. Hindi ko magawang lumapit sa kanya. Bumalik nalang ako sa kwarto at doon umiyak. Hindi ko kaya to. Panaginip lang to.

Ang mga salitang paulit-ulit na pumasok sa isip ko habang nakadapa sa kama at umiiyak.

---->

Mabilis naming inasikaso ang funeral ni Nika. Mga relatives lang namin ang pumunta dahil hindi na namin pinaalam sa karamihan, at hindi narin kami nag-celebrate ng christmas dahil pagktapos ng funeral nya ay agad kaming lumabas ng bansa.

Limang buwan kaming nag stay sa Paris. Pero ang limang buwan na yun ay walang nagawa para malimutan namin sya.

*End of Flashback*

Hindi na rin namin matanong ang kasama nya ng gabing iyon  dahil hindi rin sya magisig. At alam ko rin na  Tyron ang pangalan nya pero ng mga panahong iyon ay hindi ko alam ang itsura nya.

"Dark Nights"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon