CHAPTER 14

2 0 0
                                    

CHAPTER 14

Alexa's POV

Kagabi lang ay isinugod namin si Mama sa ospital because of her heart attack.

Tapos na ang morning class ko kaya nagpahatid ako kay kuya Leo sa ospital.

Pagkapasok ko palang sa main intrance ng celestine hospital, nakita kong nagtatakbuhan ang mga nurse. Ewan ko, hindi naman sila papunta sa direksyon kung nasaan ang room ni mama pero bigla akong kinabahan at napako sa kinatatayuan ko

"Hija, may problema ba?"

Napabaling ako kay kuya Leo na nagsalita sa likuran ko. Umiling ako.

"Kuya Leo, mauna na po kayo, may dadaanan lang ako"

Hindi pa man sya nakakasagot ay mabilis na akong naglakad papunta sa kung saan nagtatakbuhan kanina ang mga nurse.

Lumiko ako at wala akong nakitang tao sa hallway.

I took a deep sigh. Bakit nga ba interesado akong malaman kung anong kaso ng pasyenteng pupuntahan nila?

Bumalik na ako para pumunta sa room kung nasaan si mama ng biglang

"Why haven't you told me before that she's dead?!!"

Napatigil ako sa paglalakad ng marinig kong may sumigaw sa isang kwarto sa dulo ng hallway.

May pagtatakang naglakad ako papuntang kwartong iyon.

He's voice seems familiar.

Dahan dahan akong lumapit sa maliit na square glass sa pinto para silipin kung anong nangyayari sa loob.

.

.

.

.

.

Tyron Stephenson.

Napahawak ako sa bibig ko ng bigla nyang itulak ang isang lalaking nurse na mag i-inject sana sa kanya dahilan para mawalan ito ng balanse at tumilapon sa sahig ang hawak nito.

Ibinaling ko ang tingin sa iba pang taong naroroon sa kwartong iyon, at mas lumakas ang kaba ko ng magtama ang mata namin ng isang lalaking nakatayo malapit sa bintana.

Ang seryoso ng mukha nya. 

Umiwas ako ng tingin at agad na umalis sa harap ng pintong iyon.

Mabilis akong naglakad para makaalis sa lugar na iyon.

Nang makaliko ako, nakayuko kong tinungo ang kwarto ni mama.

'Why haven't you told me before that she's dead?!!'

Naaalala na kaya nya?

Napailing ako sa naisip ko.

At yung lalaki, bakit ganun sya makatingin? kilala nya kaya ako?

Maraming tanong ang naglalaro sa isipan ko ng marating ko ang kwarto ni mama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Dark Nights"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon