CHAPTER 8

7 0 0
                                    

CHAPTER 8

Tyron’s POV

Mag-isa akong kumakain ng lunch sa cafeteria. Wala sina Xander at walang tumatabi sakin. Ewan, pero hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang pagiging ilang nila sa tuwing nasa paligid ako. Nakaupo ako sa pinakagilid kaya kitang kita ko ang mga nadaan dahil glass naman ang  cafeteria. Hindi ko pa nakakalahati ang kinakain ko ng bigla akong napatayo sa kinauupuan ko ng makita ko kung sino ang dumaan. 

That girl..

Lumabas ako at agad syang sinundan. Nagulat pa nga ang nagse-serve sa cafeteria dahil iniwan ko nalang  basta-basta ang kinakain ko. Dala ko ang bag ko sa kaliwang balikat at tahimik ko syang sinusundan. She’s wearing other school uniform, so that means hindi sya nag-aaral dito sa Ford. Patuloy lang sya paglalakad kaya ganun din ang ginawa ko at sa tuwing lilingon sya ay tatalikod ako. I don’t know what’s with me, pero gusto kong malaman kung saan sya pupunta dahil sigurado akong sya yung babae sa panaginip ko.

Alexa's POV

Napagdesisyunan kong kumain nalang sa labas dahil tiyak kong malalate ako kung uuwi pa ako sa bahay. Naglakad na ako palabas ng Ford. Natanaw ko ang isang fast food chain di kalayuan.

Habang naglalakad ako, ramdam kong may sumusunod sakin kaya lumingon ako. Maraming studyante. Siguro Gutom na nga ako, kung ano-ano na kasing nararamdaman ko.

Pagkapasok ko, nag-order agad ako ng lunch at naghanap ng mauupuan,  Iisang table nalang ang vacant kaya dun na ako umupo. Habang kumakain ako, bigla nalang may tumayo sa harapan ko kaya napatingala ako.

0_0

It’s him.

“Can I sit here?” Seryoso nyang sabi.

Napalingon ako sapaligid. Wala na nga palang ibang maupuan. Binalik ko ang tingin ko sa kanya at napatango nalang. Agad syang umupo at magkaharap na kaming kumakain.

It feels awkward. Hindi ito ang una naming pagkikita.  Mas lalo pa akong nailang dahil ramdam kong nakatitig sya sakin kaya binilisan ko ang pagkain ko at ng matapos ay agad akong tumayo pero hinawakan nya ang braso ko.

“Wait” Liningon ko sya. Agad syang napabitaw sa pagkakahawak sakin.

“Stay for a while” Seryoso parin ang mukha nya kaya napabalik ako sa pagkakaupo.

“What is it?” kinakabahan kong tanong sa kanya.

“Im sorry about last time. You know, the day before yesterday..  By the way, I’m Tyron Stephenson and you are?” seryoso parin ang mukha nya. He has this good looks. No wonder na nainlove din sa kanya si Nika.

'He's everything'

Naalala ko ang sagot ni Nika ng tinanong ko sya about this guy. Pero hindi ko pa sya kilala. I mean his attitude... Last time, the way he acted at the mall, hindi ko ma imagine na kaharap ko ang lalaking kumaladkad sa akin nang isang araw.

Bumalik ako sa aking huwisyo ng kinaway nya ang kamay nya malapit sa mukha ko.

"You are?" Naghihintay parin sya ng sagot mula sa akin.

“I-Im.. Alexa. Alexa Mervey” Kinakabahang tinanggap ko ang kamay nya.

Umayos sya ng upo at nag cross arms habang nakaharap parin  sakin.

“Have we meet like 5 months ago? I mean.. I think I know you”

“No. Nagkakamali ka. Hindi mo ako kilala. We don't know each other eather.  Sige, baka mahuli pa ko sa afternoon class ko” Sabi ko at tumango-tango sya kaya nagpaalam na ako. 

Patakbo akong lumabas ng kainang iyon at pumara ng taxi papuntang school ko. Sya yung sumusunod sakin kanina. Habang nassa taxi, hindi ko maiwasang hindi mapaisip.

Posible ngang may naaalala na sya...

Napailing ako sa naisip ko. Hindi. Wala syang naaalala, yun ang sabi sakin ng kaibigan ni Nika at isa pa, hindi ako bumalik sa paaralang iyon para ibalik pa ang dati. Matagal ng wala si Nika at kailangan kong tanggapin yun.  Hindi ko na rin dapat na guluhin pa si Tyron dahil alam kong wala syang maalala, kaya sobrang kaba at gulat ko narin siguro kanina ng magkaharap ulit kami kaya mas ginusto kong umalis agad.

Tumigil na ang sasakyan kaya bumaba agad ako at inalis ang mga gumugulo sa isip ko bago pumasok sa school.

"Dark Nights"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon