Kabanata 31

364 12 2
                                    

Zaid:

Where are you? I'll pick you up.

Napangiwi ako bago pumara ng taxi.

Me:

Di na, papasok na ako.

Pagkarating ko sa opisina agad akong dumiretso sa amin. I saw my office mates so I greeted them and they also greeted. Napansin kong medyo ilag parin sila sa akin. I hope they don't think the worst of me.

"Kape Zel?" Alok ni Trish na inilingan ko lang.

Zaid:

Just got here. You are in your department already?

Me:

Yup.

He's been texting me since last night. And I think it's the right time to tell him about Zed. Hahanap nalang ako ng timing mamayang lunch.  I hope I could do it now. I really want Zaid to know about his son. And Zed, he really wants to know his father too. I am hurting for my son.

Nakatutok ako sa phone ko kasi hinihintay ko ang reply ni Zaid. Nangunot ang noo ko dahil hanggang ngayon wala pa. Bigo ko nalang na binaba ang phone ko saka napabuntong hininga.

May naamoy akong isang napakapamilyar na pabango. Nanlaki ang mga mata ko bago napatingin sa gilid ko. Kinuha ni Zaid ang isang swivel chair sa kabilang cubicle na walang nakaupo saka nilapit 'yon sa akin saka doon siya umupo.

Napalayo ako ng kaunti dahil sa pagkataranta kaya napaigting ang panga niya. Tamad niyang nilapag ang isang cup ng starbucks sa table ko habang ang isa naman hawak hawak niya.

Binati siya ng iilan na nandito. Bigla silang natense at nag-umpisa kaagad sa pagtatarabaho.

"Hi" napangiwi ako sa pagbati niya.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko.

Mas lalong lalayo ang loob ng mga nandito sa akin. They really think that there is a special thing going between us. Damn! They know na si Angel ang girlfriend nito.

Nagkibit balikat siya. Kinuha niya ng nilapag niya sa table ko saka binigay 'yon sa akin. Napabuntong hininga nalang ako saka kinuha 'yon. Tiningnan niya ang table ko na puno ng mga bond paper. Medyo nahiya pa ako kasi magulo talaga siya.

He chuckled. "I must fire you Zel."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Wala akong time maglinis. Pinapahirapan mo ako."

He chuckled again ang sip on his coffee. "I already stopped it."

Mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin. "So inaamin mo na pinapahirapan mo ako?"

He shrugged his shoulders. "I have my reasons."

Ano naman kayang rason niya? Ang bait ko nga!

Lumapit siya sa computer ko at pinakialaman 'yon. Binasa niya ang kung anong ginagawa ko. I sip on my hot choco that he gave while watching him. Literal na binasa niya lahat.

"Sabihin mo na kung may mali." Pormal na sabi ko kaya nilingon niya ako ng bahagya.

"...Sir" dagdag ko kaya tumalim ang titig niya sa akin.

He shook his head and drink his coffee staightly. Nilagay niya sa table ko ang cup na walang laman, hinayaan ko nalang.

I want to laugh at myself. Bakit pakiramdam ko biglang bumalik sa dati ang lahat? Pakiramdam ko siya na ang Zaid na minahal ko. Siya na nga. I am comfortable with his presence again. I am too comfortable and it's scary.

"I hava a meeting today. I will be busy." I just nod because of what he said.

"I could pass everything, maybe tomorrow. Last na 'yan." Sabi ko na pinagkibit balikat niya lang.

A Place In His Arms (MASVEDO SERIES 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon