Kabanata 6

265 7 0
                                    

"Puyat ka?" Nagtatakang tanong ni Gian na katabi ko sa isang subject.

"Oo eh" natatawang sabi ko sabay hikab.

Natawa naman siya ng kaunti sabay abot sa akin ng candy na maanghang.

"Para medyo magising ka." Kinuha ko naman ang candy at saka ngumiti sa kaniya.

"Salamat" nahihiyang sabi ko nago kinain ang candy.

Pagkatapos ng klase medyo tuliro akong naglakad palabas.

"Zel!" Nagtataka akong napalingon sa tumawag at kita ko si Gian na tumatakbo pasunod sa akin kaya napahinto ako at hinintay siya.

"Gian"

"Zel, saan ka?" I smiled.

"Ahmm sa palengke, susunduin ko si Lola."

May plano rin kasi akong magtanong sa mga maliit na gocery store o kaya sa mga bakery kung pwede ba akong magtrabaho.

"Ahh" akward na sabi niya kaya bahagyang nangunot ang noo ko.

Aalis na sana ako kaso nahawakan niya ang bandang siko ko kaya natigilan ako at tiningnan 'yon. Kilala ko ma si Gian mula elementary kasi pareho ang school namin pero ngayon lang siya lumapit sa akin ng ganito. I mean we are civil but he's a bit touchy today.

Agad niyang inalis ang kamay niya sa siko ko ng makita ang tingin ko. Napahimas naman ako sa siko ko saka ngitian nalang siya.

"Bakit?" Mahinang tanong ko kaya bahagyang nanlaki ang mga mata niya at bahgyang napaatras.

"Ahmm Zel pwede bang makahingi ng number mo? Wala text text lang, wala ka naman kasing facebook." Awkward na sabi.

Natawa ako ng kaunti. "Wala akong phone."

Napaawang ang mga labi niya at parang natigilan kaya agad akong nagpaalam at iniwan na siya doon.

"Zel pinopormahan ka?" Sabi ng isang lalaki na hindi ko kilala.

Saglit ko siyang tiningnan para kilalanin ang mukha bago umiling saka tumuloy na sa paglalakad palabas ng campus.

Nang makarating ako sa pwesto mi Lola nag-aayos na siya ng mga paninda kaya wala na akong time para maghanap ng mapapasukan. Ipagpapabukas ko nalang.

In that day, hinintay ko si Lola na utusan akong maghatid ng sapin-sapin kina Lola Linda pero hindi. Wala rin siyang ginawang sapin-sapin kaya tahimik nalang ako na gumawa ng assignment.

Hindi ko mapigilang sumukyap sa kaniya minu-minuto baka utusan niya ako pero wala.

For three days I didn't deliver something so from school I would go home and just do my assignments. Hindi rin ako nakahanap ng trabaho kasi mahina daw ngayon ang mga negosyo kaya hindi sila nagpapapasok.

"La bakit hindi ka na gumagawa ng sapin-sapin?" Curious na tanong ko kay Lola habang gumagawa ng sangkatutak na projects para may pambaon ako.

Napabuntong hininga si Lola saka umupo sa sofa sa likuran ko.

"Wala na akong pampuhunan Zel, mahina talaga ang benta ngayon."

Malungkot nalang akong ngumiti kay Lola. I could see the tiredness in her face. Lola is already on her sixties yet she's still working so hard. Dapat sa edad niya nagpapahinga nalang siya.

"Try ko pong maghanap ng trabaho ulit bukas La." Sabi ko na tinanguan niya.

"Subukan mo kayang pumasok sa plantation ng mga Sullivan Zel? Three hundred daw ang isang araw nila doon. Saka pwede kapag weekend ka lang."

A Place In His Arms (MASVEDO SERIES 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon