S O L
I groan as streaks of light invade my eyes. Ibinuka ko na ang aking mga mata, at nakita ang kisame ng aking kwarto. I wince, nakakasilaw yung araw. I swear, left my curtains closed last night.
Standing up, sinalubong ako ng malamig na singaw ng hangin galing sa labas, kaagad akong lumingon at nakita ko'ng nakabukas ang aking bintana.
I see... Naiwan ko pala yung binatana ko, kaya't hinangin ang kurtina at nakapasok ang ilaw. Hehe, my bad..
I smile at dali dali ko naman itong isinara at ininit ang aking sarili by stretching myself. I yawn once more, by doing it. I look at my alarm, ang lamig naman, 7:09 palang ng umaga, ang lamig lamig. I looked outside my window at nakita ko'ng maganda ang araw. 'Di masyadong mainit dahil may sikat ng araw, at 'di rin mainit dahil sa malamig na simoy ng hangin.
Ngumiti ako ng maliit, mukhang maganda ang araw ko ah. It's only 11th of September, Saturday. 4 months nalang pala at New Year na. I grab my towel and slung it onto my shoulder, at pumasok na'ko sa aking banyo.
Pagkatapos ng ilang minuto, ako'y naka ligo na't lahat lahat. Kumuha ako ng t-shirt na pwede kong isuot kasama ang aking apron na brown. Barista nga pala ako for 4 months, sa "Ti Amò" café sa campus ng pinag-aaralan ko. I am an Elite from 'Kingston's School of Elites,' or KUP, short for 'Kingston University of the Philippines.'
An Elite is a rank (and the only rank) in KUP, Elites are the representative of the school of Kingston with their smart and hardworking attitude. Ang problema nga lang, hardworking lang ako, hindi matalino. Though, nakakasabay ako sa studies kasi nga masipag ako. Yabang yarn? Haha.
I can say na mahal ang tuition fee do'n sa KUP, luckily masaya si Mama at Papa sa aking grades noong high-school ko't nagtiyaga sila para makapasok ako sa KUP. Kahit gay ako (surprise, bítch), tanggap nila ako. I really am thankful for them, so so much. That's why nagtatrabaho ako sa 'Ti Amò' para makapag bawas bawas sila sa pag-tiyaga at magpahinga.
Pagkatapos kong i-tuck-in ang aking black and white striped shirt sa aking jeans, ako'y umupo sa harap ng aking salamin at kinuha ang white vans sa ilalim ng aking kama. Tinali ko ang mga sintas neto and stood up to see myself properly in front of the mirror. I smiled proudly of myself.
I outdid my self today...
"Sol Mendoza, if you don't get out of that bed right now. God forgive me for pulling my son's feet out of bed." Sabi ni Mama.
"Kanina pa'ko gising, Mama."
"Edi bumaba ka na't sabayan mo na kami ng Papa mo'ng kumain." She replied.
"Sige po, kunin ko lang bag ko at baba na rin ako."
"You better..." She said before leaving. I just chuckled, ang sassy kasi ni Mama.
"I will!" Kinuha ko na ang phone ko'ng naka-charge kagabi pa, at nilagay na ito sa'king bulsa. Kinuha ko yung apron kong kukay brown at bilisang tupiin ito't nilagay na sa aking bag. I zipped it close, before getting my airpods in my drawer at nilagay ito sa harapang bulsa ng aking bag.
I quickly made up my bed, and made sure to leave my window closed at tinignan kung may nakasaksak pa. I nod at myself at tuluyan na'kong bumaba para kumain. Nakita ko si Papa na nagbabasa ng diyaryo at umiinom ng kape, si Mama naman ay kumakain pa ng pandesal na may margarine.
Yuck... I thought.
Ewan ko ba, simula nung bata ako, pinapakain sa'kin ni Mama ay pandesal na may margarine, 'di ko kinakain, ibinibigay ko lang sa mga bata sa labas papuntang school. Luckily, Mom was on her phone at tumingin ako kay Papa. Nagkatinginan kami saglit at pinakita niya ang tinatago-tago niyang Nutella spread gamit ang kaniyang diyaryo.
He winked at me at inabot ang kutsara at kumuha ng isang pandesal. Ibinaba ko muna ang aking bag sa couch bago kunin ang chocolate filled pandesal na ginawa niya para sa'kin.
"Thank you, love you." Sabi ko kay Pa.
"Bilisan mo nalang diyan, makita pa ng Mama mo kumakain ka ng tsokolate." Tumawa nalang ako ng mahina. He cleared his throat before talking.
"Gusto mo ba'ng isundo na kita sa cafè, nak?" Tumingin si Mama sa'kin at nagsalita.
"Magpasundo ka na anak, para 'di kana mapagod pagdating mo sa cafè dahil sa pag-bike mo." She said.
"Naku, 'wag na po. Ustong usto ko po'ng magbike tuwing umaga para may peace of mind ako bago pumasok. Plus, exercise is great for your body." I say before winking.
"But still," ani ni Papa. "Let me take you there, may gas panaman ako diyan, kaya pwede kitang i-hatid."
"Papa, okay na'ko, promise. 'Di ba, Ma?" Tumango naman ako kay Mama, at sa tingin ko nabigla siya sa pagbanggit ko sa kaniya.
"O-Oo na oo na, ikaw nalang mag-isa, basta't mag-ingat ka sa kalsada ha?" Mama.
"Palagi naman po. O sha sha, mauna na po'ko. Ma, Pa, I love you." Tumayo na'ko sa lamesa at kinuha ang aking bag sa couch at lumabas na.
"I love you." Sabay sabi nila sa'kin.
"Mag-ingat ka, ha?" Ani ni Papa.
Kinuha ko ang aking airpods at i-cinonnect na ito sa aking cellphone. "Okay po!" I say before putting on my airpods, and checking my volume if it's low, para pag may bumusina sa'kin, maririnig ko kaagad.
Sinara ko ang aking bag at kinuha na ang bike at inilagay sa labas ng gate, isinara ko naman na ito. Napaisip naman ako sa aking sarili.
This is going to be a great day, I can feel it.
I play "Araw-Araw" by Ben&Ben at umangkas na sa aking bike. I put on my helmet at tinignan ang aming bahay. Bahay na aking pinaglakihan, bahay na aking minahal. Ngunit, mas pipiliin ko paring lumabas at humanda sa mga sorpresang nakatakda sa aking buhay.
Hoping one day, I can find my Mahiwaga.
I smile at the thought of it, at tuluyang tumingin sa aking harapan. Dali dali na'kong umangkas sa aking bike and started a new journey, a new chapter in my life with music in my ears.
YOU ARE READING
Saving Sol (BXB)
Teen FictionKingston's School of Elites #1 "I never knew a cup of coffee and a song can make you fall in love." ~°~ A story of a young unbothered barista spills coffee on his school's heartthrob. They both feel the sparks from the very first time their eyes l...