Sariah The Prankster

15 2 0
                                    

Naglalakad na ako papunta sa School. Napapasimangot nalang ako habang naglalakad dahil puro magjowa nadadaanan ko.

Hindi ako bitter sadyang wala lang akong jowa.

Napangisi ako ng may naisapan akong magandang ideya. Ang talino mo talaga Sariah!

Naghanap muna ako ng mabibiktima. May nakita akong magjowa na nagsusubuan ng ice cream.

Napangisi ako lalo. Tignan natin kung sweet parin kayo pagtapos ng gagawin ko BWAHAHA.

Nilagay ko yung bag ko sa tyan ko at lumapit sa kanila. Nang makalapit sa kanila ay pasimple kong kinuha ang eye drops sa bulsa ko at nilagyan ang mata ko.

Di pa nila ako nakikita kasi nakatalikod sila sakin.

"B-Babe? Sino yang kasama mo? M-May kabit ka?" Napatingin naman sila sakin habang ako naman ay umastang naiiyak. Buti na lang talaga may eye drops ako.

"M-Miss? Anong sinasabi mo dyan? Sino ka ba?" Nanlalaking matang sabi ng lalaki.

"M-Miss? Talaga lang? Pagkatapos ng nangyari satin yan ang itatawag mo sakin? Kakalimutan mo lang ako pagtapos non?" Todo iyak pa ko habang sinasabi yan. Galing ko talaga umakting.

"L-Love? Anong sinasabi ng babaeng yan?" Naguguluhang sambit naman ng babae.

"So kabit mo talaga yan. Akala ko ba ako lang? Tignan mo nga tong tyan ko! Yan ang bunga ng nangyari satin! Tapos kakalimutan mo lang ako ng parang walang nangyari?" Umiyak pa ko ng todo pero this time totoong luha na. OMG pwede na ko mag artista!

"Miss wala akong alam sa sinasabi mo!" Naiiritang sabi nung lalaki.

"Pano na kami ng anak mo? Etong nasa sinapupunan ko ay bunga ng pagmamahalan nating dalawa! Pano mo nasasabi yan? Panagutan mo kami ng anak mo!" Tinuto-turo ko pa ang tyan kong may umbok dahil sa bag.

"Shut up!" Sigaw nung lalaki.

"Eh gag* ka pala eh! Pagkatapos mo kong gamitin iiwan mo lang ako? Magsama kayo ng babaeng yan! Kakarmahin ka ding put* ka!" Nagwalk out na ko. Pagkalayo ko sa kanila ay halos mamatay na ko sa kakatawa.

Nakita ko pang sinampal nung babae yung jowa nya at nagwalk out din. Habang yung lalaki naman ay tulala lang. Bigla tuloy akong naawa pero mas lamang yung saya ko.

Masaya na lang akong naglakad papunta sa school.

Pagdating ko sa classroom ay nakita kong nagkukumpulan sila.

"Nandyan na si Ma'am!" Sigaw ko kaya halos mga magsipatayan na sila kakatulak sa isa't isa para makaupo.

Tatawa-tawa naman akong pumasok sa room.

"Joke lang! HAHA. Ano bang pinagkakaguluhan nyo dyan?"

"Siraulo ka talaga Sariah!" Sigaw ng isa kong kaklase.

"May bago daw tayong classmate!" Sigaw naman ng isa kong kaklase. Para namang lumaki ang tenga ko dahil sa sinabi nya.

"Guys!" Sigaw ko kaya napatingin sakin lahat. Nanlaki mga mata nila dahil mukang alam na nila ang sasabihin ko dahil sa itsura ng muka ko.

"Oo tama iniisip nyo. Ang gagawin nyo lang ay huwag akong pansinin na parang di nyo ko nakikita. In short multo ako!" Nakangising sabi ko. Nagsitanguan naman sila.

Sakto namang ang katabi kong upuan lang ang bakante.

Umupo nalang ako at nag-antay sa bago naming kaklase.

Maya-maya lang ay narinig kong dumating na daw sya. Di ko pa nakikita ang itsura nya dahil nakayuko lang ako.

Naramdaman kong pumunta na sya sa harapan ko.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon