Fan Boy

14 2 0
                                    

"Hoy poging Saix gumising kana! 12 pm na! Kailangan mo pang magstream ng solo ng asawa mo! Nagaantay si lisa sayo!"

Naalimpungatan ako sa alarm clock ko. Boses ko ang ginamit ko para naman maganda gising ko.

Mabilis akong napabangon ng mapagtantong 12 pm na. Out na ng mv ni Lisa!

Dali dali kong kinuha phone ko at binuksan ang youtube. Mabilis kong sinearch ang Blackpink at halos maiyak ako ng makitang na-upload na ang mv ni Lisa.

Pipindutin ko na sana ng biglang may nagchat sakin. Napakunoot noo ako ng makitang si mama yon.

Ano ba tong si mama istorbo!

Nandito lang naman sya sa bahay kaya bakit kailangan pa akong ichat? Binuksan ko na lang at binasa ang chat nya.

Mama: H0y m@ga1ing n l4l@ke. Ab4 an0 pa0nline 0nline k nlang dy4n? M4glinis kna dto at m4m4s@d@ kn4. Tnghali n an0 buh4y hari k4 dyn?

Feeling ko huminto ang paggana ng utak ko at parang magdudugo na ito pati na rin ang ilong ko sa chat ni mama.

Wtf! Alien words ba yan? Alam kong bobo ako pero mas nagiging bobo ako tuwing nagchachat sakin si mama.

Me: Ma naman! Saglit lang mahalaga lang tong ginagawa ko. At saka next time magpaturo ka na magtype ah? Hehe.

Inalis ko na lang yung chat nya at pinindot na ang mv ni lisa. Maiiyak na sana ako sa saya kahit intro palang kaso hindi natuloy dahil biglang huminto at may 'No connection' na nakalagay.

Napaiyak nalang tuloy ako sa sobrang inis at lungkot.

"Ma! Bakit mo pinatay yung Wifi? Kasi naman Ma! Yun na eh kaso pinatay mo!" Sigaw ko. Nagdabog pa ako at pinagbabato ang unan sa lapag. Balak ko pa sanang ibato cp ko kaso baka pagsisihan ko sa huli kaya wag nalang.

"Bumaba ka na ditong bata ka! Aba't alam mo ba kung anong oras na? Hapon na! Maglinis ka na dito at mamasada! Palamunin ka na nga pabigat ka pa! Baka gusto mong di makakain dahil sa katamadan mo! Pandemic ngayon kaya magtrabaho ka!" Sigaw ni mama.

Padabog akong lumabas ng kwarto ko at padabog na kinuha ang walis at dustpan. Padabog akong nagwawalis kaya ang mga nawawalis kong kalat ay lumilipad din. Nagulat ako ng may lumipad na tsinelas sa muka ko.

"Aray!" Daing ko.

"Wag kang magdabog dyan at baka palayasin kita at di pag aralin dyan! Tignan mo nga yang pagwawalis mo! Ano ka tanga? Hala sige pagpatuloy mo yan at may paglalagyan ka saking hayop ka!" Sigaw ni mama habang nagkakape.

Napasimangot nalang ako habang nagwawalis. Nagulat nalang ako ng may lumipad na naman sa akin na kutsara at sa muka ulit ako tinamaan.

"Aray! Ma naman! Kanina ka pa namamato ah at bakit sa muka ko pa talaga!?"

"Huwag kang sumima-simangot dyan! Ayos ayusin mo yang muka mo at talagang may paglalagyan ka sakin!" Sigaw ulit ni mama sakin at saka humigop ng kape.

Napakamot nalang ako sa ulo ko at ngumiti ng pilit na pagkalaki laki at saka pinagpatuloy ang pagwawalis. Nagulat na naman ako ng may lumipad na naman sakin na remote at sa pangatlong pagkakataon ay sa muka ko nanaman ito tumama. Inis akong tumingin kay mama na kalmado akong tinaasan ng kilay habang prenteng nakaupo sa sofa.

"Ano na naman ma!?" Inis kong tanong.

"Wala lang, napapangitan lang ako sa muka mo. Tumalikod ka sakin at naaalibadbadan ako sa pagmumuka mo! Jusko panginoon! Bakit ba ako biniyayaan ng ubod na katamadan at kapangitan na anak!?"

Napakurap nalang ako at tumalikod na. Kahit kailan talaga ansakit magsalita ni mama. Ang pogi pogi ko tapos sasabihan nya lang akong pangit?

Binilisan ko nalang ang paglilinis at baka may lumipad na naman sa aking kung anong bagay.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon