"Hayss! nasaan na ba tong susi ko?!" sa sobrang tagal na paghahanap ni Haizea sa susi ng kanyang apartment na tinutuluyan ay hindi nya na napigilan pang hindi mainis. kanina nya pa kasi ito hinahagilap sa kanyang bitbit na bag at hanggang ngayon ay hindi nya pa rin ito makita kita.
Habang abala sya sa paghahanap ng kaniyang susi ay bigla na lamang syang natigil at sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang syang pinagsakluban ng matinding kaba.
Mabilis siyang napatingin sa kaniyang gilid kung saan narinig nya ang kalabog na sa kanyang tingin ay nanggagaling mismo sa loob ng pinto na katabi ng kaniyang apartment.
"Hello, okay lang ba kayo riyan?" walang sumagot sa kaniyang tanong kaya nagsimula siyang lumapit sa pinto. napakunot ang kaniyang noo nang makitang nakaawang ng kunti ang pinto nito.
"Jusko, papasok ba ako? baka mamaya ay mapahamak lamang ako, pero paano kung kailangan ng tulong ng nasa loob? aissh, hindi ko na alam" nagulo na lamang niya ang kaniyang buhok dahil nagdadalawang isip siya kung papasok ba siya sa loob ng apartment o hindi.
Sa huli, napagdesisyunan na lamang niyang pumasok sa loob dahil na rin sa kaniyang kuryusidad.
Kahit kinakabahan man, dahan dahan siyang pumasok sa loob ng pinto habang hindi gumagawa ng ingay. nang makapasok sa loob ay bumungad sa kaniya ang napakatahimik at madilim na sala, tuluyan siyang nagtaka dahil ang mga gamit na nasa sala ay sama samang nasa sahig at ang iba pa rito ay sira sira na, tila hinagis ng kung sino.
Bumalik sa sistema niya ang kaba ngunit hindi nito natapos ang kaniyang kuryusidad, lumakad pa siya hanggang makarating sa tapat ng isang nakaawang na pinto. nagdadalawang isip man ay unti unti pa rin siyang sumilip mula sa nakaawang na pinto.
Nang tuluyan na siyang nakasilip at makita nang maayos ang nasa loob ay napasinghap siya. tila hindi siya makapaniwala sa nakikita ng kaniyang dalawang mata.
Nakita lamang ng kaniyang dalawang mata ang kamatayan ng kaniyang kapit bahay sa kamay ng lalaking balot na balot ang kasuotan. nakita mismo ng kaniyang mata kung paano magsitalsikan ang dugo nito mula sa leeg ng babae noong ito ay pinugutan ng ulo. mas lalo siyang napasinghap nang makitang pinaghahati nito ang katawan ng babae at isa isang nilagay sa loob ng isang mineral water container.
Dahil sa nasaksihang karumal dumal na pangyayari ay dali dali siyang napatakbo, ngunit dahil sa pagmamadali ay nasagi niya ang vase na naging dahilan upang malaman ng killer na may nakakita sa ginawa niyang pagpatay.
Napadasal na lamang si Haizea dahil sa bilis ng pangyayari, nakita na lamang niya ang killer na nasa kaniyang likuran at hinahabol siya.
Dali dali niyang kinuha ang kaniyang cellphone habang patuloy na tumatakbo at tinawagan ang numero ng pulis.
"H-Hello! tulungan ninyo ako! hinahabol ako ng killer dahil nakita ko siyang pinapatay ang kapit bahay ko!" umiiyak niyang ani sa kabilang linya.
"Teka, ikaw na naman miss? hindi ba't sinabi kong huwag ka na muling tatawag pa, palagi mo na lamang iniistorbo at sinasayang ang oras naming mga pulis. sinabihan ka na namin na magpakonsulta sa isang psychiatrist ngunit hindi mo naman ginagawa" nawalan ng pag asa si Haizea dahil sa tinuran ng pulis.
" Hindi nga ako baliw! pakiusap tulungan nyo na ako" nagmamakaawang pakiusap dito ni haizea ngunit binabaan lamang siya nito. iniisip ng mga pulis na isa itong baliw dahil sa tuwing tumatawag siya ng pulis at pinupuntahan ang lugar na sinasabi ni Haizea kung saan nya nasasaksihan ang mga krimen ay wala silang naaabutan.
Walang ibang nagawa si Haizea kundi tumakbo nalang upang iligtas ang buhay niya sa panganib, gusto nya mang bulyawan ang pulis ngunit hindi ito ang tamang oras para isipin ang galit niya sa mga ito.
Patuloy na tumatakbo si Haizea at patuloy rin siyang hinahabol ng killer. tumagal sila ng ganon sa loob ng ilang minuto at natigil lamang ito nang biglang tumigil si Haizea sa pagtakbo at biglang tumawa nang napakalakas na animo'y parang baliw na ikinagulat naman ng killer.
"Anong nakakatawa?" litong litong tanong ng killer habang bakas pa rin dito ang pagkagulat.
"Nakakatawa lang na gusto mong pagtangkaang patayin ang nag uutos sayong pumatay" mapanlarong sabi ni Haizea habang iniikot ikot ng daliri niya ang kaniyang buhok.
"Nag uutos? anong pinagsasabi mo?"
"Mahina ba ang kokote mo? ako ang may pasimuno ng lahat ng ito"
"P-Paano? hindi ba't tumawag ka ng pulis kanina?!" hindi na mailarawan ang kaniyang muka dala ng kalituhan.
"Ginawa ko yon upang isipin nilang wala akong kinalaman sa mga ito. madaling utuin ang mga pulis dito sa atin, makita lamang nila na muka kang mahina at umaastang napra-praning, hindi ka nila pagsususpetyahan at ituturing ka lamang na isang baliw. hindi ka ba nagtataka kung bakit ni isang ebidensya sa mga pinag gagagawa mo ay wala silang nakikita? dahil nililinis ko ang ginagawa mong pagpatay, kaya kahit bangkay lamang ay wala silang nakikita. wala silang kaalam alam na patay na ang mga ito, ang alam lamang nila ay ang patuloy na pagkawala ng mga tao sa bayang to, hindi nila ito sinasabi sa mga mamamayan dahil ayaw nilang magkagulo ang mga ito at ayaw rin nilang makatakas ang gumagawa ng mga to sa oras na matunugan niya na pinaghahanap na siya ng mga pulis" napasandal na lamang siya sa poste pagkatapos niyang sabihin ito sa killer na ngayon ay gulat na gulat at hindi makapaniwala.
"Bakit mo ito ginagawa?" puno ng kalituhang tanong ng killer.
"Simple lang, galit ako sa mga kapit bahay ko" ngumiti ng pagkatamis tamis si Haizea.
"Ngayong tapos na ang trabaho mo, ikaw naman ang tatapusin ko dahil wala ka nang pakinabang sa akin" pagkatapos niyang sabihin yon ay bigla siyang tumawa ng napakalakas na kinatakot ng killer, dahil sa sinabi ni Haizea ay tumakbo ito papunta sa kaniya upang unahan ito ngunit huli na ang lahat, naunahan siya ni Haizea nang ito ay kaniyang barilin sa ulo.
"Tsk, ako pa ang uunahan mo eh ako ang may pakana nito" nailing na sabi ni Haizea.
"Paalam, magkita na lamang tayo sa impyerno" lumakad siya sa madilim na eskinita hanggang sa hindi na siya maaninag pa.
•••