Matapos ang kwentuhan namin ay nag pasya na silang umuwi dahil alas dos na pasado at ganun na lang din ang saya ko .. Wala man akong jowa binigyan naman ako ng BOY BESTFRIEND..
Kinabukasan
UMUWI ako ng bahay at laking gulat ko na kang na nandun si Mike , Kayla , Mama at Papa.. Si Mama at Papa tumingin sa'kin pero siguro alam na nila , si kuya pa eh madaldal yan,kaya naman nag kunware akong masaya .
"Makatitig kayo ah , gandang-ganda ba kayo sakin?" pag-bibiro ko
Nahulaan agad yun ni kuya , kaya naman sinabayan nya ako "Tsk. ASA umakyat kana sa Taas at mukha kang sabog" pambabara naman Neto
Tumango ako at nag-paalam sa mga Magulang ko ,at kay Mike at Kayla pero nasa tatlong bahagi palang ako ng hagdan ay sumigaw ako "Ma , Pa si Kuya Jowa nya si Janiah 5 months na sila" sabay takbo ako
Narinig kung sumigaw si kuya "Aleckshiaaaaaa!!!"
Naka-pasok na ako sa Kwarto ko ,at mabilis na lock yun at dumiretso ako sa banyo, pero pag-pasok ko umiyak AKO traydor na luha to pumapatak na naman.
Tumingin ako sa salamin sa banyo ko at kinausap ko sarili ko "okay kana diba? Ayos kana diba? Nakaka-tawa ka na nga kagabi eh ,tapos ayan ka na naman Aleck nakita mo lang sya umiiyak ka na naman , Be brave girl okay?".
Bumaba ako at dumiretso sa kusina at naabutan ko sila dun na kumakain pero yung atmosphere nila mabigat dahil kahit nasa malayo ramdam ko.
Umupo ako at katabi ko si Kuya at katapat namin si Mike at Kayla . Tahimik , Nakakabingi ang tahimik na dumadaloy samin noon naman Hindi pero ngayon para kang nasa Alaska dahil sa sobrang lamig ng titig ni Papa.
Tumikhim ako , at nag silingunan na sila " Papa , dun pala ulit ako tutulog sa bahay ni Janiah " saad ko , at tumango lang si Papa
"Pa" pag-tawag ni Kuya , lumingon si Papa at nag hihintay ng tanong ni kuya "Pwede ako din?" saad nya sabay ngisi
Dali-dali ko syang binantukan "Hindi pwede"
"Ma,Pa tamo si Aleck oh , binantukan ako wala ng galang sa'kin " pag-susumbong ni Kuya
"Tama na ang harutan , kumain na lang kayo" walang ka emosyon na sabi ni Mama
Natapos kami kumain ng Hindi umiimik si Mike at Kayla , pati nga sila Mama at Papa lumabas eh kaya naiwan tuloy kami dito ni kuya sa Salà.
Tumayo na ako at pupunta na sana sa Kwarto ko ng marinig kung tinawag ako ni Kayla .
"Aleckshia" pag-tawag nito, lumingon ako
"Bakit?" saad ko , habang nakangiti yung plastic wews
"Sorry" sinserong sabi nya
"Ha?" saad ko ,para kaseng nabingi ako
"I said sorry , sorry kase inagaw ko sayo si Mike , sorry kase ako yung dahilan kung bakit ka nasasaktan , di ko naman sinasadya promise , and I thought hindi s'ya yung manliligaw mo , akala ko kaibigan mo lang s'ya " paliwanag nya, lumapit ako sa kanya at ngumiti
"You don't need to say sorry Kayla , Mahal mo s'ya at Mahal ka din nya , sabihin na natin na Mahal ko sya at Nasaktan ako pero wala tayong magagawa eh tadhana ang mag sasabi sa'tin kung sino talaga ang para sa atin" naluluhang sabi ko
"Forgive me Aleck , sorry talaga" hikbing sabi ni Kayla
"I'll forgive you " sabi ko kay Kayla , at tumingin ako kay Mike " Hoy Mike , alagaan mo tong pinsan ko ha Spoiled brat yan pero mapagmahal yan , at kapag sinaktan mo yan , mawawalan ka ng future babe mo " saad ko at ngumiti sa kanila.
Lumabas na ako ng bahay pag-katapos ng pag-uusap namin nila Kayla at nakita ko na lang na nandon sila Mama sa Garden , lumapit ako sa kanila para mag-paalam ng niyakap ako ni Mama
"Bunso , okay ka lang?" tanong ni Mama, pero yun pa lang tumulo na luha ko
"Shh, tahan na " si Mama ,tumingin ako kay Papa at lumapit si Papa sa'kin
"Tahan na Aleckshia , di bagay sayo umiyak " si Papa
"Lintek sabi ko di na ako iiyak eh " saad ko ,sabay punas ng luha ko
"Shhh , Hayaan mo na lang Okay? " si Mama
"Mama , Papa na accept ko naman po eh , di talaga s'ya para sa'kin " saad ko ,at binigyan sila ng isang magandang ngiti
Niyakap ako ni Mama at Papa at sakto naman nun pumasok si Janiah at Warren , may lakad kase kami ngayong mag-babarkada napag-usapan kagabi.
"Ang sweet " si Janiah "Hi Tita , Hi Tito "
"Hija , kelan kayo mag papakasal ng Panganay ko ?" panunukso ni Papa , biglang namula yung pisngi ni Janiah
"Luhh , ihh " nahihiya ng sabi ni Janiah
"Ayy Ma , Pa si Warren po , Boy Best friend ko " pakilala ko kay Warren
Tumingin si Mama at Papa kay Warren . "Boy Best Friend " tango-tangong sabi ni Papa "Hijo kung liligawan mo ang Bunso ko siguraduhin mo lang ha , ayoko na nakikita tong umiiyak" dagdag pa nito.
"Pa , Best Friend lang ! , Hindi manliligaw " pag-tatama ko
"Oo nga naman , Best Friend lang dun din punta nyan " si Mama
"Tito , Tita wag po kayong mag-alala aalagaan ko po si Aleck , baka pag nagalit to karatehin ako " si Warren
Siniko ko si Warren at kunware ng umaray at doon tumawa kami , at nagpa-alam ng Umalis .
Minsan sa pagmamahal hindi mo talaga inaasahan na ganon talaga eh , kung baga Buy one take one.. Ganon din sa pagmamahal BUY ONE TAKE ONE .. MAGMAMAHAL KA AT MASASAKTAN KA ..
Sa bilyong tao sa mundo minsan Hindi mo talaga maiisip kung sino ang naka-tadhana sayo , yung Akala mo na "SYA " pero Hindi pala.. Yung Akala mo na Sya yung "Binigay"ni Kupido na para sayo na maka kasama mo ,sya lang pala ang mag-tuturo sayo kung ano paano masakatan.
Minsan akala mo nga forever na , pero Hindi pala ,pero siguro nga yun ang ginagawa na paraan para mamulat ka sa mundo .
Sa pagmamahal minsan nagiging TANGA , DESPERADO/DESPERADA ,MARUPOK , BULAG , MANHID tayo pero kung iisipin mo , parte lang yan ng Laro na kung saan ginagawa ni tadhana. Kaya nga minsan may mga taong nababaliw dito pero diba dapat Hindi ganon? kase sa BILYON NG TAO ISA LANG NAMANG ANG DUMATING SAYO PERO PARANG WALA KANA SA SARILI MO? PANO NAMAN ANG MGA TAONG NAG MAMAHAL SAYO?
Minsan isipin din natin yung SAYA na naranasan natin at Hindi yung lungkot na dumating at wag din tayong mag padala sa LUNGKOT dahil baka Hindi natin namamalayan na nalulugmok kana pala dito .
Tingnan nyu di man ako Binigyan ng pagkakataon na Mahalin ang taong Mahal ko , binigyan naman ako ng bagong kaibigan na nandyan sa Tabi ko .
Accept the fact , forgive , and adopt the future and leave the past because
Tomorrow will come with no lies attached.~Aleck
~THE END~
YOU ARE READING
Rom-Com Series #1 : PAUBAYA (COMPLETE)
Fiksi PenggemarAleckshia Mae Ferrer also known as Aleck she is simple girl with a crazy mind pero mabait at mapagbigay .Nakilala nya si Mickey dahil sa organization nila sa karate and then they fall to each other . Sa totoo magiging sila ba talaga sila o hanggang...
