The Reality

7 0 0
                                    

I proofread my story and publish it.

Later on, may mga nagread at nagvote na sa story ko.

Masaya kong binasa ang comment ng mga readers ko such as bitin daw at mag update pa raw ako.

Nagcomment back nalang ako sa kanila na mag uupdate ako as soon as it maybe..

Naglog out na ko sa account ko , pinatay ko ang laptop ko at isinilid sa mga nakapack ko na gamit.

Mga tatlong malalaking bag ang dala ko dahil dalwang buwan kaming magbabakasyon kina lola sa probinsya.

Bumaba na ako dahil ako nalang ang iniintay nina mama para bumaba at sumakay na sa kotse.

Excited ang pamilya ko dahil after 3 years ay magbabakasyon ulit kami.

Ngunit ako ay hindi ko malaman ang nararamdaman ko.

Excitement, kaba at kalungkutan

At habang nasa byahe papunta dun ay magpapakilala muna ako...

Ako si Lessy Monreal, anak ni Lerman Monreal at Sesilia Monreal.

May kapatid akong tatlong taong gulang, si Lester Monreal.

Kung hindi dumating ang kapatid ko, baka watak na ang pamilya ko kaya mahal na mahal ko yan. Kahit makulit.

At siya rin ang isa sa inspirasyon ko para maging matapang at hindi na gaya ng dati na padalos dalos.

Ilang oras ang byahe pero sulit yun nung marating namin ang bahay ni lola Wendy.

Maraming puno sa paligid ng bahay na ito at mahangin dito hind gaya sa syudad.

Malalayo ang pagitan ng mga bahay at maraming batang naglalaro sa damuhan.

Tuwang tuwa ang kapatid ko sa mga nakita niyang bata na kaedaran niya na naglalaro.

Pumasok na kami sa loob ng bahay at sinalubong kami ni Lola Soledad, mag-isa na siya sa bahay dahil namatay si Lolo Conrad tatlong taon ng nakakaraan.

Pinilit siyang isama nina Papa para tumira samin sa siyudad ngunit tumanggi siya dahil nandito raw ang alaala ng kanyang asawa.

Natouched ako sa pagmamahalan nila ni Lolo, kaya sana ganan din ang mangyaring lovestory sakin sa pagtanda ko.

Matapos ang maikling pagkakamustahan naming pamilya ay pumunta na kami sa kwarto para makapag ayos at makapagpahinga na rin.

Pagpasok na pagpasok ko sa kwarto na naging kwarto ko rin noon ay nilibot ko ang paningin at mukhang wala pa rin itong pinagbago mula ng matulog ako dati dito three years ago.

Nag imis nako ng gamit at pagtapos nun ay humiga ako sa kama dahil nakaramdam ako ng pagod sa pagbyahe namin,unti unti ng pumipikit ang mata ko hanggang sa dinala na ako nito sa malalim na tulog.

Nagising ako sa pagkakatulog ko ng may kinatok ako ni Lola at sinabing kakaen na ng dinner.

Nag-ayos na ko ng aking sarili at pababa na ko ng mapatingin ako sa bintana.

Gabi na at dahil malalayo ang pagitan ng bahay ay medyo madilim ang ibang parte ng paligid pero napatingin ako sa taong nakatayo sa puno sa labas ng bakuran ng bahay at parang nakatingin ito sa bahay... at nakatingala ito sa kwarto ko at mukhang nakita niya ko kaya naman dali dali akong bumaba at lumabas kahit tinatawag ako ni Mama.

Lumabas ako ng bakuran tinungo ang puno kung san siya nakapwesto kanina.

Pero wala na kong nadatnan, dahil nakaalis na siya.

Malungkot akong bumalik sa loob ng bahay at kumaen ng tahimik.

Hindi nalang nila ako pinansin.

Sana makita ko ulit siya. Marami kasi akong itatanong at ikwekwento sakanya.

At gusto ko siyang pasalamatan.

Nagtataka ba kayo kung...

Sino siya?

Siya ang nagturo saking wag tumakas sa problema.

Siya ang inspirasyon ko para maging matapang.

Siya si Brave sa storyang sinusulat ko.

Ang taong gusto kong makita sa loob ng tatlong taon.

Sisiguraduhin kong makikita ko siya ulit...

Breeze Yosef Matapang...

-----------------------------------

The Reckless and The BraveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon