Dahil two months lang kami mamamalagi dito sa Suburbia, napagpasyahan naming pamilya na ipasyal si Lester sa magagandang lugar dito na napatayo sa loob ng tatlong taon.
Pati ako ay excited na dahil ngayon ko lang makikita ang Suburbia sa bago niyang anyo.
Pumunta kami sa park para magpicnic at makapaglaro rin si Lester.
Hindi ko lubos akalain na dating tambakan ng mga nabubulok na kotse at gamit itong park na ito.
Napakaganda na ng lugar ngayon at may mga pamilya rin na nagpipicnic at masaya sila. May mga couple rin na naglalakad.
Namumukhaan ko ang iba sa kanila, sila ang mga naimpluwensyahan at nakasama ko sa grupo.Nagbabago nga talaga ang tao at panahon.
Sa pagtingin ko sa paligid ay may nakita akong pamilyar sa akin, hindi kaya....
Nagpaalam ako kina Mama na maglalakad lakad muna ako at pumayag sila. Mabilis akong sumunod at nakafocus lang ako sa kanya na naglalakad ng mabilis. Tumakbo na ko para maabutan ko siya, nang makalapit ako sa kanya, gulat na gulat siya at akmang aalis na ng hinawakan ko ang palapulsuhan niya.
"Percy…" Hinding hindi ko malilimutan ang kulay hazel brown niyang mata, ang kulot nyang buhok na walang pinagbago ang gupit at ang matambok niyang pisngi na nagpapabata pa lalo sa mukha niya.
Huli kaming magkita ay nung umalis na ko at maayos na ang Suburbia.
"Ate Lessy?!" Ang putla niyang mukha ay napalitan ng sigla ng marealize nya kung sino ako....Tumango at ngumiti ako sa kanya bilang tugon. "WAAAAAHH! ATE!!!!!"
nagtatalon siya at yumakap ng mahigpit sakin, napatawa nalang ako habang inaalo ko siya sa likod. Isip bata pa rin pala siya.
Kumalas siya sa pagkakayakap sakin at inaya niya ako sa bahay nila, hindi na ko nakaalma dahil hinila niya na ko kaya nagtext nalang ako kay Mama na nasa bahay lang ako ng kaibigan ko at malapit lang ang bahay ni Lola Soledad dito kina Percy, pumayag siya at mag ingat nalang daw ako. Nang makarating kami sa bahay nila ay pinakilala niya ako sa mga magulang niya at umakyat na kami sa kwarto. Nagkwentuhan kami tungkol sa buhay ko sa syudad ng tatlong taon. Sa totoo lang ay mas interesado ako sa nangyari dito sa loob ng tatlong taon. Kaya naman ng matapos na akong magkwento ay ako naman ang nagtanong sa kanya."Percy , kamusta kayo dito?" Pumikit siya at parang inaalala ang lahat at nagmulat ulit saka siya nagkwento "Matapos namin mawakasan ang gulo noon ay naisip na nila na mukhang tama si Kuya Breeze na huwag namin ugaliin ang masama kaya nagtulong tulong kami na buoin muli ang Suburbia at gawin itong payapang lugar. Mahirap sa una, pero ang mga nagkakamali ay pinapatawad at mas lalo naging masaya ang mamamayan ng Suburbia, ang tatay ni Kuya Breeze ang naging Mayor at mas lalong napaunlad ang bayan." Masaya niya itong binabalita sakin, naging masaya rin ako para sa kanila, sana lang ay naging bahagi ako ng mga pangyayaring yun. Biglang lumungkot ang mukha niya saka nagpatuloy. "Maayos ang takbo nang isang taon pero, saktong birthday ni Kuya Breeze... Nasa biyahe sila pauwi dito kasi galing sila sa kabilang bayan para magcelebrate silang pamilya..Nang.. sa may kagubatan yun at may nagtambang sa kanilang sasakyan at binaril si Mayor Bryan.." Napahawak ako sa bibig ko at tumulo ang luha ko.. humahagulgol na rin si Percy dahil naging malapit kami kay Tito Bryan. Maraming tanong ang bumabagabag sa isip ko.Katahimikan ang namayani sa amin ng sandaling yun nang siya ang bumasag sa katahimikang yon. "Kinabukasan na namin non nalaman yun, maraming nalungkot at nag alala para kay Kuya Breeze. Namatay si Mayor Bryan ng hindi natutukoy kung sino ang bumaril at nangharang sa kanila..." Sana nandito ako nung time na yun para damayan si Breeze. Pero salamat dahil nakaligtas siya."Paano siya nakaligtas??" Tanong ko kay Percy.
"Iniligtas siya ni Mayor Bryan, mukhang alam ni Mayor na may sumusunod sa kanila kaya iniwan niya si Kuya Breeze sa kalsada na isang kilometro ang layo sa pinagbarilan. Naisip ni Kuya Breeze na baka nagtampo ang Papa niya noon kaya sinundan niya yung daan na tinahak ng Papa niya pero huli na dahil nakahandusay na ang patay na Tatay niya." Bakit? Bakit nangyari kay Breeze yon? Nagpatuloy sa pagkwekwento si Percy. "Sa lamay at libing ni Mayor Bryan hindi umiyak si Breeze, nag aalala kami noon sa kalagayan niya dahil ang tahimik at blanko lang ang tingin niya sa amin, kaya hinayaan namin siya itinuloy namin ang buhay at sinuportahan namin siya pero simula nun napansin na namin ang pagbabago niya." Wala akong maisip na sabihin, gusto kong icomfort si Breeze gusto ko siyang yakapin, gusto kong sakin mapunta ang sakit. "Percy? Nasan siya?" Umiling iling siya sabay sabing. "Nagbago na siya ate… Ilang buwan naging suplado at masama ang ugali niya… pinag pasensyahan namin siya. Hanggang sa isang araw nakita ko si Kuya Breeze na may dalang bag , tinanong ko kung saan siya pupunta pero hindi niya ako pinansin at nagdirediretso na siya... At yun na ang huling kita ko sa kanya." Wala siya dito?
Hindi ko na namalayan ang oras at 7 na pala ng gabi, nagpaalam na ako kay Percy at nagpasalamat na rin.
Naglalakad ako sa kalsada na tuliro at malayo sa daan ang isip.Marami nga talagang nagbago.
"Maayos ang takbo nang isang taon pero, saktong birthday ni Kuya Breeze... Nasa biyahe sila pauwi dito kasi galing sila sa kabilang bayan para magcelebrate silang pamilya..Nang.. sa may kagubatan yun at may nagtambang sa kanilang sasakyan at binaril si Mayor Bryan.."Maraming nawala at umalis.......
"Sa lamay at libing ni Mayor Bryan hindi umiyak si Breeze, nag aalala kami noon sa kalagayan niya dahil ang tahimik at blanko lang ang tingin niya sa amin, kaya hinayaan namin siya itinuloy namin ang buhay at sinuportahan namin siya pero simula nun napansin na namin ang pagbabago niya.""Nagbago na siya ate… Ilang buwan naging suplado at masama ang ugali niya… pinag pasensyahan namin siya. Hanggang sa isang araw nakita ko si Kuya Breeze na may dalang bag , tinanong ko kung saan siya pupunta pero hindi niya ako pinansin at nagdirediretso na siya... At yun na ang huling kita ko sa kanya."
Nasaan ka na kaya Breeze?? Dahil lumilipad ang isip ko ay hindi ko alam na napadpad ako sa lugar na madalas na nakatambay kami ni Breeze.Ang isang ito ay cliff ilang liko palayo sa bahay ni Lola. Ang bangin na ito ay may mga tumbang puno na pwedeng upuan. Umupo ako doon at pinagmasdan ang langit na punong puno ng bituin. Naalala ko noon na dito kami pangalwang nagkita. Napatawa ako ng mag isa kasabay ang pagtulo ng luha mula sa aking mga mata.
Masakit ang pinagdaanan ni Breeze, sana ay nakausap ko man lang siya... dapat kasi bumalik ako dito. Kaya nga bumalik ako dito para makita siya at ipakita ang pagbabago ko pero... "Breeze… andito na ko oh… nagbago ako ng dahil sayo pero huli na ba ako? Ikaw na ba ang nagbago? Paano kita pasasalamatan?!" Pinahid ko ang luha ko na naagos parin. Huminga ako ng malalim at tumayo na.. Sumigaw ako...
"BREEZE YOSEF MATAPANG PABABALIKIN KITA… KAILANGAN MONG BUMALIK… GAGAWIN KO ANG LAHAT."
Pagkatapos kong isigaw yun ay tumalikod na ako at naglakad papauwi, puno ng pag asang maibabalik ko si Breeze.
Nakarating na ako sa bahay at dumiretso sa kwarto. Binuksan ko ang laptop ko at sinimulang magsulat muli ng kwento.
Percy
Kakaalis niya lang sa bahay namin. Inayos ko ang pinagkainan namin pero malalim ang iniisip ko. May hindi ako sinabi sa kanya dahil nanganganib ang buhay namin. Nagsinungaling ako sa kanya tungkol sa isang bagay. Patawad ate Lessy pero..... Napapikit ako at nagbingi bingihan nalang sa pag aaway ni Mama at Papa...
May gulo parin na bumabalik sa Suburbia ....
----------------------------------------------(((())))
"Anong balita sa kanya?""Tumawag siya at nasundan niya si Ms. Monreal na nanatili sa loob ng bahay ni Percy. At mukhang alam na niya ang nangyari..."
Tumango nalang siya at tumalikod sa kausap. Umalis na ang nag ulat at naiwan siyang malalim ang iniisip.
"Malapit ka ng mamulat sa pagbabago Lessy."
Pinagmasdan niya ang repleksyon ng kanyang mukha.
May hikaw siyang dyamante sa kaliwang tainga at mahaba na ang kanyang buhok at blanko at malamig na ang kanyang ekspresyon, gaya ng ekspresyon niya ng mailibing at umalis siya ng Suburbia dalawang taon na ang nakakalipas."Pagsisisihan mo ang pagbalik mo Lessy."
Ngumiti siya ng walang sigla at tanging paghihiganti ang nasa isip.
(((((((((((((((((((((((((((((())))))))))))))))))))))))))
Update ulit next time pag ginanahan....
Salamat @todetamiku_17 sa pinakaunang vote!!!! Naappreciate ko po yun thanks po ng marami!!!! Lovelots and Godbless po!
♣avente_abrylle
BINABASA MO ANG
The Reckless and The Brave
Short StoryShe's the author of their story A Reality that brought her to fantasy she's the reckless and he's the brave On writing a story, Will fantasy brought her to the Real?