Pabalibag kong sinara ang pinto ng kuwarto ko pagkarating na pagkarating ko dito sa bahay. Hindi ko pa din makalimutan 'yung bangayan namin ng lalaking 'yun? And how come na nag-aaral din siya sa academy? Furthermore, bakit ba niya ako sinisingil? Gago ba siya?
Nakakainis. Nakakainis. Nakakainis.
Tingnan ko lang kung sino ang mas magaling saming dalawa. Pilosopo guy, huh? Well then, sorry to say but I'm the pambara princess.
"Oh, ate. Dumating ka na?" Napatingin ako sa pinto kung saan nandoon ang bunso kong kapatid na si Wendy.
"Malamang. Makikita mo ba ako dito kung hindi? Mukha bang hologram kausap mo?" Gusto ko muna sanang magpahinga sa pambabara sa mga tao ngayon pero kung tatanungin ka ba naman kasi ng estupidang tanong na halata naman na ang sagot, nakakabanas!
"Sungit." She said before slamming the door shut. Tss.
By the way, the name's Ethan Labicasi.
What the fudge! Why is it ringing on my head? Ano ba kasing pakialam ko dun sa lalaking 'yun? Nakakabuwisit siya.
I still can't forget what happened at the party the other day. Because of him! Oo, dahil sa kanya. Buwisit siya.
Nakatayo pa din ako sa lugar kung saan ako iniwan nung lalaking muntik ng makabunggo sakin sa parking lot. Yup. With a messy hair, ruined makeup because of the temperature of the parking lot, broken heels, almost ruined dress and worst of all, a sprained foot!
Now, now. How can I attend the party with this look? Maybe I can't even see the Brant brothers anymore.
Paika-ika akong lumapit sa kotse ko para tingnan kung sobra bang lala ng itsura ko. Darn! I really look worse than a pauper now. Mukha akong brokenhearted or di kaya runaway bride na sirang-sira ang suot at hindi maganda ang ayos.
I looked at the time and it's already 6:47PM. I'm hell late and I'm sure mama's gonna be angry at me. Sinabi ko pa naman na kanina na on the way na ako. 'Yung bwiset na lalaking 'yun! Kasalanan niya 'to lahat!
Maaayos ko pa 'tong hair and makeup ko. But my dress? Paano ako makakapagpalit ng dress at sapatos? My home is almost an hour drive from here. Tapos babalik pa ako dito. Another thing, paano ako magpapakita sa mga ibang guest ng party na hindi mukhang sinumpang pilay?
Uuwi nalang ako. Kakain.
I drove my car to my home at nagpalit ng pantulog matapos akong maligo. Pinagtitinginan ako ng mga katulong kanina sa baba pagdating ko. Maybe they're thinking why am I here this early at bakit ako paika-ika maglakad. The hell they care?
"Pahatid ng pagkain dito sa kuwarto ko. And please give me a red velvet cupcake, too." Utos ko sa dumaang maid. Tumango ito sa akin tsaka bumaba na.
I turned my TV on and watched "Rourouni Kenshin."
The movie was on its climax when my phone rang. Tumingin ako sa screen at nakita ko ang pangalan ng panganay kong kapatid. "Hey, Angelynne. What's up?"
"What's up?! You're asking me what's up when I'm seeing mama's angry because you're nowhere to be found in this party? Now, tell me where are you? Sabi mo kanina, on the way ka na but heck, IC. That was already more than two hours ago. Nasan ka ba?"
I acted sick and made my voice hoarse, "Umm. Sabihin mo may sakit ako. I felt a little bit dizzy kanina kaya 'di na ako tumuloy."
Way to go with your acting skills, IC.
"May sakit ka? A-Ayos ka lang ba?" I sensed a bit of concern on her voice. I rolled my eyes.
"Kung maayos ako, ibig sabihin wala akong sakit, diba? Susme, teh. Common sense."
![](https://img.wattpad.com/cover/25606387-288-k784637.jpg)